Louise POV
Nagising ako isang umaga... sa loob ng isang ospital... ewan ko pero naka-dextrose ako at nakakabit sa akin ang kung anu-anong mga tubo... Mejo naninikip ang dibdib ko.. siguro inatake ng ako nang gabing yun, nang kasama ko sina Derrick, Elmo, at Julie...
Teka... nasaan na nga ba sila... Ang tanging tao na nakita ko doon ay ang mama at papa ko.. Nasaan na sila? Ligtas kaya sila? Muntikan na kayang bumagsak ang ferris wheel na sinasakyan namin :(... nasaan na kaya ang mga kaibigan ko?
"Oh Louise! Gising ka na pala? Kamusta naman ang pakiramdam mo? Naninikip pa ba?" bati sa akin ng mama ko.
"Ma ayos lang po ako. Ah-nasaan po sina Derrick at mga kaibigan ko?" tanong ko.
"Nandito sila kahapon, hinihintay ka nilang magising eh..." sabi ni mama.
"Ako?.???" sabi ko.
"Oo...Bakit ka pa kasi sumakay dun sa ferris wheel na yun? Alam mo namang bawal ka dun." tanong ni mama. pero di siya galit.
"Wala lang po.. .Ayoko po kasing mapahiya sa mga kaibigan ko eh.." sabi ko ng nakangiti... alam ko kasi na pag ngumingiti ako, nawawala ang galit ng mama ko eh :)
"Ayaw mong mapahiya? E pano kung mamatay ka?" sabi ni mama ko.
"eh. kasi po ma eh..." sabi ko pero di ko na tuloy. Alam ni mama kung gano kahalaga sa akin ang mga kaibigan ko eh...
Wala na kong masabi.. ayaw ko sabihin kay mama ang mga kaya kong gawin para sa mga kaibigan ko...
"Nga pala, Louise samakalawa ang alis natin patungong France... Dun na rin natin ipagpapatuloy ang treatment mo.." sabi ni Papa..
"Sa France?" bigla kong sabi.
"Oo... Sa France. Hindi ba nasabi sa 'yo ng mama mo kanina?" tanong ni PApa..
"Uhmm.. Hindi po." yun sabi ko kay papa..
"Basta nakahanda na ang mga papers mo.. we'll leave the first flight the day after tomorrow.." sabi ni Papa.
So we will be leaving huh! paano yung mga kaibigan ko? paano si Alden? paano na siya?
Siguro ayos na siya... balita ko eh may gusto rin naman yung crush niya na si Sarah sa kanya. Siguro magiging ayos siya kahit wala ako..
"Huy! Lalim ng iniisip mo ah!" Biglang sabi ni papa ko...
"Uh-wala po pa! May naisip lang po ako bigla. Sige po... okay na po ako sa pag-alis natin." sabi ko.
Aalis na ako... pero sana maging ayos lang ang mga kaibigan ko... lalong lalo na si Alden. Siya lang naman ang inaalala ko eh...
"One day... pinapangako ko... lalabanan ko tong sakit ko at babalik ako..." sabi ko sa sarili ko.
End of POV
Elmo's POV
Pia: Anak! ano ba naman tong gulong pinasok mo? Bakit naman nangyari yun sa kaibigan mo? Alam mo naman na mayroong problema kami ng Dad mo 'di ba? Bakit ba dumagdag ka pa?
ELmo: Ma!!!! Pwede ba? Muntikan na nga kami mahulog dun eh! Ako pa ang sinisisi niyo!!!
Pia: Elmo!!!! Bakit ganyan ka na sumagot sa akin? Porket ba nagkakaganito na kami ng papa mo, may karapatan ka nang sagut-sagutin ako?