Present
3rd person pov
"Ok class dismiss!" Sabi nang professor habang inaayos ang mga aklat na nagkalat sa lamesa.
Nag-ingay na ang buong class kahit nasa harap pa nila ang prof. Tawa dito. Kwento dyan. Bawat isa my kausap at may pinaguusapan.
Napatigil ang lahat nang may dumaan sa labas nang classroom nila at nagumpisa ang bulungan.
"Diba sila yun!?"
"Oo sila nga."
"Kyaa gwapo nila!"
"Grabe yung nanyari sa kanila noh!"
"Oo nga pero alam ko hindi naman dating close ang dalawa na yan huh! ."
"Ganun talaga siguro kapag nagsama sila sa bingit nang kamataya."
"Ang gwapo talaga ni ruzh noh! Kahit tahimik at laging naka poker face!"
"Oo nga si william din ang cute niya at palangiti din!"
Ilan lang yan sa bulungan nang mga tao sa loob ang room.
Napatigil naman sila aa pagbubulungan nang tinitigan sila nang masama ni ruzh. Nang manahimik nagmadali nang umalis si ruzh sa lugar at tinungo ang rooftop ang school kasunod naman niya si willian.
"Sige na kasi." Nakangiti ngunit Naiinis na sabi ni william nang nasa rooftop na sila. "Pumayag ka na nung nandoon tayo!" Pagpapatuloy ni william.
Tinignan ni ruzh si william nang masama. "Tigilan mo ko! Nagsinungaling ako sayo." Malamig nitong saad. "Kaya pwede ba lubayan mo na ako."
Biglang nawala ang ngiti ni william sumandal ito sa pader at nilabas ang sigarilyo sa bulsa at sinidihan ito. Habang si ruzh naman ay sumandal din sa pader at tinanaw ang buong school.
"Haha!" Mapangutyang tawa nito. "Kahit anung gawin mo hindi mo ako mapapaalis !" Sabi nito sa nakakatakot na tinig. "May kasunduan tayo. RUZH SCHZER."
napatingin naman si ruzh kay william. "Hahahhaha!" Biglang napabulalas ito nang tawa ngunit mahahalata mo na hindi ito totoo at inaasar lang si william na napakunot noo.
"Naaalala ko yun. WILLIAM FOX. pero anung patunay mo na makikikooperate ako sa balak mo!?" Naglabas din ito nang sigarilyo. Hinagis naman ni william ang sippo niya kay ruzh agad naman nasalo ito at sinindihan ang sigarilyo. Humithit ito at ninamnam ang usok na pumapasok sa baga niya at tska niya binuga.
"Dahil hawak kita!" Maikasi at makahulugan saad ni william lumapit ito nang dahan dahan at tinapon ang hawak na sigarilyo.
My lumabas na maitim na aura kay william at biglang naging itim ang kanyang mata. Nakakatakot. Kung sasabihin mo to sa isang salita. Hinawakan niya ang baba ni ruzh at hinarap ni william ito sakanya.
"Kaya kitang patayin sa isang kisap mata!" Seryoso at nakakatakot na saad ni william habang si ruzh naman naka poker face lang. Hindi mo makikita ang takot sa mga mata niya.
Panandalian silag nagsukatan nang tingin.
"Whahahahha!" Biglang tumawa si william napapahawak pa sa tiyan niya habang si ruzh naman napa-tsk lang.
"Kakaiba ka talaga ruzh!" Sabi nito sa pagitan nang pagtawa niya. Nawala na din ang nakakatakot na aura ni william. "Kung ang ibang tao halos maihi na pagnagpapakita ako nang ganun. Ikaw iba parang gusto mo pang makipagsukatan!" Litanya nito na ngayon nahinto na sa pagtawa at nakangiti na lang.

BINABASA MO ANG
Pandemonium: Chaos
Fantasydo you know satan? ofcourse yes- everybody know that guy. satan! lucifer! fallen angel. you talk e naniniwala ka ba sa'kanya? paano kung my makita kang demonyo at idawit ka pa sa paghahanap sa nawawalang pinuno nila na si lucifer? tutulong ka ba o...