There's this small town, dito ako lumaki though hindi na ako dito nakatira ngayon, bumibisita nalang minsan.
Pero noong nandoon pa kami, laman ng usapan ang nag-iisang bahay sa tapat ng isang napakalaking bakanteng-lote.
Hindi iyon mansion kundi isang simpleng bahay na gawa sa semento, walang kakulay-kulay. Hanggang ikalawang palapag iyon at ang nakatira doon ay ang dalawang tiyahin lang ng pinsan ng kapit-bahay namin.
Laman ng usapan noon, kahit hanggang ngayon na ang isa daw sa mga matandang iyon ay may alagang sigbin.
Noon tinanong ko kay Mama kung ano ang sigbin, sabi niya parang kangaroo, luamalabas daw ito pag gabi tapos sinisipsip ang dugo ng mga biktima niya.
Hindi ako naniniwala pero marami na ang nabalitang mga patay na baboy o mga hayop sa barangay na yun, mga pugot na ulo ay nakikita din sa may imburnal na nasa baba lang ng bahay na iyon malapit sa dagat.
Halos walang lumalapit sa bahay na iyon dahil sa takot, idagdag pa ang nakakatakot na histura ng magkapatid.
Hanggang sa namatay ang may alaga ng sigbin at naiwang mag-isa ang kapatid nito. Hindi na masyadong takot ang mga tao nun kaya marami nang mga bata ang naglalaro sa bakanteng lote, marami na ang naglalakad malapit dito.
Hanggang sa nung ibalita na may mangingisda na kapitbahay lang ng pinsan ko, na nawawala. Pinaghahanap siya ng mga pulis pero hindi na ito nakita.
Ang sabi sa newspaper na nabasa namin, nangisda daw ito ng gabi kasama ang anak na lalake, dumaong sila sa ibaba ng bahay na iyon dahil malapad ang buhanginan.
Ayon sa anak na kasama, kinukuha na raw nila ang lambat at ang lalagyan ng isda para umuwi nang biglang sumigaw ang tatay niya, paglingun niya rito ay may mapupulang mata daw sa likod ng ulo nito.
Pero mahirap daw paniwalaan dahil paramg natakasan na ito ng bait o parang wala na sa sarili.
Sa sumunod na araw ay pinuntahan ng pulis ang bahay na iyon naabutan nila ang matanda na nag-aalmusal mag-isa. May kapansanan ito sa pag-iisip kaya ngumingiti lang ito sa mga taong nakikita niya walang sinasabi kahit na kailangan naman niyang sumimangot o umiyak.
Hinalughug nila ang buong lugar, at nakita namin sa larawan na ipinakita ang mga damit na nakasampay, may dalawang kadena na nakalagay sa ibabaw ng isang higaang walang foam at isang pagkainan ng aso.
Hindi naman nila makausap ng matino ang matanda dahil sa kapansanan nito. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin nila matukoy kung totoo ang usap-usapan.
Hanggang ngayon, buhay pa rin ang matanda. Nag-iisa sa malaking bahay na iyon. Wala na ulit masyaodng lumalapit sa lugar na iyon. Pagsapit ng gabi, wala nang lumalabas at ang kanilang mga hayop ay ikinukulong nila sa mga cage o inilalapit talaga ang tirahan sa bahay nila sa takot na baka totoo ang sigbin at sila ay atakihin.
#WattpadAThonChallenge
#BuwanNgLagim