CHAPTER 2

1.5K 26 2
                                    

"Ma."sabi ko ng pumasok sya sa room ko palabas na rin ako kasi may practice pa ako para sa incoming olympics sa LONDON next month...

"Can I talk to you for a while"sambit nito at umupo muna kami sa side ng kama ko...

"Palabas na rin po sana ako eh..Ano po ba yun?"tugon ko na nakatingin sa kanya..Bakit ganito na lang ako kinakabahan..Kapag ganito kasi ka soft ang approach ng mama alam ko meron na nmn syang hihingin na favor sakin...

Kaagad syang may ipinakita saking maliit na kahon...Inabot nya sakin...Isang kwintas na may malaking black diamond sa gitna na napapaligiran pa ng maliit na diamond...Napaka classic ng pagkakadesign..........

"Para saan po ito Ma"taka kong tanong.....

"Binigay yan sakin ng mama bago ako ikasal sa papa mo at ibinigay yan sa kanya ng mama nya bago sya ikasal sa mama nya...Maraming babae na sa pamilya natin ang humawak nyan at ikaw na ang susunod"

"Po?Hindi pa naman ako ikakasal eh...."sagot ko..ano ba talaga ang gustong ipoint out ng mama...

"Napagusapan namin ng Tita Gina mo na sabay sa pagdeklara ni Tyrone na tatakbo sya this coming election iaanounce na rin natin ang engagement nyo sa public.....Makakatulong yon para sa positive outcome ng candidacy ni Tyrone..At gusto ko maikasal kayo bago magfile ng certificate ng candidacy si Tyrone..May two months pa tayo para magprepare." Parang wala wala lng na sabi ng mama....Na ka set na sa utak nya ang lahat....Na sigurado na sya na papayag ako...Si Tita Gina pala ang mama ni TYRONE SANDOVAL..

"Ma..Plinano nyo na ipakasal ako kay TYRONE without asking me..Ganun na ba kadali sa inyo sa imanipulate ang buhay ko na pati sa taong gusto kong pakasalan kayo parin ang magdedecide...Ipapakasal nyo ako kay Tyrone na parang wala lang"sa pagkakataon na to hindi na ako papayag....ayokong maikasal sa isang TYRONE SANDOVAL.

"I don't want to argue with you MARGARET...My decision is final...Magpapakasal kayo ni Tyrone whether you like it or not"galit na sabi nito..

"Pero Ma.hindi ko mahal si Tyrone at hindi rin nya ako mahal....Bakit magpapakasal kami kung kapwa hindi nmin mahal ang isat isa...Magiging miserable lang ang buhay namin"

"Matutunan mo rin mahalin si TYRONE gaya ng ginawa ko sa papa mo....Hindi puso ang ginamit ko kundi utak...Pero sa tagal tagal ng panahon minahal ko na ang papa mo...Alam ko magagawa mo rin yun kay Tyrone"pagconvince sakin ng mama..

"Ma..Magkaiba ang papa at si Tyrone..........at higit sa lahat magkaiba tayo...."tugon ko pumapatak na ang luha ko.......

"Magready ka bukas mamanhikan na sina Tyrone....I want you to act appropriate wag mo ako ipapahiya Margaret alam mo kung anong kaya kong gawin"banta ng mama...at kasabay noon ay lumabas na sya ng pinto hindi na nya ako hinintay pang sumagot..

OO SINUNOD KO ANG LAHAT NG INUTOS SAKIN NG MAMA SIMULA PA NOONG BATA AKO WALA AKONG SINUWAY ....

"PAPA I'M SORRY"bulong ng isip ko ng matapos ko gumawa ng sulat at ipinatong sa side table ng kama ko...

Aalis ako....malayong malayo....Tatakasan ko ang buhay ko na sana dati ko pa ginawa....

Naging mahaba rin ang biyahe ko papuntang Manila....sumakay lang ako ng bus para makarating dito.....Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo....Halos madapa na nga ako sa kakabundol sakin ng mga pasahero na naguunahan na bumaba ng bus....

Nakipagsiksikan na ako sa pagbaba....And finally nakalabas din ako....At sinalubong naman ako ng mga tindera na kung ano ano ang inaalok kulang na nga lang isubsub na nila sa mukha ko yung mga paninda ko buti na nga lang hinaharang ko ang kamay ko para hindi ako matamaan....To tell you honestly first time ko sumakay ng bus....At first time ko rin sa ganitong klaseng lugar.....

Habang naglalakad ako napansin ko na kanina pa ako pinagmamasdan ng babaeng nakasuot ng cap at medyo rugged ang get up....Hindi naman ako tanga pagdating dito sa Manila alam ko naman na maraming siraulo na aaligid aligid dito kaya tinalasan ko talaga ang senses ko...Pasimple akong tumitingin sa babae na sinusundan ako....Alam kong kasabwat nya rin yung isang mama na medyo nauuna sa kanya kanina pa ang eye contact nila.......

Pumasok muna ako sa public toilet at nagtungo sa isang cubicle.....Tinangal ko lahat ng suot kong jewerlies...Hikaw kwintas,bracelet,at relo...isinuksok ko sa bulsa ko......

Nanalamin muna ako sandali at nagtali ng buhok..Sobrang kinakabahan ako hindi pa siguro sila makatyempo dahil may tao pa sa loob ng banyo...Napapikit ako ng ako na lang magisa sa cr....At nagulat na lang ako ng hablutin ng babae ang back pack ko...Hindi na ako nagstruggle...Kesa naman masaktan ako ibinigay ko na....Tuluyan na akong nakahinga ng maluwag ng tumakbo na palayo ang babae kasabay ng kasabwat nya..

Wala nmang laman ang bag ko bukod sa iilang damit...Yung walet ko hindi ko na kinuha wala nmang cash yun 500 lang.....id's and credit cards lang hindi nmn nila pakikinabangan...

"P10.000"sabi ng babae sa sanglaan ng ibigay ko ang singsing ko.....tutubusin ko rin ito promise..kailangan ko lang ng pera talaga para makahanap ako ng bahay....medyo magdidilim na rin kasi..

Habang naglalakad ako sa kalye kung saan ko isinangla ang singsing ko....May nakita akong nakapaskil sa gate ng isang bahay..ROOM FOR RENT..kaagad ko kinuha ang paskil..

Kumatok ako sa pinto...at sinalubong naman ako ng isang babae na I think nasa 40+ na ang edad..Pero kabog sa outfit bagets na bagets nakshort lang at nakaspagetti strap ang lola..

"Ssshhhhh...QUIETTTT!!"sigaw nito sa mga tao na nasa loob ng boarding house na nagkalat kung saan..Merong nasa sala ...merong nasa dining......basta nagkalat sila at sabay sabay na nagsasalita meron pa ngang kumakanta habang may nag gigitara..

Bigla naman silang nanahimik ng sumigaw si Mamu yung landlady ng boarding house na nagbukas ng pinto sakin....Mamu na lang daw tawag ko sa kanya...

"ANONG PANGALAN MO ULIT HIJA"tanong nito..

Saglit akong nagisip..

"ELISE PO...ELISE SANTOS"pagsisinungaling ko.....kailangan kong itago ang totoong ako sa lahat......Kahit ngayon lang kailangan ko munang kalimutan na ako si MARGARET FONTANILLA..

"O sige..basta one month advance two months deposit....1500 a month kasama na utilities...Kapag may sariling Tv dagdag 200 ...ang tubig malakas naman ang ligo dito dalawNg beses lang isang araw...Ang laba depende sayo....may poso dyan sa labas..walang bayad......dun ang labahan....Ayoko ng maingay...higit sa lahat ayoko ng pasaway sa singilan...Isang linggo lang ang extension...kapag hindi nagbayad sorry na lang"paliwanag ni Mamu habang naglalakad papunta sa kwarto kung saan ako iaasign.....

Hindi ko na kailangan magreklamo...hindi nmn ako maarte....Yun ang tinuro sakin ng papa na dapat kahit saan ako dalhin dapat marunong ako makibagay.....Dahil sa malilit na bagay ko makikita ang tunay na kahalagahan ng buhay..bigla kong namiss ang papa...

Kumatok sya sa isang kwarto...."Mamu.."isang babae ang bumukas nito......

"Si ELISE bagong room mate mo.....ELISE si JULIET isa yan sa pinakamatagal na boarder ko...

"Hi Elise...."tumingin tingin pa to sa paligid......

"Wala ka naman sigurong dalang ref noh..o washing machine o cabinet kasi yung huli kong kasama halos dala na ang buong bahay pero isang linggo lang pala dito ..Nakakpagod kasi maguurong ng mga gamit ko..

"Wala...."nakangiti kong sabi..

"Juliet ikaw nabahala kay Elise huh......"bilin pa ni Mamu kay Juliet..

"Sige Mamu...."tugon nito...

"Salamat po Mamu"sabay abot ko ng bayad.....binilang pa nya ito bago umalis...

"Dito ka sa kabilang kama.......Malinis ang bedsheet at punda nyan....tsaka na tayo magusap late na ako sa work...masasabon n nman akoni Sir"sambit ni Juliet at kinuha na nito ang bag at tsaka lumabas na ng pinto...

----------

COMMENTS OR VOTES ..

Can you stay with me forever?(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon