You can't blame gravity for falling in love.-- Albert Einstein
----------
Mika's POV
"Mika are you alright?"
"Miks" bulong niya sakin sabay pisil sa kamay ko. natulala pala ako
"Uhm opo pasensya na po"
"Are you sure iha? You want to rest muna sa kwarto? Maya-maya ng konti ay maluluto na din ang dinner"
Tumango lang ako sakanila. Grabe naubusan na ko ng lakas. Lakas ng loob, kaya kailangan ko na din muna magpahinga.
"Samahan ko lang siya ma" pag presinta naman ni vic
Agad naman kaming nag excuse sakanila at pumunta na sa kwarto ni vic. Kung i didiscribe ang kwarto niya ay sobrang ganda. Merong king size bed sa may gitna, meron din siyang balcony, kumpleto din si vic sa gadgets at black and white ang theme ng kwarto. SuperB! Nahiga na muna ko sa bed niya.
"Are you okay ba talaga?" Nagaalalang tanong niya sakin
"Yes, napagod lang ako. Di ko naman kasi expect na ngayon din tayo luluwas sainyo samantalang kanina mo lang ako ininform" nakahiga na ko sa bed niya at siya naman ay nakaupo lang sa chair malapit sakin
"Pasensya naman po alam ko namang hindi mo matitiis ang daks mo e hahaha" tawa pa nito, hinagisan ko nga ng unan
"Ah talaga? E kung sabihin ko kaya sa nanay mo na hindi ako si mikaela?" Smirk ko sakanya
"Uy wag namang ganyan daks, eto naman sige na sleep ka na babantayan nalang kita"
"Ang clingy vic, hahaha"
"Ayaw mo ba? Okay sige lalabas nalang ako. Tandaan mo masyadong malaki ang kwarto ko baka mamaya may tumabi nalang sayo na hindi mo kilala" seryoso ang mukha niya
"Uy daks wala namang takutan, sige na dito kana lang wag mo kong iiwan dito ha" halos maluha luha na ko. Jusko kung alam niyo lang kung gaano ako katakot sa mumu.
"Hahaha multo lang pala makakapagpatiklop sayo eh haha sige na sleep kana daks" pinikit ko na ang mata ko at maya maya'y nakatulog na din
--------
"Miks wake up"
"Mika?"
"Hey"
Uhhh
"Miks let's go na, naka prepared na yung dinner natin"
"Okay"
bago kami tuluyang bumaba ay sinabi niya sakin na maging kalmado lang ako at wag ng kabahan pa. Tumango nalang ako at lumabas na kami ng kwarto.
----------
"How are you mika? Ok kana ba? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Diredirechong tanong ng mama ni vic sakin
"okay na po ako tita and opo nakapag pahinga naman po ako ng maayos" smile ko sakanya. Grabe kinakabahan talaga ako
"Kamusta naman ang pag aaral mo? last na pagkikita kasi natin ay hindi manlang tayo nakapag usap masyado" sabay inom niya sa water niya
"Okay din po tita, im taking up AB Psychology"
"Oh i see, a psychologist" tumango lang ako sakanya bilang sagot. tahimik na din naman kaming kumain. Hindi na nag tanong pa ang mama ni vic ng kung ano ano
After naming mag dinner ay inaya ako ni vic na lumabas. Itotour niya daw ako sa lugar nila.
"Sakay" bukas ni vic sa passenger seat ng kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito
"You'll see" sagot niya naman kaya nag nod nalang ako at pumasok na sa passenger seat at siya naman ay mabilis tumakbo at tinungo at drivers seat
---------
Hininto ni vic ang kotse niya sa tapat ng isang malaking school. Gabi na kaya wala na din namang estudyante dito.
"Anong gagawin natin dito?"
"Basta, halika na" sabay hila niya sa kamay ko at mabilis tinungo ang gate. Paghinto namin sa gate ay sumilip ang isang guard sa amin
"Hi kuya"
"Vic? Ikaw ba yan?"
"Opo kuya" binuksan na ni manong guard ang gate at pinapasok kami
"Kuya pwedeng mahiram yung susi?" Agad agad namang binigay ni kuya guard ang susi kay ara.
"Salamat kuya, balik ko nalang agad sandali lang kami promise" tumango nalang si kuya guard samin at mabilis na kaming naglakad papunta sa isang building at pumanik sa itaas nito.
"V-vic ang dilim" halos nakahawak na ko sa buong braso niya sa sobrang takot.
"Wait lang daks malapit na tayo" sinundan ko nalang kung saan siya pupunta hanggang sa nakarating kami sa tuktong ng building. Kinuha ni vic yung susi na hiniram niya kay kuya guard kanina at mabilis binuksan ang pinto. Bumungad samin ang isang malawak na rooftop na may maliit na kubong nakatayo sa gilid.
"Let's go" hinawakan ulit ni vic ang kamay ko at nagpunta kami sa railings ng rooftop kung saan tanaw ang buong city ng Angeles
"I miss this place"
Napatingin ako sakanya nun. nakapikit siya habang nakangiti, para bang may naaalala sa lugar na to.
"Memorable sayo ang lugar na to no?" Di ko na naiwasan ang magtanong.
"Yes" dumilat na siya at napatingin sakin
Nasa ganung sitwasyon kami ni ara ng bigla kong maramdaman ang pagpatak ng ulan. Tatakbo na sana ako pababa pero hinila niya ko at tumakbo kami dun sa kubo
Pagdating sa kubo ay pinagpagan niya ang damit niya na nabasa at ako naman ay napaupo nalang at tinignan ang malakas na buhos ng ulan. Napahawak na din ako sa dalawang braso ko dahil biglang umihip ang malamig na hangin. Nagulat naman ako sa pagtabi sakin si ara at pinunasan ang braso ko gamit ang panyo niya.
"Let me" sabi niya kaya wala na din akong nagawa.
Hindi ako makatingin sakanya ng diretso. Nilalamig na nga ako tapos dumagdag pa yung kabang nararamdaman ko. Umakyat na ang kamay niya sa mukha ko at marahan niyang dinadampi ng panyo yon. napaangat na ko ng mukha at nakita kong titig na titig siya sakin. Iiwas na sana ako pero hawak niya ang muka ko. unti-unting naglalapit ang mukha namin.
Papalapit ng papalapit
Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga. Tuluyan na kong pumikit at kasabay nun ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
Alam kong mali dahil walang kami. Pero wala na kong nagawa dahil mahal ko na si ara. Yes i love her, i really love her kahit na alam kong masasaktan ako dahil si mikaela pa din ang nasa puso niya. pero eto na yun pinasok ko na to. Mahirap magpanggap pero para sayo vic gagawin ko to. Sana mapansin mo din ako
Kasabay ng paghinto ng ulan ang pagbitaw ng mga labi namin. Hindi ko na din nabilang kung gaano ba katagal o kabilis yung oras pero ramdam ko ang sinseridad sa halik niya. nagkatinginan kaming dalawa pero mabilis niyang iniwas ang tingin niya sakin.
"Im sorry mika"
Rinig kong sabi niya at tuluyan na nga siyang lumabas ng kubo.
---------
Thankyou so much sa lahat ng nagbabasa at nagvovote ! Loveyou all hehe :) and sa mga nag cocomment po sorry kung di ko nasasagot kasi po may problem sa account ko hindi po makapag reply :( sorry
Keep on reding guys ! Godbless
BINABASA MO ANG
Oh love
FanfictionWe always believe our first love is our last, and our last love our first.