~CHAPTER 1~

33 14 0
                                    

-ADRIANNA-

Kasalukuyang naka-play ang Swan Lake, isa sa mga compositions ni Peter Tchaikovsky, as I danced gracefully on the stage. All spotlights were on me habang sumasayaw ako at pati na rin ang attention ng mga audience ay na saken. I gracefully spun, leapt, and glided across the stage bago ko ginawa ang aking final pose.

I knew I had done well. Pero, wala man lang ni-isa ang pumalakpak.

People started to laugh crazily na para bang hindi nila nagustuhan ang performance ko...

Bigla na lang nila akong pinagbabato ng kung ano-ano like tomatoes and eggs.

"No!" I shouted. "Hindi 'to pwedeng mangyari saken!!!"

Bahagyang lumakas aang tawa nila pero hindi ko na narinig pa kung ano-ano ang pinagsasabe nila kasi pakiramdam ko ay parang nahihilo na ako...

"No...no...no..."

"Adrianna, wake up!!!"

Bigla akong nagising, laking gulat ko nang napansin ko that I am in my room.

Buti na lang talaga at panaginip lang yun, but I admit that it is a weird, not just weird but very, very weird dream, sabi ko sa sarili ko as I let out a sigh of relief. My brother, Trace, leaned over me at halatang-halata sa mukha nya na inis na inis na sya saken.

"Twenty minutes nang tumutunog ang alarm clock mo," he said. "I had to shake you up for 5 minutes habang sigaw ka nang sigaw ng 'no'. Hindi ko alam kung ano ang panaginip mo, but you may need to see someone about it. Seems serious."

"Whatever" is all I replied to his snide comment. Bigla akong napatingin sa alarm clock as I got up. It's already 8:50 at kailangan kung makarating sa dance studio para sa rehearsals ng alas nuwebe.

Nagmamadali akong pumasok sa banyo at 'di ko na lang pinansin ang kuya ko. Pagkatapos kong maligo I quickly wore my leotard, tights, and ballet flats before placing my hair in a bun.

Muntikan pa akong mahulog as I went down the stairs. I dashed into the car, umaasa  na sana ay hindi pa ako late para sa dance rehearsals ko.

Next week pa lang magsisimula ang pasukan, pero may dance lessons ako buong summer in preparation for my dance showcase in October, and it seems that I was late on almost every rehearsals. Nitong mga nakaraang araw, my dance instructor got more and more pissed on me, at sana ngayon ay hindi na niya ako bigyan pa ng sermon, kasi parang mabibingi na ako sa mga sermon niya na araw-araw at paulit-ulit na nyang sinasabi saken.

Isa sya sa pinakamagaling na ballerina during her time, but she had an injury on her left knee that cut her career short. Since then, she had spent her time teaching ballet, sa pag-asang matutupad ng mga students niya ang pangarap na 'di niya na-achieve. 'Coz of that, parati siyang strict sa amin in order for us to reach our full potential.

Dahil sa sobrang traffic sa Pilipinas, I arrived at my school, BRYARWOOD ACADEMY, forty-five minutes late. Habang tumatakbo ako papunta sa dance wing ng school, I prepared myself for Ms. Camille's anger.

"Where have you been?! Marami pa akong batang tuturuan, naiintindihan kong balewala lang sayo ang salitang 'schedule' , but actually professionals stick by it!"

I know that she's mad, lagi ko na lang naririnig ang mga salitang 'yun araw-araw. I let out a sigh of relief, dahil yung galit ni Ms. Camille ay hindi ganun katindi tulad ng inaasahan ko.

"And from our time together, ang tanging pinakita mo lang sa akin is that you are not a professional. So, I'm taking your solo for the Swan Lake showcase at ibibigay ko na ito kay Sam."

Teaching The School's Playboy How To DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon