*COFFEE SHOP
"Hoy! Pwede bang tumabi ka sa dadaanan ko!?" sigaw sakin ng isang lalaki na gustong umuna sa counter.
Tumingin muna ako kanan at kaliwa ko para siguraduhin na ako ang sinasabihan nya, sabay humarap sa kanya.
"Bakit ako tatabi?" mahinahon kong sabi.
"Kasi gusto kong bumili!" angis nya.
"Gusto ko din bumili, bat ako tatabi?" pag uulit ko sa kanya.
Ngumisi sya. "Aba! Hindi mo bako kilala?"
"Dapat paba kitang makilala?"
"Yabang mo ah! Ang sabihin mo gusto mo lang akong makilala?" Bigla syang gumisi at tumitig sakin, pero hindi ko maikakaila na ang mapupungay nyang mata, matangos ngang ilong at mapupulang labi ang nag bibigay ng lakas ng atraksyon sa kanya.
Kung hindi ka nga lang walang modo.
"Ano hindi ka makasagot no? Ganon ba talaga ako kagwapo para matorpe kayong lahat sakin? dagdag nya pa."Alam mo, mas nakakagwapo kung bawas bawasan mo yang pagiging gwapong gwapo mo sa sarili" tinapik ko yung braso nya sabay umalis.
Habang naglalakad ako palabas ay rinig ko padin ang mga babae na nag papapicture sa kanya at nilalaksan nya ang sagot para ipa rinig sakin.
Habang naglalakad ako papunta sa school na papasukan ko, may narinig akong ingay may isang tumpok na taong nakapalibot don.
Ano ba yan aga aga may nangungursunada na agad.
Pumunta ako patungo sa lugar kung saan nag kakagulo at kitang kita ko kung paano sinampal ng isang lalaki ang walang kalaban laban na babae, sasampalin pa nya sana eto ng bigla ko itong pinigilan.
"Isang lapat pa sa mukha nya" gigil kong hawak ang kamay nya habang nakatitig sa mata nya.
"Hoy ikaw babae ka, ano bang pakeelam mo? Away mag shota to oh!" galit nyang angis.
"Ayusin mo ang kinalat mo!" utos ko sa kanya dahil sa pag kakalat nya sa damit ng babae at sa couch.
"At bakit naman ako makikinig sayo?"
"Mamili ka, makikinig ka sakin o makikinig ako sayo? sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko sayo"
"Mayabang ka ah! Pero pasalamat ka ngayon palalampasin kita, pero tandaan mo hindi ko patatahimikin ang buhay mo dito" sambit nya nung nakita nya na may papalapit na prof.
Naglakad ako papunta sa canteen.
Pinadala ako ng mommy ko sa school nato para maiwas sa gulo pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko twing nakakakita ng taong inaabuso.
"Jaiiiiiiiiii" Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses sakin.
Nilingon ko kung saan nang gagaling ang boses na yon, nagulat ako ng makita ko ang bestfriend ko.
"Jai imisyouuuuu!!" saka niyakap nya ako ng mahigpit.
"Grabe, oa ka naman sa miss! E araw araw tayong magkasma" biro ko sa kanya.
"Syempre nagkahiwalay padin tayo, eh bat nga ba ngayon ka lang san kaba nang galing ha!?" mataray nyang tanong.
"Madaming nangyare, useless lang kung ikekwento kopa"
"Ts bat nga ba nag tanong pako, tara na nga!" saka hinila nyako.
Sya na ang kasama ko mula pagka bata ko at ngayon, sya na ang tumayong kapatid at tagapag payo ko sobrang ingay nya nga lang, dahil nga laging wala ang magulang ko sya ang nakakasama ko sa bahay kasi busy din ang magulang nya at magka ibigan naman ang magulang namin kaya useless na pag nag condo sya, sya si Yvonne Hernandez.
*ROOM
"Goodmorning everyone, I'm Miss Denisse Cayamanda, but you can call me Miss. Den, i'm your class avdvisor for this school year, and i know na matured na kayong lahat para gumawa pa ng mga hindi dapat, i am right?"
"Yes miss" sagot ng lahat.
"So ngayon kayo muna and highschool ang may pasok dahil ang senior ay bukas pa" sabay umupo sa pumunta sa desk nya.
"Btw class bukas may mahalaga tayong bisita sila Dean Zervañes at ang iba pang stock holders ng school natin, i hope lahat kayo ay makiki operate, okay then you'll may now have you break".
Yvonne's Pov.
She is Jaizeen Dela Costa, pag kasama ko sya pakiramdam ko ang gaan ng kalooban ko dahil andami nyang pananaw sa buhay at lahat ng sinasabi nya ay makahulugan, mabait yan pero sobrang palaban ayaw nya ng may nabubully dahil kahit nga yata ang pinaka nakakatakot sa mundo papatulan nyan, para na kaming mag kapatid ni jai kaso minsan hindi ko din maintindihan ang ugali nyan may pagka wirdo.
BINABASA MO ANG
LOVE WINS
RomanceHi everythingggg HAHAHAHAH SHAROT. Eto ay kwento ng pagibig na pagiisahin ng tadhana, kahit na gaano nyo kaayaw sa isa't isa pero kung kayo talaga, KAYO TALAGA. Because "LOVE WINS" so enjoy reading muna for now. -coco nat 🌴