Where Black?Isang akdang biglang pumasok sa aking isipan
Pinlano't sinulat gamit ang puso at nakaraan
Bunga ng aking pagpunta sa isang lugar na natatangi
Kung saan tinaguriang lugar ng mga ngitiIsang kwentong tungkol sa isang lalake
Mayaman, ma-porma pero buhay ay hindi kawili-wili
Nagmula sa isang wasak at magulong pamilya
Kaya pakikitungo niya ay hindi ka-aya-ayaNagpasya siyang magpakalayo
Sa isang hindi pamilyar na lugar siya ay nagtungo
Umaasang masandalan ang nobya na kaniyang mahal
Ngunit siya rin ba ay minamahal?Nakilala niya ang isang masiyahin at makulit na babae
Sa daungan ng mga barko, pier kung tawagin
May mapupulang labi at kuko
Nakakatawa ang kaniyang bangs pero maganda siyang totooIsang misyon ang gustong isakatuparan ng babae
Iyon ay mapasaya ang lalake
Pero dahil sa hindi ka-aya-ayang pakikitungo
Magagawa kaya ang misyong gusto?Ang umiwas ay sinubukan niya
Dahil alam niyang hindi siya dapat masanay
Sapagkat alam niyang darating ang araw na sa kaniya
Siya ay mawawalayNgunit sadiyang pursugido ang babae
Kaniyang tawa ay hindi mabilang kung ilang dami
Magaling itong magpatawa
Nagawa niyang maging masayaMga pilikmata na nagdadala ng hiling
Sa lahat ng pagkakataon sa kaniya ito ginamit
Natutunan niya ulit na mahalin ang sarili
Sa loob ng matagal na panahon muli siyang ngumitiNgunit ang lahat ay may katapusan
Biglang bumalik ang nakaraan
Sa pagbukas ng isang talaan
Doon niya nalaman ang buong katotohananDumating siya sa buhay niya
Para siya'y sumayang muli
Ngunit dahil tapos na ang misyon niya
Kailangan na niyang umalisNatutunan niyang hindi masamang sumaya
Dahil kay ikli ng buhay
Hindi masamang umalis
Basta't kapag masaya ka na, matuto kang bumalikAt sa pagkakatong iyon pinangako niya sa sarili
Na kahit anong mangyari
Hindi niya kakalimutan ang sandali
Nang "Saan ang punta mo?" ay tinanong ng anghel na binibini***
Original Story: Where To? By vimereille
Shirt Color: Black#WattpadAThonChallenge
#AgosTula