6:05.
Time flies oh-so fast. Parang kahapon ko lang natanggap ang mission deets. Kasalukuyan akong nagmumumog ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Intruder? Got my toothbrush with built in knife. Hindi naman sa paranoid ako pero mas mabuti ng alerto. Maswerte nga sila at kakagising ko lang. Maingat kong binuksan ang pintuan ng cr. Slowly...... Slowly......
At ang tumambad sa'kin ay dalawang taong may dalang breakfast. Breakfast in bed? I guess?
"GOOD MORNING N!"Hindi naman yata halata na ang ganda ng gising mo Muff. Siniko niya ang katabi niyang naghihikab pa.
"Morning." Same feels Bri. We're not into mornings or in waking up early.
"Dinalhan ka namin ng breakfast!" Para bang atat na rin si Muff na kainin ang pinghandaan nila. Niya lang pala, napwersa lang si Bri.
"Kumain na rin kayo"
"Pwede kami kumain dito?"
I nodded.
"Narinig mo yun Brey? Omg omg omg!" Ang saya saya na ni Muff, pero yung katabi niyay may mga matang nagsasabing 'i-still-want-to-sleep'. Siniko na naman ni Muff si Brey.
"Aw, what?" Nagtagisan sila ng masasamang tingin sa isa't-isa. "Yey." He said that in a tone of sarcasm.
Tapos na ang agahan. And the day isn't over yet. I grabbed my black tote bag with school stuff. Habang naglalakad kami patungo sa garage, nauna ako pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.
"Brey, ano kaya ang feeling na makapag-aral sa college?"
"Bah, ba't ako tinatanong mo? Hindi nga ako nakapaghigh school, college pa kaya? Tsaka bat ka ba interesado?"
"Bakit? Masama bang maghangad ng normal na school life?"
"We don't do 'normal' Muff. Normal & school life is not in our dictionaries."