Love Wins (chapter 6)

46 1 0
                                    

May IG kaya yon? May phone naman sya kaya siguro meron, ts tingan konga account nya.

Kinuha ko ang loptop ko at hinanap ang IG account nya.

Ts ano ba yan walang instagram! Baduy talaga, eh ano pang silbi ng cellphone nya? Ts kahit kaylan talaga wirdo!

Sa pag higa ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*KINAUMAGAHAN

"Manang una na po ako" paalam ko kay manang.

"Ang aga mo naman yata?"

"Eh kasi manang may practice pa kami ng basketball"

"Ang gwapo mo pa at ang bango bango mo"

"Manang as always naman po diba?

"Ayan naba ang bago ninyong uniporme?

"Opo manang, sige po una nako"

"Osige iho magiingat ka ha"

"I will manang"

Nagdrive ako papuntang school, ewan pero iba ang pakiramdam ko ngayon nakakaramdam ako ng excite pumasok WaAahh sana laging ganito.

Pinark kona ang kotse ko at naglakad papasok ng school.

Jai's Pov.

"Hoy anong oras kaba papasok ha?" tanong ni von.

"Anong oras ba pasok natin?"

"8"

"8??"

"Oo 8 kaya mag gayak kana!!"

Pagtapos kong maligo at mag bihis ay nagsuklay na ako.

Nakakapanibago dahil hindi ako komportable sa uniporme na suot ko, kahapon kasi ay inonounce na na dapat ay naka uniporme nalahat ngayon hindi kagaya kahapon na naka freestyle lang, may kaiklian ang palda kaya hindi ako masyado komportable.

"Wow naman jai! Ang ganda mo!!" kita ang paghanga sa mata ni yvonne kaya mas lalo akong nahiya.

"Mas maganda ka padin"

"Sus alam ko naman yon jai yieee"

"Tara na" pag aaya ko sa kanya.

"Tara na, for sure madami sayong magagandahan sayo don"

"Ts"

*SCHOOL

"Jai" tawag saakin ng isang pamilyar na boses.

"Brent?"

"You are both look cute ah?"

"Ah hehe" yvonne.

"Umpisa na ba klase nyo?"

"Dipa nga e vacant kami" sagot ko.

"Gusto nyong manood muna ng basketball?"

"Ah oo gusto namin! Tara jai!" pag singit ni yvonne.

"Ha-a ah" diko na natapos mag salita dahil hinila ako ni yvonne.

Sabagay gusto ko din namang manood dahil gusto ko din ang larong basketball pero etong si von wala talaga syang hilig gusto nya lang talagang makakita ng varsity player.

Malas naman oh! naglalaro din pala ang bwisit sa buhay ko!! Nakalimutan mona ba jai mag kaibigan sila?

Malas naman oh! naglalaro din pala ang bwisit sa buhay ko!! Nakalimutan mona ba jai mag kaibigan sila?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ts! pero ang pawis nya ay nagbibigay dagdag sa kagwapuhan nya.

Maya maya ay nag break muna sila at pumunta sila sa pwesto namin, nag tama ang paningin namin ni froi at titig na titig sya sakin.

Ang sama nanamang ng titig nya nakakabwisit!!

"Problema mo?" sarkastiko kong tanong.

"T-tubig!"

"Ha?"

"Yung tubig ko nasa likod mo, akina!"

Kinapa ko yung tubigan nya sa likod ko at inabot sa kanya.

"Ow hi jai and yvonne ang gaganda nyo naman" ani pat.

Nginitian ko lang sya.

"Ts" rinig ko ang pag singhal ni froi.

Froi's Pov.

Maganda ba yan? Maganda lang yung uniform eh!

Pero..

Pero aamin kona bumagay talaga sa kanya ang uniform nya nakita ang pag ka ganda hubog ng katawan nya at kita rin ang maganda niyang balat, matangkad sya kaya naman bumagay sa kanya.

Pero hindi parin sya maganda sa paningin ko!!

"Akina!" hinablot ko sa kanya ang tubig ko.

"Ts"

"Anong ts? Tigilan mo nga ang pagsasabi nyan! Nakakainis!"

"Mas nakakainis ka!"

"Anong sabi mo?"

Tiningnan nya lang ako ng masama, yung masama na nakakapangilabot na sya lang ang nakakagawa, kaya iniba ko nalang ang usapan.

"Eh bat ka ba nandito ha!? Pinapanood moko no?"

"Bakit ikaw ba ang ring?"

"Syempre ako magsho-shoot sa ring! Mag isip kanga!"

"Nakaka shoot kaba?" pang aasar nya.

"Hindi kaba nanonood? Hindi moba nakita na akin lahat ng score na yan?"

"Hindi" ayon nanaman yung nakakabadtrip nyang sagot.

"Ts ewan ko sayo! Bumalik kana nga sa room mo!"

"Bat naman kita susundin?"

"Dahil sinabi ko!"

"Bat naman ako susunod?" paguulit nya.

"Alam mo bang lahat ng sinasabi ko ay nasusunod?" tiningnan ko sya ng masama.

"Pwes ngayon meron ng hindi nasunod." nilabanan ang masama kong tingin.

Nakakabadtrip talaga makipag talo sa babaeng to.

"Ah hindi ka talaga babalik? Edi dyan kana wag ka ng pumasok gusto mo pala ako mapanood maghapon eh"

"Ts! Tabi nga jan!" pinaalis nyako sa daan pababa ng court.

LOVE WINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon