Chap 1

23 0 0
                                    

After the running away scene from that old building, pumunta muna kami sa hangout place namin. Ang "TheParty Shop." Dito kami pumupunta every after work. Hindi kasi nila iisipin na galing kami sa isang life or death mission, mas malaki pa ang chance na iisipin nilang nanggaling kami sa isang costume party. How nice. Isa pa, nandito rin ang tinatagong base namin and the place is in the metro pero medyo unnoticeable. Not suspicious at all. This was supposed to be an apartelle, but thanks to P.R.I.M.E, and the acquisition of the lot can't be that hard anymore. We've been living here for almost 5 years. Isa pa, nagusutuhan ko rin ang lugar dahil walang chismosang mga kapitbahay kang makikita.

"Muff, nakuha mo ba ang kailangan natin?" Sabi ni Bri.

"Yep. Madali lang pala I-hack ang system ng mga Villaflores. May mga loopholes din sa secured base nila. At ang dali rin non matuntun." Sagot naman ni Muff.

Sila. Silang dalawa ang kasama ko simula na nang buhay ko dito, sa mundong to. Funny as it may seem pero para kaming pinagbuklod ng destiny. If such thing exists. But naniniwala ako sa 'there is a purpose behind everything going on' principle. I just don't know if I have found it yet. Anyways, sila na ang naging stable workmates ko, at hindi na rin ako nagpapa-assign nang ibang team since kinasanayan ko na sila, at nasanay na rin sila sa akin. Countless of times na rin na kapag nag-aassing ako sa other teams, it's either hindi sila sanay or gusto nila akong tapatan & 

"Parang may nakalimutan ako"

"Muff ayan na naman yang amnesia mode mo!"

"Brey ngayon lang to nohNanggaling kase sa isang intense mission kaya medyo kalat pa braincells ko."

"Ang sabihin mo, nagiging makakalimutin ka na. Matanda na si You."

"Che! Tumatanda ka na rin kaya!"

"At least hindi halata! :p"

At talagang sanay na ako sa kanila. Mapabangayang work or nonwork, o blaming game man yan, kahit anong pwedeng pagdebatihan -- ranging from movies to small things; hindi magpapatalo ang kahit sinuman sa kanila. Wala rin kasi akong pinapanigan sa kanila, at most of the time, tahimik lang ako. No need of wasting much saliva. Unless hinihingan nila ako ng opinion whatsoever. Pero kapag tungkol sa mission, mas nagiging vocal ako. Also, when it comes to chores and the 'who-does-this-and-that' things sa missions ay nagkakaroon naman kami ng unity.

Iniwan ko silang nagtatawanan sa sala ng underground floor ng apartment namin para pumunta sa kitchen. The PartyShop has incredibly catered our needs, especially the homey stuff. May 3 floors kasi ito with complete amenities: 1st floor w/c is the PartyShop na talagang real store for every kind of party needs & serves as an excellent front, 2nd floor w/c is the floor for another office -- technical floor, kasi most of our computer technologies & high tech equipments are stored in there. Lastly, the underground, a place where we can call it noncasual lobby. But my fave place is located in the underground -- kitchen, actually. It's where I can actually vent out my stress after a death-defying stunt or body tiring mission. Dude, sino bang hindi mapapagod sa kakatalon, kakabaril at kakapakinig sa mga teammates mong mag-away? I need to steer clear from that kind of stress too.

"Hi N!" Si Bri.

"Hmm" ano kayang kailangan ng isang to?

"Uhh, pwede ba magrequest ng ulam?" Sabay kamot pa sa batok. Nahiya pa talaga. Ganyan kasi siya kapag nahihiya eh.

"Sige." I said in my usual monotonous voice.

"Adobo ha? Medyo masakit katawan ko eh." He acted as if nasaktan talaga siya. Bri, same feels. Nang naramdaman niyang nakatitig lang ako sa kanya, nag form siya ng 'please' na hand sign.

"Okay."

"Yes!" Sinuntok pa niya ang kaliwang kamao sa ere. "Muff narinig mo yon? Ipagluluto ako ni ng Adobo! Hahaha Yes!" He said on his way back to the sala. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. The same playful Bri I've known back in my childhood. Though mas naging adult siya tingnan dahil sa muscles & emphasized jawline niya, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Ang yagit at batang kalyeng 

Habang hinihintay kong maluto ang pork, nauhaw ako at binuksan ang ref. Sana lang nakapagstock sila ng malamig na tubig dito, kahit sa isang pitcher man lang. And after finding one, dali dali kong inilagapak ang pintuan ng ref, causing something to fall in front of it. I picked it up, and to my surprise, it kinda hit me.

Hit sensitive spot in my cold lifeless heart.

*****************************************

Double update :) - D x

The Agent NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon