You must accept reality to be able to move on in life.....
-- Ju Basina
---------
Mika's POV
"Bf nakikinig ka ba?" Naiinis na ko dito kay bf e kanina pa ko nag kwekwento pero busy sa kakakalikot sa phone niya.
"Ha? Ano ulit bf?"
"Wala!" Tumalikod ako sakanya. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Sila mommy naman ay busy sa pag piprepared ng noche buena dahil maya-maya lang ay christmas eve na
"Eto namang si bf ok sige na makikinig na ko ano ba yun?" Akap niya sakin mula sa likod
Humarap na ko sakanya kaya bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin "wala sabi ko masaya lang ako kasi dito ka ngayong pasko"
"Ako din" yun lang ang nasabi niya at nangingiti na naman habang nagtetext
"Sino ba yang katext mo at kanina kapa ngiti ng ngiti diyan?" Di ko na napigilan ang magtanong
"Uhm si ano" at ang babaeng to jusko po sasabog na sa kilig "si ara" sabay tili
Oo nga pala nakalimutan ko kinuha niya yung number ni ara sakin kanina. Kahit ayoko man ibigay ay wala akong nagawa.
"Ah" yun nalang ang nasabi ko.
Lord ano ba naman to. Pangarap ko na nga lang si ara may karibal pa at bestfriend ko pa. Hayyyy di ko din maiwasang mainggit, bakit siya katxt ni ara bakit ako hindi? Tanga mo mika bakit nagtetext kaba?
"Bf" sigaw ni jessey sakin
"Oh?"
"Hmm may girlfriend na ba si ara?"
Eto na nga bang sinasabi ko e. Sige jessey unti untiin mo. Isip isip ng isasagot mika
"Bakit hindi mo sakanya itanong?"
"Eh ayaw niya namang sagutin eh, iniiba niya yung topic"
Ano ba isasagot ko?
"Hmm meron na kasi bf eh" Halatang nalungkot siya nung sinabi ko yun oh sorry my dear bestfriend wag na si vic please. Iba nalang
"Ganun ba, kilala mo ba?"
"oo bf kilala ko " sabi ko sakanya sorry jessey
"Sino?"
Yun lang! Sino ba mika? Jusko naman mali ata yung sagot mo eh!! ugh!
"Si M--"
.
.
.
"Ate tawag ka ni mommy help mo muna daw siya sa kitchen" biglang pasok ni miko. Uso katok boy. Pero salamat na din haha skip ko na to
"Ah sige sunod na ko miko" tumayo na ko para lumabas at pumunta sa kitchen "bf wait lang ha help ko lang si mommy"
Tumango nalang siya sakin at nag phone nalang ulit
----
Ara's POV
Kanina pa ko naghihintay ng txt ni mika. Ano kayang problema nun? Kanina pa niya ko di pinapansin nung bago siya umuwi. Di niya ko tinitext idagdag pa ang kakulitan ng bestfriend niya. Grabe panay text sakin. Di ko na nga nirereplyan dahil ang kulit talaga.
"Vic anak pakilagay naman to dun sa fridge, ayusin ko lang tong binibake ko" tawag sakin ni mommy. Nilagay ko na ang fruit salad sa fridge at humarap kay mommy.
"Hmm ma, sandali lang po ha labas lang po ako balik din ako maya"
"Saan ka pupunta?"
"Diyan lang po ma, sige po" nag kiss pa ko sakanya bago umalis
Mabilis akong tumungo sa garahe at pinaandar ang kotse ko.
-----
Mika's POV
Napatingin ako sa wall clock dito sa may sala. 10pm na pala, 2hours nalang at pasko na. Tumingin din ako sa phone ko pero wala pa ding txt si ara. Katabi ko ngayon si bf na tutok na tutok sa pinapanuod niya. Mukhang hindi na sila magkatxt ni ara at mukhang wala na din siya sa mood dahil nga dun sa sinabi ko kanina.
.
Buzz buzz
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko dahil naramdaman kong nag vibrate ito.
1message
From: Daks
Merry Christmas Daks! Sana hindi ako maghintay nang matagal dito sa gate niyo :)
.
Ha? Si vic? Nasa labas namin?
Agad akong tumakbo papuntang gate at binuksan ito. nandun siya. Nandun si ara. At ang porma niya jusko makalaglag panty hahaha lande mika. Naka shorts lang naman siya at simple black tee pero ang hot e. Idagdag pa yung sumbrelo niyang pang santa at may bitbit na bouquet hihi. Lumapit na ko sakanya
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha" tanong ko sakanya
"Spending christmas eve with you" at jusko po ang lola mo ngumiti pa ng matamis sakin. Halikan kita jan e haha
"Ha? Baka hanapin ka nila tita no! Dapat sa family mo yan gawin" pinapasok ko na siya at inaya muna maupo dito sa garden
"Ay flowers for you nga pala" sabay abot ng flowers "i thought your mad at me, di ka nagtetext sakin e"
"Ha? Hindi ako galit vic"
"Eh kasi diba kanina pa bago kita ihatid dito di mo ko kinakausap masyado."
"Diba nga sabi ko sayo hindi lang maganda ang gising ko? ikaw nga tong hindi nagtetext eh"
"Kasi nga akala ko galit ka"
"Bakit si jessy natetext mo" kumuha ako ng isang rose mula sa bouquet at inamoy ito. Napatingin ako sakanya at nakita ko siyang naka ngiti "oh anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Are you jealous?"
"H-ha?" Patay ka mika
"Are you?"
"Hmm A-ano e-eh hin--" bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Mika" sumeryoso na ang mukha niya at titig na titig siya sakin
"B-bakit"
"Hindi na natin kailangan mag panggap kila mommy" seryoson niyang sabi sakin
Huh?
"Anong ibig mong sabihin?" Halos lumabas na ang puso ko sa kaba
"Can you be my REAL girlfriend?" Sincere nyang tanong sakin
"Vic"
"Kung di ka ready ok lang sige maghihi--"
.
"YES"
"Yes?"
"Oo , yes" ngiti ko sakanya
Tumayo siya at mabilis umakap sakin. I hugged her back.
"Iloveyou mika. Liligawan pa din kita ha at paghihirapan ko pa din to i loveyou very much thankyou"
"Mahal na mahal din kita ara" yun lang ang nasabi ko basta ang alam ko masaya ako. Sobrang saya. Ang gandang regalo naman niyo lord oh. Mahal na mahal ko si ara hindi lang ako makapaniwala na hindi na kami magpapanggap. Totoo na to. Totoong girlfriend niya na ko.
.
.
"Bf?, ara?"
.
Bigla kaming nagbitaw ni vic sa pagyayakapan at napatingin sa nagsalita
.
.
.
.
"Jessey"
.
--------
Sabaw po! Isasabay ko lang to sa christmas eve ;) haha bawi ako next UD promise guys !
Merry Christmas !!!!! godbless us all 🎅🎄
BINABASA MO ANG
Oh love
FanfictionWe always believe our first love is our last, and our last love our first.