"So, ano na? Sino nga mission mo dito?"
"Code of secrecy."
"N naman eh!" I can see his frustration. Hah, never Trif. Never.
"If you won't, sige ako nalang ang magshi-share. So nandito rin ako dahil sa isang babaeng anak ng hoodlum na ubod ng yaman. At di ko gets kung bakit hindi pa rin nahuhuli tatay niya." Kumuha siya ng upuan at tinabi sa gilid ng bintanang inupuan ko. Isa pang weird sa eskwelahan nito ay ang mga naglalakihang bintana.
"Sige, sabihin na nating may patong na yun sa ulo at may kakompetensya tayo sa paghuli sa kanya, pero sa atin pa rin nabigay ang responsibilidad sa seguridad ng anak niya." Sentimental Trif. I just arched my brow at him. Since when did you become a human Trif?
"Okay, I know your weirded out but I just need to say that before anything else." Good thing you've noticed.
"What's with this school?" Okay, I'm itching to know things. Trif is a keen observer, alam ko kasi nagkakagrupo na kami dati sa field operations. Lagi kaming tag team kumbaga. Siya rin ang tagabigay sakin ng coordinates at tagacheck ng lugar bago salakayin. Masasabi kong pinagkakatiwalaan ko siya at kumportable na ako sa kanya, hindi lang dahil nanggaling kami sa iisang batch, dahil rin sa ipinapakita niyang skill: he knows how & when to be human. Why & how? I have no idea.
"Okay. First things first, gusto kong ipagmayabang na magaling ako sa basketball, kaya ako nakasali sa college team." He then pointed to the side of his jacket with his initial in it below the school seal. It's as if I care at all. I just stared at him and arched my left brow. Srsly?
"Wow, napakaresponsive mo naman N." I signed him to continue his story, putting aside the nonsense.
"Fine. Same tayong year level at course. I assume your a transferee? So di mo paalam ang rules ng school according to my friends?" Alam niyang nakikinig pa rin ako kahit nasa labas ng bintana ang tingin ko. He knows me well, just not the deeper part.
"Dito kasi, kasali ako sa isang well-known basketball team," he paused then cleared his throat, "alam mo na, dahil nakakahatak rin kami ng fans, medyo hari ang feeling dito." Ginawa niya ang pogi pose, which I just snubbed.
"Okay, sa serious part naman. Trust me N, you'll need these people for connection. They're not just your regular 'ballguys.'" I knew they're unusually influential from the very start.