Sometimes the answer to prayer is not that it changes life, but that it changes you.
-- James Dillet Freeman
--------------
Ara's POV
Malamig na gabi at mga nagkikislapang christmas lights ang aking natatanaw mula dito sa bintana ng dorm. Isang senyales na unti-unti ng lumalapit ang pasko. Ito ang unang pasko na wala ka sa piling ko masakit pa din sakin ang lahat. At muli nagumpisa na namang tumulo ang aking mga luha. Nahiga na ko sa kama ko at napapikit ng mariin ng unti-unting bumalik sakin ang lahat
Anim na buwan na din simula nung iwan mo ko. Hanggang ngayon sariwa pa din sakin yung pagkawala mo. patuloy pa din akong binabalikan ng mga pangyayari. Masakit sakin na yung taong kasama kong bumuo ng pangarap ko ay mawawala ng ganun ganun nalang. Buong buhay ko wala akong hinangad kundi ikaw. Subalit may mga bagay talagang panandalian lang. Siguro sa tamang panahon unti unti ko ding matatanggap ang pagkawala mo.
Natatandaan ko pa yung mga simpleng pangarap na unti unti nating binubuong dalawa. Na habang buhay tayo lang, tayo pa rin. Mga simpleng ngiti mo na nagbibigay lakas sakin. Yung pagiging positibo mo sa lahat ng bagay. Nakikita ko na parang ang gaan ng buhay para sayo. At isa ito sa mga dahilan kung bakit kita minahal
Hanggang isang araw pumunta ka sa bahay namin ng umiiyak. Tinanong kita kung bakit pero sabi mo wala lang, makakaya mo naman yun at maliit na problema lang naman. Hindi na ko nag insist na itanong sayo kung ano ba ang problema. sa panahong yun naiintindihan ko na mas kailangan mo ko. At sapat na ang mainit kong yakap para ma comfort ka
Kinabukasan pag gising ko wala ka na sa tabi ko agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko si mama na naghahain na ng agahan. Tinanong ko siya kung nakita ka nya ang sabi nya ay kanina ka pa umuwi. Dali dali kong kinuha ang phone ko sa kwarto para tawagan ka. Pag bukas ko ng phone ko madaming misscalled galing sa mama mo agad kong dinial ang numiro ni tita
"Hello"
"Hello v-vic ?" Garalgal na boses sa kabilang linya
"Tita bakit po ? Uhm i checheck ko lang po sana si miks kung nakauwi na po ba?"
"V-vic"
"Tita asan po si mika?"
"Vic w-wla na si m-mika, wala na a-ang anak k-ko" Kasabay nun ang paghulog ng cellphone ko.
Mabilis akong umalis at nagtungo sa bahay nyo pag dating ko dun tanging mama at mga kapatid mo lang ang nadatnan ko. agad akong sinalubong ng mama mo ng mahigpit na yakap. At duon bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang mahimasmasan kami ay naupo kami ng mama mo. Ikwinento niya sakin na nitong mga nagdaang araw ay nagkaroon kayo ng problema sa pamilya. Nahuli ng mama mo ang papa mo kasama ang babae nito. Pero pinili ng papa mo ang babae niya. Nagkaroon pa kayo ng problema sa resort niyo dahil unti unti na itong naluluge dahilan upang isara. Madami pa kaming pinag usapan ng mama mo hanggang sa iabot niya sakin ang huling note na ginawa mo. Natagpuan ito sa kamay mo habang naliligo ka sa sarili mong dugo
"Mahal ko, isa ka sa mga magagandang regalong natanggap ko at babaunin ko hanggang sa huling buhay. Mag iingat ka lagi salamat sa pagmamahal. Sorry kung sumuko ako"
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Siguro sa tamang panahon maiintindihan ko at pipilitin kong intindihin kung bakit mo ko iniwan. Madami pa ding tanong sa isip ko kahit nasagot na ito ng mama mo. Pipilitin kong mabuhay para sating dalawa.
Kung nasaan ka man mananatili ka sa puso't isip ko....
....Mika
BINABASA MO ANG
Oh love
FanfictionWe always believe our first love is our last, and our last love our first.