Prologue
"Evie, talk to me please" tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad ko ng hindi siya nililingon. I do really hate him now. He betrayed me. I saw him kissing with her. Sa lahat ng babae bakit si Naya pa!.
"Don't call my name, you! traitor! " nag-uumapaw ang galit ko ngayon at siya ang dahilan pati na ang babaeng yon.
"Look, nagkakamali ka ng nakita Evie. She kissed me" malapit na akong makarating sa kotse ko kaya binilisan ko pa ang paglalakad ko. "Please Evie let me explain" patakbo nyang hinila ang kamay ko paharap sa kanya.
Walang emosiyon ko siyang tiningnan sa mata at saka inagaw ang kamay ko mula sa kanya. "Go explain" walang ganang sabi ko.
"I-I didn't kiss her, siya ang humalik sa akin. Alam mong hindi kita kayang lokohin" pagsimula niya.
"Do you believe na paniniwalaan ko yon?" walang ganang tugon ko.
"Look Evie" he put his hands in his face tanda na naiinis na siya. Tsk. "She's f*cking grabbed me to that f*cking room! dahil sabi niya may sasabihin siya!. She confess her feelings to me pero binalewala ko yon. Sa lahat ng babaeng nag-confess sa akin ikaw lang ang nagustuhan ko Evie, ikaw lang at alam mo yun".
"Tsk, hindi ikaw ang unang humalik but you f*cking kissed her back Keven" sabi ko habang tinitigan siya sa mata nagliliyab sa galit ang kalooban ko ngayon dahil sa nakita ko kanina. "YOU. KISSED. HER. BACK!" sigaw ko sa kanya, nagbabantang tumulo ang mga luha ko pero pinigilan ko iyon. I love him so much. I gived everything to him, my time, attention and love. Tapos ito lang ang isusukli niya sakin, pain.
Dalawang buwan niya akong iniiwasan, hindi kinakausap, minumura, at sinasaktan tiniis ko lahat ng yun dahil alam kong mawawala lang lahat ng iyon. Tapos ngayon makikita ko na lang siyang nakikipaghalikan sa iba.
"Gaano ba talaga kalaki ang kasalanan ko sayo, bakit mo to ginawa sa akin Keven" malumanay na tanong ko. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Tell me Keven" I lean my head down dahil sa gusto kong itago ang aking emosyon, hindi ko gustong makita niya na mahina ako.
"Evie" humakbang siya papunta sa kinatatayuan ko at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit inilayo ko agad ito sa kanya.
"Don't you ever f*cking touch me Keven! " sigaw ko sa kanya. Nasa parking lot kami ngayon at walang katao-tao kaya walang makakarinig samin.
"F*ck Evie! ano pa bang gusto mo?! luluhod ako sa harap mo?!" sarkastikong tugon niya. So siya na ang galit ngayon! siya na nga tung nagkamali siya pa ang galit. "F*ck you kung ganun!" Ibinaling ko sa kabali ang ulo ko habang pinipigalan ang galit ko "I don't love you anyway. I'm just using you".
Gulat na napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang mga katagang yun. Biglang huminto ang pagtibok ng puso ko at hindi agad rumehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. Ang kaninang tumutulong luha mula sa mga mata ko ay biglang tumigil na.
"W-what do you m-mean?" nanginginig at nauutal na tanong ko sa kanya. He smirked at me at saka nagsalita.
"Ang tanga mo talaga ehh no" panimula niya. "Ginamit lang kita para pagselosin si Naya, I asked you to by my f*cking girlfriend then boom! You said yes. Hindi ko naman inakalang mahuhulog ka agad sa charm ko. Lahat ng pagpapakilig ko sayo, is just an act. Magpasalamat ka nga at naranasan mo yun. And do you really believe na minahal kita?tsk, ang tanga-tanga mo talaga Evie" all this time, palabas lang pala lahat ng yon. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hinawakan ko yun ng mahigpit. Nanghihinang napaatras ako at hindi ko na naman napigilang maluha. Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha mula sa mga mata ko.
"A-act? ".
"Yes! An act! ni minsan hindi kita minahal Evie, si Naya lang ang minahal ko kaya kita ginamit" humakbang siya papunta sakin kaya humakbang rin ako papalayo.
"D-don't" patuloy lang ako sa paghakbang papalayo hanggang sa maramdaman ko na ang lamig ng sasakyan ko saking likuran.
"And thanks to you bumalik sakin si Naya" binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti saka niya inilapit ang kanyang mukha sakin, malabo narin ang paningin ko dahil sa mga luhang walang tigil sa pagtulo. "Huwag kang mag-alala I'll pay your hardwork" kinuha niya ang isang credit card niya mula sa kanyang wallet at saka niya ito inabot sakin.
Paaaaaaakk!!
I slap him.
"How dare you!!" Nanginginig at mukhang mamaga ang aking kanang kamay dahil sa lakas ng sampal na ibinigay ko kay Keven. "Hindi sapat ang isang sampal lang sa sakit na ibinigay mo sakin Keven! K-kung alam ko lang! kung alam ko lang na palabas lang ang lahat, sana iniwasan na kita sa simula pa lang!!. Walang hiya ka!" . Galit na tumingin sakin si Keven ngunit binalewala ko lang iyon dahil walang makakahigit sa galit na nararamdaman ko ngayon.
Biglang kumirot ang dibdib ko kaya napahawak agad ako doon. Ilang beses ko itong pinigsusuntok upang tumigil ang pagkirot ngunit hindi talaga ito tumigil. Napahawak ako sa pinto ng sasakyan ko at napayuko dahil sobrang sakit na talaga ng dibdib ko.
"P-pinagsisihan kong n-nakilala kita K-keven" nakikita ko mula sa kanyang mata na nag-aalala siya ngunit nawala rin agad dahil napalitan agad iyon ng blankong ekspresyon. "Isang malaking pagkakamali na m-minahal kita. Tama ka ang t-tanga ko, ang tanga-tanga ko dahil n-nahulog ako sa isang l-lalaking tulad mo. Ngunit isa lang ang tatandaan mo, h-hindi ko pinagsisihang m-minahal k-kita" napahawak na naman ako sa dibdib ko dahil dumuble ang kirot nito. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa walang tigil na pag-iyak ko. "Nang dahil sayo naranasan kong m-magmahal na kahit ni minsan hindi ko naramdamang minahal mo ako". Tumingin lamang siya sakin ng ilang segundo bago ibinaba ang kanyang ulo.
Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinigilan kong humagulhol dahil baka lumala ang kirot dito sa dibdib ko.
"Keven! " napatingin ako kay Naya nang tumatakbo ito papunta sa kinarororonan namin. Bumuhos ang mga luha ko ng makita ko ang bestfriend ko, ang taksil kong kaibigan. Huminto ito sa likuran ni Keven, nagulat ito ng makita niya ako. I give her a fake smile. "E-evie".
"I-I hate both of y-you" pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun pumasok agad ako sa sasakyan na nanghihina at binuhay ang makina nito.
I HATE YOU KEVEN!.