~CHAPTER 4~

14 12 0
                                    

-ADRIANNA-

My alarm clock buzzed, I checked the time 6:00 A.M. pa lang pero bumangon na ako at pumunta sa banyo for my morning routine kasi ayokong ma-late, it's Monday morning at first day of school ngayon, gosh...I'm super excited sana this school year classmate ko na si crush last year ko na kasi dito kasi after nang Grade 10 ko pupunta ako ng London to pursue my career as a ballerina.

After getting ready, bumaba na ako para mag-breakfast at sumabay ako sa kuya ko papunta sa school.

Pagdating ko sa school ay agad kong hinanap ang bestie ko na si Megan, classmates kasi kami. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom pansin ko na panay ang titig ng mga tao saken.

Ang weird...nang makarating ako sa classroom ay wala pa si Megan at di pa masyadong marami ang tao sa classroom namin, ten minutes later ay nag-start na kami and of course it begun with 'introduce yourself' kahit pa nga ang ilan sa kanila ay classmates ko din last year- Megan was the last to introduce kasi na-late siya.

Sayang lang di ko classmate si crush nasa ibang section kasi sya. So sad!!!

"Ang aga mo, girl" pang-aasar ko sa kanya at umupo siya sa tabi ko.

"I know right, ang bagal kasing kumilos ni Tobe... grabe nakakahiya, girl."

"Nakakahiya talaga, first day of school tapos na-late ka pa. Girl, bakit ka nga na-late?" I asked her again, habang sinusulat namin ang aming class schedule.

"Eh, kasi nanood pa ako ng K-Drama kagabi yung kay Bae Suzy, 3 o'clock na ako natulog."

"Ah, yung Start Up..."

"Oo...Adrianna wala ka bang nakalimutang sabihin sakin?"

"Huh?!"

"May pa huh-huh ka pang nalalaman dyan kala ko pa 'no secrets' tapos may hindi ka sinabi sakin, grabe girl nakakasakit ka ng feelings..."

"Ewan ko sayo, Megan...I have no idea of what you're talking about."

"Ewan ko sayo, you didn't tell me na kayo na-"

"Mga bakla, Maam is coming kaya i-shut down nyo na ang mga big mouth niyo." sambit ni Prince- Princess pala, agad kaming tumahimik at umupo ng maayos kasi dumating na si Maam Lopez aka Maam Terror sya kasi ang pinaka-terror na teacher sa buong school and the worst thing is sya pa ang teacher namin for the second period of the morning classes.

After ng morning classes namin ay agad kaming pumunta sa cafeteria para mag-lunch, habang kumakain kami ng lunch ni Megan may bigla akong naalala, "Megan, yung tungkol sa pinag-usapan natin kanina, ano yung hindi ko sinabi sayo?"

"Well, nainis ako sayo ng slight-" I glared at her.

"Slight lang naman kasi you didn't tell me na kayo na ni Aiden."

"Ano?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"You didn't tell me na kayo na ni Aiden-"

"Kasi hindi naman kami!!!" naiinis na sambit ko sa kanya.

"Well, yun ang sinabi nya, kayo na daw..."

"Sinong nagsabi?!"

"Yung boyfriend mo," sinamaan ko siya ng tingin kaya agad niyang sinabing, "I mean si Aiden."

"Kelan nya sinabi?!"

"Last Friday, sa party niya..."

"Sa party?! So, alam na ng buong school?!"

"I think so..."

"Lagot sya saken" without even thinking, agad akong tumayo at naglakad patungo sa hallway dun kasi madalas mag-stay si Aiden kasama ang mga minions niya...

Teaching The School's Playboy How To DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon