CHAPTER 9

773 16 2
                                    

JARED'S POV

Marami pa ring gumugulo sa isipan ko habang bumibiyahe papuntang BACOLOD .....Ibinigay sakin ni Juliet ang address ni ELISE at ang sabi lang nya sinundo sya ng kanyang mama at sinama na pauwi.....Bukod dun wala na...Bakit hindi nya ako hinintay?At ano ang importanteng sasabihin nya sakin.......

Mabilis lang ang naging biyahe ko syempre iwas traffic kasi naka motor ako.......

Nagtanong tanong ako sa mga tao na nandun kung saan tong address na nakasulat sa kapirasong papel na iniwan ni ELISE......Pamilyar naman ang mga tao sa lugar malapit na lang daw ito kung saan ako ngayon at itinuro nila sakin ang eksaktong lugar.....

Hindi naman nagtagal ay natunton ko ang lugar...........

"HACIENDA MARGARET"sabi ko.....eto kasi ang nakasulat sa papel at syang nakapaskil sa bungad ng papasok.......Napakalawak ng lupain......Halos hindi na ito maabot ng paningin ko.....Nagkalat ang mga kabayo sa paligid.......

Medyo malayo pa rin ang inandar ng motor ko bago makarating samismong gate ng bahay....Bakit ako kinakabahan ng ganito......Anong meron?May hindi ba ako nalalaman tungkol kay ELISE?

"ELISEEEEE"sigaw ko mula sa gate........

At may medyo hindi katandaang babae ang lumabas at lumapit sakin......."Ano yun hijo...."sabi nito....nasa pagitan kami ng rehas ng mga gate hindi nya ako pinapapasok..

"Nandyan po ba si ELISE?"

"ELISE?walang ELISE dito...Baka ELISA meron...?"

"Opo....Siguro po Elisa.....Yun yung tunay nyang pangalan...."hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako....

"Ako yun Hijo..Ako si ELISA SANTOS.......kasambahay ako dito ng mga Fontanilla...."

Nagkakamali ba ako ng napuntahan......Hindi ba ito ang address ni ELISE nagkataon lang ba na magkatunog ang pangalan nila ng aleng toh.......inabot ko sa matanda ang kapirasong papel....At sinigurado na tama ang napuntahan ko.....

Bago pa nya ikompirma sa kin nagulat na lang ako sa babaeng nasa bungad ng pinto ng napakalaking bahay....

"ELISE"bulong ko...Ibang iba na ang itsura nya....para syang prinsesa.....Hindi na sya yung waitress na nagtatrabaho na nakilala ko sa resto bar.......Anong ibig sabihin nito?

Lumapit sya..."Sige po Manang Elisa....ako na po bahala sa kanya"sabi nito sa kasambahay.

"Sige Mam Margaret.."sabi ng kasambahay.....

"Jared...pasok ka"hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa kanya dahil hindi ko na alam kung anong totoo......

"Maupo ka..."sabi nya...ng pumasok na kami sa loob ng bahay.Unti unti ng lumilinaw ang lahat sakin lalo ng makita ko ang mga pitcure frames nyang naka display..Meron pa ngang nakasakay sya sa kabayo......At marami pang iba....Meron din syang malaking portrait na nakadisplay sa sala...Nandito kami ngayon sa may berranda....Tanaw na tanaw dito ang buong kabuuan ng hacienda.........

"Jared....Im sorry kung hindi na kita nahintay sa bar....Hindi ko rin inaasahan ang pagdating ng Mama..Pinilit nila ako sumama sa kanila.."basag nya ng katahimikan......

Pilit akong ngumiti.......yung ngiting pilit kong itinatago ang sakit kahit alam kong unti unti ko na itong nararamdaman...Ayoko magalit...ayoko manumbat....hanggat hindi ko pa nalalaman mula sa kanya ang totoo kahit halos isampal na sakin ang katotohanan..

"Anong itatawag ko sayo?"pilit pa rin akong naging mHinahon.......

"MARGARET....."matipid nyang sagot.........Alam ko marami syang gustong linawin alam kong marami syang gustong ipaliwanag.......

Can you stay with me forever?(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon