-ADRIANNA-
For a week, lagi kaming lumalabas ni Aiden...we went to the mall, to the carnival, we watched movies, and sinamahan nya akong mamili ng Wattpad books...this time papunta kami ni Aiden sa isang orphanage, he said kasi na madalas daw doon ang parents nya, dati...
Yesterday, after watching movies ay namili kami ng mga toys at nag-grocery din kami. When we arrived at the orphanage agad sinalubong ng mga bata si Aiden,"Kuya Aiden!" the kids happily greeted him, nakipag-high five pa siya sa mga bata at ang ibang bata naman ay kinarga nya.
Nang makalapit ako sa kanila ay pinakilala nya ako sa mga bata,"Mga bata, ito si Ate Adrianna." I smiled at them,"Hi kids." bati ko sa kanila.
"Hi, Ate Adrianna" bati ng mga bata sa akin.
"Kuya, girlfriend nyo po ba si Ate Adrianna?" a kid asked.
"Uyyy, Kuya Aiden may girlfriend na!"
"Yieee, bagay po kayong dalawa!"
"Ayieee, sana all may jowa!" panunuya ng mga bata.
Ngumiti si Aiden,"Hindi, si Ate Adrianna kaibigan ko sya."
"Ayyy, sayang bagay pa naman po kayo." sambit ng isang bata.
Aiden smiled at them and told them na may mga gifts kami para sa kanila kahit na kay Aiden naman galing yun kasi sya naman ang nagbayad nun nung nag-shopping kami kahapon, he helped the kids na dalhin sa loob ang mga pinamili namin.
When we entered the orphanage Aiden introduced me sa mga namamahala sa orphanage...
"Aiden, buti naman at nakadalaw ka, hijo." sabi nung matandang lalaki.
"Oo, nga po Father matagal na rin po akong hindi nakabisita rito, busy po sa school."
"Father, Sister, this is Adrianna."
"Adrianna, this is Father Earl and Sister Althea sila ang namamahala sa orphanage."
"Hello po" bati ko at nakipag-shake hands ako sa kanila.
"Totoo nga ang sinabi ng mga bata, napakaganda ng girlfriend mo, hijo." Sister Althea said.
"Ah, hindi nya po ako girlfriend, friends lang po kami." I explained to them, shocks!!! Magkaka-jowa ako ng wala sa oras nito!!!
"Opo, napakaganda po ng girlfriend ko," I glared at Aiden."I mean friend, napakaganda po ng friend ko."
After naming nakipag-usap sa kanila, we strolled around the place. Nakipaglaro din si Aiden sa mga bata and doon na rin kami nag-lunch...around 3:30 na kami umuwi kasi nakipag-kwentuhan pa ako kay Sister Althea.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Aiden nung nasa car na kami.
"Hindi pa..."
"Hindi pa?"
"May pupuntahan pa tayo."
"Na naman?"
"Ililibre kita ng milk tea..."
"Ayoko nag-milk tea na ako kahapon hindi pwedeng araw-arawin, it's not good for the health."
"Okay, anong gusto mo?"
"Gusto ko ng samgyupsal, ilibre mo ako nun."
"Samgyupsal? Korean barbecue?" Aiden asked at tumango ako.
"Sabi ni Megan may bagong open na Korean resto sa mall." sabi ko sa kanya at pinakita ko ang phone ko.
"Sige, then punta tayo sa arcade after nating kumain."
I nodded my head in agreement...
"Saan ba kasi tayo papunta?" tanong ko kay Aiden,manonood pa kasi ako ng K-drama.
"Just chill, okay?"
"Okay" sagot ko and I closed my eyes to take a nap, inaantok na kasi ako.
"Addy, gising na...nandito na tayo?"
"Adyy, wake up! We-"
I covered Aiden's annoying mouth with my hand...
"Pano mo nalaman ang tungkol dun?"
"Ang alin?"
"Yung nickname ko..."
"Ah, tungkol dun...I heard your brother calling you in that name, I think it's cute."
"Nakakainis ka. Don't you ever tell other people about it, okay?"
"Bakit? Ayaw mo bang tinatawag kitang 'Adyy'? Mas gusto mo bang baby na lang?"
"Shut up, Aiden!" pagsuway ko sa kanya at napatingin ako sa paligid, nasa beach na naman kami pero this time walang carnival dito kundi puro hotels and business establishments.
May kinuha si Aiden na heart-shaped bouquet of white and red roses sa car niya and pumunta kami sa part ng beach na wala masyadong tao.
"Anong ginagawa natin dito, Aiden?"
"Visiting my parents..."
"Huh?"
"Remember that I told you na namatay sila sa plane crash..."
"Dito nag-crash yung plane na sinasakyan nila?"
"Yeah..." sagot nya at hinagis nya sa dagat ang bouquet.
Umupo ako sa buhangin habang tinititigan ko si Aiden na seryosong nakatingin sa dagat. After a few minutes, Aiden sat beside me habang nakatingin pa rin sya sa dagat...makaraan ang ilang minuto, I decided to break the silence,"Nami-miss mo ba ang parents mo?"
"Sobra..." Aiden replied at tumayo na kaming dalawa, I was about to walk pabalik sa car nya when suddenly he hugged me...
I was shocked by what he did pero hindi ko sya tinulak palayo...
"Thanks Adyy..." hindi ako nagsalita.
"Thank you for being my friend, thank you kasi palagi mo akong sinasamahan..."
Kumalas akonsa yakap..."Mabait naman kasi ako." sabi ko kahit na hindi naman talaga totoo, I mean mabait naman ako pero may pagka-pasaway ako...Nobody is perfect, duh!!!
"Alam ko" sabi nya and he pinched my cheeks. "Kaya nga nagte-thank you ako sayo."
We stayed there for a few minutes until we decided na umalis na...
Nung nasa car na kami napatingin ako sa beach and napangiti... something has changed.
Aiden is not that bad after all...
BINABASA MO ANG
Teaching The School's Playboy How To Dance
Teen FictionThis is not a typical love story where a guy and a girl met, fell in love with each other, and had a happy ending... Adrianna's dance instructor got so pissed at her kasi na-late na naman siya sa rehearsals, dahilan para bigyan siya nito ng ultimatu...