Chapter 2

1.4K 26 1
                                    

Nobody said it would be easy but everybody said it was worth it.

-- Steve Prefontain

---------------

"Vic"

"Vicky!"

"Ara"

"Victonara Galang!"

Napadilat ako sa ingay ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Ano ba yan kaaga aga eh sino bang istor--

"Oh ano? Titingin ka nalang ba diyan victonara? Baka gusto mong magmadaling kumilos at malalate ka na sa trainning. Sigurado akong patay ka na naman kay coach nito. Kita nalang tayo sa gym"

Diredirecho niyang sabi napabuntong hininga na lang ako. Hay naku kahit kailan talaga ang ingay ni ate kim. Agad na kong bumangon at inayos ang higaan ko. Binilisan ko na din ang ligo dahil ayoko ng masigawan ni coach ramil pag nagakataong late na naman ako. Sa totoo lang halos araw araw akong napapagalitan ni coach. Nagiging musika na din sa tenga ko ang malakas niyang boses.

Nagmamadali na kong pumunta sa gym. Tumingin ako sa wall clock na makikita sa entrance ng razon. Shit 5minutes na kong late patay na naman ako nito kay coach malamang maaga agang soundtrip na naman ito. Pag panik ko sa gym naabutan ko ang teammates ko na nag wawarm up na tumingin tingin din ako sa buong gym. Aba mukhang swerte ako ngayong araw ha wala pa si coach ramil. Mabilis kong ibinaba ang gamit ko sa bleachers malapit sa gamit ni ate kim at nag umpisa ng sabayan ang teammates ko sa pag wawarm up. Sa totoo lang wala na kong ganang mag volleyball. Pero hindi eh kailangan kong maging matatag para sakanyan, para kay Mika

"Victonara!"

Napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun

"Akala mo ba nakaligtas ka? To my office now!"

Agad naman akong sumunod sa sinabi niya. Nagmadali akong pumunta sa office niya. Umupo agad ako sa bakanteng upuan katapat ng table

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa ara" napabuntong hininga pa siya para bang sinusukat kung paano niya sasabihin sakin yung mga salita niya "alam kong may problema ka. Pero as i always say wag na wag mong dadalhin ang problema mo sa pag tratrainning. Meron tayong tamang lugar para diyan at hindi dito yun. Bukod kay aby isa ka sa mga maituturing kong leader ng team so be responsible enough. Alam ko at naiintindihan kong hirap ka pa anak kaya nga kami nandito para sayo."

Hindi na ko nagsalita, ganito lang naman ang lagi niyang litanya sakin halos memorize ko na din dahil paulit ulit lang. Humingi ako ng pasensya kay coach ramil at mabilis na lumabas ng office niya. May point naman talaga si coach sa lahat ng sinabi niya subalit talagang mahirap lang ngayon dahil masakit pa ang lahat. Sinusubukan ko din namang maging matatag kinakaya ang bawat bukas na lumilipas. Pag labas ko ng office ni coach ay nagsisimula na silang maglaro tinawag na din ako ni ate aby para sumali.

--------------

Third person's POV

"Thankyou so much po sa pag recruit mo sakin coach. Dream come true po talaga to! Ang mapabilang sa sikat na lady spikers" kasabay ng malapad na ngiti na hindi maalis alis sa kanyang magandang labi

"Walang anuman hija, maya maya lang ay makikilala mo na ang mga teammates mo. Hinugot kita sa team ko dahil alam kong may potential ka sa paglalaro at isinasapuso mo talaga ang career na to"

"Naku naman po coach salamat po talaga" napakamot pa to sa ulo niya

"O siya tara na sa labas at sigurado akong tapos na silang maglaro"

Paglabas na paglabas nila ng office ay naabutan nilang nag papack up na ang ibang lady spikers maliban kay ara na nagshoshower pa

"Where's ara?!"

"Nasa shower room pa p--"

"Im here coach" sabay taas ni ara ng isang kamay at lumapit sa tabi ni kim.

"So kumpleto na ba ang lahat? Aby?"

"Yes coach"

"Good!" Nag pause pa ito nang kaunti bago magsalita ulit "so para sa kaalaman ng lahat mawawala si mika esperanza sa team dahil sa kanyang injured. Kaya naman naghanap muna ko ng ipapalit sakanya"

Sabay sabay namang nagkatinginan ang lahat ang iba ay gulat at iba naman ay excited.

"So girls meet your new teammate"

Kasabay nito ang pag labas ng babae mula sa likuran niya. Biglang namutla si ara sa nakita at kahit kaliligo pa lang ay damang dama niya ang pagtulo ng pawis sa kanyang katawan.

"Mik--

"Hi"

-------------

Sorry po sa super short update wala pa kong exact plot for my story pero i will try my best para ma satisfy ko kayo :) godbless everyone keepsafe !

Oh loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon