CHAPTER 12

897 13 2
                                    

JARED'S POV

"Salamat Juliet"sa wakas na convince ko rin sya na sabihin sakin kung nasaan si Margaret....Simula kasi yung huli naming pagkikita ni Margaret noong maabutan nya kami ni MAEGAN hindi na sya nagparamdam....Kinulit ko si Juliet ng kinulit pero lagi nyang dinedeny hindi daw nya alam kung nasaan kaya sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa Hacienda para kausapin sya pero nadulas sya ng sinabi nya sakin na nandito pa sa Maynila si Margaret at naka check in sa isang hotel sa Makati..

Papunta pa lang ako kay Margaret ng biglang nagring ang CP ko.

"Hwag mo na ako puntahan sa hotel"boses mula sa kabilang linya.

"Margaret..gusto lang kita makausap..."sabi ko..sigurado ako na nasabi na sa kanya ni Juliet na alm ko kung nasaan na sya..

"Oo payag ako makipagusap sayo Jared...."

"Sunduin na kita"alok ko...

"Hindi na....."

Hindi na ako nagpumilit na sunduin sya...Kaya napagdesisyunan na lang namin sa lugar kung saan kami lagi nagpupunta....Nandito ako ngayon naghihintay sa kanya......

FLASHBACK

"Dito ako lagi pumunta kung gusto kong makapagisip....kasi dito ang tahimik.."sabi ko sa kanya...Nandito kami ngayon sa isang rooftop ng isa sa mga Condominium na pagmamayari ng Firm kung saan ako nagtatrabaho.....

"Bakit mo ako dinala dito?"tanong ni Margaret

"Hmmm...Gusto ko kasi ipakita ang lahat ng bagay o lugar na mahalaga sakin....Dahil gusto ko maging parte ka na nito...Gusto ko maging parte ka kung ano man meron ako..."

"Salamat Jared.Napaka swerte ko dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko"nakangiti nyang tugon..

"Talagang swerte ka.Alam mo kung bakit...Nagiisa lang ako sa mundo.."sabay pisil ko sa ilong nya....

"Basta pangako anuman ang mangyari? Gagawin ko ang lahat para sating dalawa...Ikaw at ako habang buhay..."

"I LOVE YOUUUU ELISE FOREVERRRRR"sigaw ko habang nakatingala pa ako sa langit....

"Shhhhhh...Mamaya may makarinig naman sayo dyan...."awat nya sakin..

Hindi na ako tumugon....At kaagad ko syang niyakap......."Mahal kita Elise......Ikaw lang"bulong ko habang magkayakap kami....

"Mahal din kita...."tugon nya....

PRESENT**

Napangiti ako habang bumabalik sa alaala ko ang mga oras na yun.....Ang buong akala ko habangbuhay na kaming ganun....Pero hindi namin inaasahan na hindi pala ganun magiging kasimple ang lahat lahat may mga bagay pala na talagang susubok sa pagmamahalan nyo at dito masusukat kung gaano ito katibay...

Niyakap ko ng mahigpit si Margaret na ilang sandali ay dumating na sya..Sing lamig ng yelo ang kanyang pagtugon....Kaya kumawala na ako..."Buti pumayag kang makipagkita sakin"sabi ko..

"Kakausapin naman talaga kita..bago ako bumalik ng Hacienda sa isang araw..."

"Babalik ka ng Hacienda?"

"Wala naman nang dahilan para magtagal pa ako dito..Dapat tinangap ko na lang na hindi ikaw ang para sakin..At hindi ang mundo ko ang mundo mo...Sana hindi na umabot sa ganito"

"Hindi ba ako sapat na dahilan para sayo....yung naabutan mo samin ni Maegan........"

Hinarang nya ang kamay nya malapit sa bibig ko para hindi ko naituloy ang sasabihin ko...

"Tama na...Siguro talagang itinadhana ang lahat ng mangyayari para ma realize natin ang lahat na kahit anong gawin natin hindi tayo pwede.....Pareho lang natin masasaktan ang isat isa kung ipapagpatuloy pa natin ito"

"Please Margaret.....Kung gusto mo sasama ako sayo sa hacienda titiisin ko lahat para sayo..Hindi na kita iiwan kahit ano pang gawin nila sakin"pakiusap ko.

Umiling lang sya..."Hindi...Mas lalo lang akong masasaktan kapag nakikita kitang nahihirapan...Dito ka na lang....Bitawan na natin ang isa't isa"

"Yun ba ang gusto mo?Isuko kung anong meron tayo....ganun na lang kadali...."

"Ikaw ang unang bumitaw Jared...Ikaw ang unang nangiwan...Tinalikuran ko ang pamilya ko para ng nagdesisyon ako na sana sumama sayo na mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang pumasok sa mundo mo mas makakaya ko pa yun...Pero anong ginawa mo ano inatupag mo...Si Maegan..."

"Makinig ka naman sakin Margaret....walang namagitan samin ni Maegan nung gabing yun....Maniwala ka naman sakin"

Pilit ko syang kinokumbinsi na walang nangyari samin ni Maegan pero tila sarado na ang kanyang puso at isipan....

"Gusto kitang paniwalaan Jared pero sa twing bumabalik sa alaala ko ang lahat nararamdaman ko pa rin yung sakit eh...Ayoko ng manumbat ayoko na balikan pa yung sandaling yun dahil ayoko ng maramdaman ulit yung sakit eh...Kaya ngayon pinagaaralan ko na unti unti na kalimutan lahat..."

"Ano ito?"sabi ko ng iabot nya sakin yung bracelet na ibinigay ko sa kanya...

"Kasama sa way ng paglimot ko sayo...."

"Mukhang buo naman na talaga ang desisyon mo eh...Na kahit anong gawin ko sarado na ang puso at isip mo.....Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat lahat iniisip mo na kaya kitang lokohin..."

Tumalikod na sya sakin...At alam ko na sa pagtalikod nya na iyon kailanman ay hindi na sya babalik pa..

Alam ko nasisiguro ko na hindi sya bumitaw dahil lamang sa pagaakala nyang may namagitan samin ni Maegan...Alam ko dito sa puso ko nararamdaman ko na may parte ng puso nya gustong pa ring kumapit...Babalik sya sa hacienda at alam ko na sa pagbabalik haharapin na nya ang buhay na nakalaan sa kanya na dati ay tinakasan nya....

MARGARET'S POV

"Im sorry Jared...Oo alam ko na may parte ng puso ko na na niniwala ako na nagsasabi ka ng totoo pero ito lang ang alam kong mas tama para ma letgo na natin ang bawat isa...Kung pipiliin kita at alam ko na sa pagpili ko sayo tatalikuran ko ang pamilya ko magiging masaya ba tayo?Magiging maayos ba ang lahat?Na oo magkasama tayo at nagmamahalan pero sa kabilang banda nasasaktan ko naman ang pamilya ko..At kung sa sinasabi mo na ikaw ang papasok sa mundo ko hanggang kailan mo kayang magsakripisyo ..mas lalong hindi kaya ng puso ko ang makita kang nahihirapan.."sigaw ng isipan ko..

"Ma,Payag na po ako magpakasal kay TYRONE"sabi ko kay Mama.

Wala na akong narinig sa kanya..walang sumbat hindi na sya nagalit sa pagtalikod ko sa kanila para lang kay Jared...Alam ko ng sabihin ko na payag na ako magpakasal kay Tyrone mabubura na ang sama ng loob na binigay ko kay Mama...

"Finally you made up your mind.Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa desisyon mo"nakangiti nyang tugon.

"Im sorry for being so selfish"

"It's ok ang mahalaga nandito ka na at magpapakasal na kayo ni TYRONE"

Kasabay noon ay niyakap ng ako ng Mama..

May isang buwan bago kami ikasal ni TYRONE...Kaya puspusan ang paghahanda para dito..Kumuha na ng dalawang wedding coordinator ang Mama para mas maging mabilis ang pagpeprepare isang linggo pa lang ay naipadala na ang mga invitations...

"Alam ko anak na hindi mo ito ginagawa dahil ito ang gusto mo..Ginagawa mo ito dahil sa pagmamahal mo sa Mama mo"sabi ng Papa..Nandito kami ngayon sa gitna ng hacienda habang tinatanaw ang buong kabuuan nito..

"Papa...Hindi po pala sapat na mahal mo lang ang isang tao para maging masaya kayo..Dahil sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya alam mo sa sarili mo na may nasasaktan ka...Masarap po sigurong magmahal kung alam mo na kaya mong ibigay ang buong puso mo..Papa hindi ko magagawa na mahalin si Jared ng buo na alam ko na may parte ng puso ko ang nahihirapan dahil sa pagtalikod ko kay Mama..Mas pinili ko na lang na i give up si Jared dahil alam ko darating ang oras na malilimutan din namin ang lahat..Na mananatiling masasayang memories na lang ang samin na hindi na pwedeng balikan pa"

"Anak...Pero habang buhay ka naman mabubuhay sa pagkukunwari kapag itinuloy mong magpakasal kay TYRONE"

"HANDA PO AKO PAPA...KAKAYANIN KO PO..."

-------------

Can you stay with me forever?(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon