Chapter 1: The Dark Past

18 0 0
                                    

Hi. I'm Annika Nycoll. Anak ng isang napakayaman at napakamakapangyarihang Mr. Gerald Nycoll. Daddy's girl ako. Wala na akong mommy. Iniwan na niya kami. Pumunta na siya sa heaven kapiling ni lolo't lola. Kaya kami na lang dalawa ni dad sa buhay.

Maraming business si Dad, mapa Pilipinas man o ibang bansa. Hindi ko na nga mabilang kung ga'no na karami ang kompanya niya. Dahil din sa dami ng dapat niyang asikasuhin madalas hindi na siya nakakauwi ng bahay. Hindi na kami nakakapagbonding. Nakakamiss sobra. Yung lahat ng bondings namin dati, hindi na namin yun nagagawa ngayon. Minsan nga nagtatampo ako sa kanya dahil mabuti pa yung trabaho niya binibigyan niya ng panahon. Eh sa akin kahit konting oras hindi niya maibigay. Pero alam ko namang ginagawa niya itong lahat para sa kapakanan at ikabubuti ko. Para mabigyan niya ako ng magandang buhay.

Haay. Minsan hinihiling ko na lang na sana hindi na lang kami mayaman. Oo. Alam kong maraming gustong maging mayaman. Pero mas pipiliin mo bang maging mayaman kung ang kapalit lang naman ay ang pag-unti-unting pagkawala ng mga mahal mo sa buhay? Bakit? Katulad na lang ng nangyari sa mommy ko. Sabi sa akin ni Dad namatay raw siya dahil sa pera. May nang hostage kasi sa isa sa mga bangkong pagmamay-ari namin noon. Eh si mommy yung namamahala nung bangkong yun. Gustong kunin nung mga magnanakaw lahat yung pera ng bangko. Binigay naman nila. Kaso yung isang magnanakaw nakita niya yung suot na kwintas ni mommy. Isang simpleng pink diamond na may naka engrave na letter ng pangalan ni daddy at mommy. Kaya yun yung pinagdiskitahan nila. Nagmakaawa si mommy na kunin na ng mga magnanakaw ang lahat, huwag lang yung kwintas dahil regalo yun ni daddy nung birthday niya at pumunta lang talaga si daddy ng states para ipagawa yun. Kaya sobrang mahalaga nun para sa kanya. Pero hindi nakinig yung magnanakaw at pilit na tinatanggal yung kwintas sa leeg ni mommy. Pero matigas ang ulo ni mommy at ayaw niyang ibigay sa magnanakaw yung kwintas. Bigla silang nakarinig ng putok at natumba si mommy. Punong-puno ng dugo yung damit niya. Nagsitakbuhan lahat ng magnanakaw dala yung pera ng bangko. Dali-daling lumapit yung mga staff kay mommy para tulungan siya. Tumawag narin sila ng mga pulis at ambulansya. Tinawagan din nila si Daddy. Nung mga oras na yun, nasa skwelahan pa lang ako nakikinig sa klase ng bigla akong ipinatawag ng aming guro na pinapauwi na raw ako ni daddy dahil may emergency raw. Syempre nung mga panahon na'yon wala pa akong kamuwang-muwang. Limang taong gulang pa lang ko nun. Pagdating namin sa hospital kinausap ni daddy yung doctor. "I'm sorry Mr. Nycoll. We did everything we could. But she didn't make it. I'm really sorry." sabi nung doctor at pinat niya yung balikat ni daddy bago umalis. Umupo si daddy sa upuan sa labas at bigla na lang siyang umiyak. Yun ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si daddy. I mean alam kong tao rin siya. May pakiramdam. Pero hindi basta-bastang umiiyak si daddy ng walang dahilan. Nagtataka ako kung ano ba yung sinabi ng doktor sa kanya kanina para maging ganito siya. Medyo hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya. Lumapit ako kay daddy na kasalukuyang nakayuko at umiiyak. "Daddy? Is everything ok? Why are you crying? May problema po ba kayo?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Alam kong ang daldal ko sa oras na yun pero hindi ko talaga mapigilang magtanong sa kanya. Hindi niya ako sinagot ng mga ilang minuto. Nung hindi na siya gaanong umiiyak, pinunasan niya yung luha niya at nagbuntong-hininga. "Wala na siya, Annika. Wala na ang mommy mo." at umiyak na naman siya ulit. Naguguluhan ako sa sinabi ni daddy. Wala na si mommy? Saan siya nagpunta? Bakit niya kami iniwan? Bakit siya umalis? "What do you mean daddy?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Kung umalis man si mommy bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit hindi siya nagpaalam sa amin? Bakit hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Tumingin si daddy sa akin bago siya nagsalita. "Patay na ang mommy mo. Hindi na siya babalik. Iniwan na niya tayo." Nang pagkasabi ni daddy nun bigla na lang akong humagulgol sa iyak. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yun. Para akong ginulpi ng paulit-ulit sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Ang mommy ko. Ang napaka mabait, mapagmahal, mahinhin, masayahin at maunawain kong mommy. Ang una kong guro, ang nagturo sa akin kung paano maglakad, magsalita, kumain, sumulat, bumasa at iba pa. Ang aking matalik na kaibigan, ang aking kalaro, ang aking tinuturing na kapatid at ang taong nagluwal sa akin at nagpakita kung gaano kaganda ang mundo. Lahat ng iyon bigla kong naalala. Wala na siya. Wala na ang pinakamamahal kong mommy.

