CHAPTER 6

848 14 2
                                    

JARED'S POV

JAMES REGINALD GUEVARRA yan ang real name ko...

Naikwento ko na last time kung anong work ko yung nagdate kami ni ELISE este yung napilitan syang sumama sakin dahil blinack mail ko sya....

Beside that.....Nagsisideline din akong ramp model dun ko siguro nakuha ang tindi ng self confidence ko hindi ko na nabangit yun kay ELISE hindi nmn importante....kailangan kumayod hirap kasi magpalaki ng magulang....na pasaway...

Wala na pala akong nanay..namatay sya nung 7yrs old ako dahil sa cancer.....kami na lang ni Tatay......Nagkakasundo naman kami ni Tatay....masaya naman kami kahit kaming dalawa lang pero mas close yata sya sa alak na kahit pagtulog kasama nya....

Dito pala kami nakatira sa beautiful and peaceful place of Tondo.....maiba naman ang introductions....Ano pa nga ba ieexpect mo dito?

Bukod sa gabi gabing may gang war...

Magasawang naghahabulan ng itak sa eskinita...

Mga batang nagkalat sa daan na yung iba wala pang saplot habng ang mga nanay busy sa pakikipagtsismisan o kaya sa tong its........

Ang mga tambay umaga pa lang nagiinuman na...saang kanto ka man mapadaan...wala na yatang laman loob ang mga toh....

Ganyan ang laging eksena dito....para ka ngang nakatira sa impyerno sa ibabaw ng lupa..

Nandito ako ngayon sa talyer ni Ninong Oscar....Dito kasi nakatira ang bestfriend kong baldado........Si Elvis.......Pero alam ko pagdating ng panahon magkakaroon din sya ng pakinabang......Medyo wala pa kasi ako sa mood para tulungan sya...

Hindi tao si Elvis.......kotse sya....na gusto ko buuin....maayos nmn ang makina nya pero sa kabuuan pwede na syang pasabugin......Joke!!! Kailangan lang ni Elvis ang complete make over....Binigay sakin to ni Ninong two years ago sa pagasa na wala na itong silbi..Pero hindi ako naniwala..Lahat ng bagay sa mundo may silbi hindi mo lang alam kung sa paanong paraan.....Kaya yun inumpisahan ko ng ayusin ang makina medyo hindi pa ganun kaperperfect pero alam mong may pag asa....

Volkswagen pala si Elvis....Wala pa syang kulay kasi irerepaint ko sya kapag nasa wisyo na ako....sa ngayon sobrang bc pa ako kumita ng pera kaya steady muna si Elvis dito..Buti na lang mabait si Ninong Oscar dahil pumayag syang dito muna sa talyer nya tumira si Elvis..

Nagpaalam na rin ako kay Ninong.....May raket kasi ako ngayon.....May fashionshow kasi na ioorganize ang isa sa pinagtatrabahuhan kong Fashion designer...Wala naman akong pasok sa firm kasi week ends...Kaya heto sumasideline....Bukas daw ang fashionshow sa Shangrila hotel....pero bukas kailangan kong magreport ng maaga para sa practice....

Kaya ngayon wala akong raket.........Hindi ko alam kung anong nagdala sakin papunta kung saan nakatira si ELISE......Bakit ba simula noong una ko syang nakita sa restobar hindi na sya mawala sa sistema ko.....MAY gusto ba ako kay ELISE?

Kung meron man wala namang masama diba?

"Oh my Geez!!Jared.....Anong ginagawa mo dito?This is unexpected"gulat na gulat na sabi ni Juliet na makita nya ako sa labas ng boarding house nila habang nakaupo sa motor ko nagbabakasakaling makita ako ni ELISE pero ok lang na si Juliet close naman sila ni Elise..

"Hmmm..."hindi ko pa maderetso si Juliet kung sinong pakay ko...pero obviously nagets naman nya...

"Asus nahiya pa...kung hindi pa ako bumili ng napkin sa tindahan hindi pa kita makikta nnaghihintay dito.....Na baka kahit umulan pa ng snow walang makakalam na nandito ka sa labas bakit kasi hindi ka pumasok hindi naman bawal ang gwapo sa loob ng boarding house para naman kahit paano makakita ng totoong tao ang mga endagered spicies na nakatira sa loob....."yaya sakin ni Juliet......

Can you stay with me forever?(ASHRALD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon