Sign na ba talaga ang mga bagay na 'yon?
Idk. Idc. Whatever. That shouldn't be my shower thoughts. Biglang bumukas ang pintuan ng cr. Imbes ako ang magulat, siya pa ang talagang nagulat.
"N! Ano ka ba naman! I-lock mo nga ang pintuan kapag naliligo ka!"
Nagpatuloy lang ako sa pagsha-shower. Alam kong naiihi na rin siya kaya hindi ko na siya sinilip. As if namang makikita niya ako eh may shower curtain namang nakaharang.
"Paano kung biglang naihi si Brey? Lam mo namang may pagkamanyak yon. Eh silipan ka?" Subukan niya. Makikita niya ang hinahanap niya. And there are shower curtains for a reason.
"Nga pala, may dumating na package. Para sa'yo." Pustahan tayo binuksan na niya yan. Kung mas curious ako sa mga bagay bagay, eto ang pinaka-curious sa aming lahat. Pinangungunahan lahat ng bagay, kaya paminsan-minsang napapahamak, tsk muff. "Chineck ko lang naman, baka kasi may lamang bomba oh ano." Nice reason.
"Pero nung nabuksan ko, docs pala tungkol sa bagong mission mo. Nakita ko ang profile nun. By the way, ang gwapooooo N!" Her mood instantaneously changed from serious to a fangirling type of teenager. Muff, seriously? "Ngayon lang ako na-gwapuhan sa kliyente ha, but don't get me wrong." Lalabas na sana ako kaso may sinabi pa siya "kaya pala niya kailangan ng security dahil isang high profile businessman ang tatay nito. Which I guess is the 'apple of my eye' ng mga terorista dahil sa expertise sa explosives & armory." That explains it. Tony Stark ang leveling. "The catch is, the kid doesn't know about this. The reason of not revealing? It wasn't stated."
Sa sinabi niya, nagkaspark bigla ang utak ko, which is why I need to fricking read that docu about his dad. Kinuha ko ang towel at tinapis sa katawan ko. "But N wait!" What is it this time Muff? I faced her, still sitting in the toilet bowl. "Pakikuha akong tissue he he" matching peace sign.Tinaasan ko lang siya ng kilay and went out of the bathroom. That's the price of not being a girl scout.
•••••
There is something absolutely wrong with these docs. Hindi full ang details at may mga kailangan pa akong i-research sa mag-ama. With regards sa anong business at exact location ng tatay at kung bakit nasa pahamak siya. With the kid, surely just a little background of his childhood. With the whole family relationship, its a lot deeper to dig.
"N, tingnan mo to." Muff is surely one way to solve mysteries. Kahit kasi hindi ko hinihingi ang tulong niya, she can get the infos I need before I could. Kaya ko naman pero nakakapagod din paminsan-minsan. It's nice to have someone to rely on.