Matagal-tagal din akong nakamove-on sa pagyayari na yun. Simula ng namatay si mommy. Hindi na ako pumapasok ng paaralan. Kumuha na lang ng personal teacher si daddy para sa akin para na rin mukha akong nag-aaral. Hindi ako lumalabas ng bahay at hindi ako nakikipaglaro sa ibang bata. Palagi nalang akong nagkukulong sa kwarto ko. Nagmumukmok at umiiyak magdamag. Minsan hindi ako kumakain dahil wala rin akong gana. Hindi na nga alam ni daddy ang dapat niyang gawin upang manumbalik ang dating ako. Nagtagal ng mga limang buwan bago bumalik yung pagiging masayahin ko. Maraming nagulat sa pagbalik ng dating ako nun. Akala nga raw nila hanggang buhay na akong ganon. Mabuti na lang raw at mabait ang Diyos. Sobrang saya ni daddy nun. Halos mangiyak-ngiyak siya dahil akala niya raw mawawalan na siya ng anak. Maraming nagtataka kung bakit raw ako bumalik sa dati. Maski si daddy palagi niya akong tinatanong kung paano raw ako naka move-on. Ang sagot ko? Wala. Isang malapad lang na ngiti. Ayokong sabihin sa kanila kahit pa kay daddy yung rason kung bakit. Basta masaya ako na bumalik na ang dating Annika. Yung ang inaakala nila.

Nung araw na inilibing na si mommy sumama ako kay daddy sa kulungan para sa imbestigasyon ng pagkamatay ni mom. Akala ko nun makukulong na talaga ang maysala ngunit mali ako. Nahuli ng mga pulis yung ibang mga magnanakaw maliban sa kanilang lider na may kutob akong nagpatay kay mommy. Sobra ang galit ko nun ng malaman kong hindi nahuli yung pumatay kay mommy. Alam kong bata pa ako nun pero nung mga panahong yun dinadasal ko na sana mahuli na yung taong yun at maparusahan habang buhay. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin makita ng mga pulis ang taong yun. "Ms. Annika, nandito na po yung kotse niyo." bigla akong natauhan ng marinig ko yung sinabi ng yaya namin. Ang tagal ko rin nagreminisce ah. Nakakapagod. Tumayo na ako at inayos yung sarili ko bago sinabing "Thank you, yaya." at lumabas ng bahay na nakangiti. 'Simula ngayon, ako, na si Annika Nycoll ang maghahanap sa lalaking pumatay sa mommy ko at ako ang magpaparusa sa kanya ng kamatayan.' sabi ko sa isip ko bago tuluyang pumasok ng sasakyan.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 28, 2015 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Loving Him Was RED.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora