Chapter 2

4.1K 91 3
                                    

FLASHBACKS

"This is Steffy, my girlfriend " Pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niyang sina Troy, Terence, Clar,and King.

"Oh hi Steffy" Clar winked at me at ngumiti naman ako bilang ganti.

Nakakatuwa silang lahat. Siya lang naman itong tahimik at animo'y laging may iniisip,mukhang laging may problema, pero normal na sa kanya ang ganun at nakasanayan ko na rin.

Sila yung mga taong marunong makisama at makikibagayan mo .

"Alam mo bang yang si Stephen, madalas hinahabol ng aso yan nong bata pa siya at umaakyat sa puno dahil hindi iniiwan ng aso, HAHAHA bumababa lang yan kapag susunduin na siya ni King" tawanan naman ang lahat sa kwento ni Clar. Base sa obserbasyon ko, siya ang maingay sa kanilang lima. Si Terence, tahimik din pero kaoag bumabanat, napaka englisero. Si Troy, nakakatuwa rin ang mga corny jokes niya. Si King, mukha lang niya ang napakasungit, pero kapag nag salita na, masasabi mong napakamasiyahin niyang tao.

King and him seem really close and obviously magkababata sila ayun narin sa madaldal na Clar.

"Bakit naman ako naging topic" he smirked and smile bitterly.
Marami pa silang iknwento na nagpasakit ng tyan ko kakatawa.

Pero ang tanging memories na hindi ko malilimot ay ang pagliligtas niya sakin ng gabing yun. Disappointed ako non sa parents ko, pero ang makita ang maamo niyang mukha, biglang nabuhayan ang aking sarili.

Muntik na akong mapahamak isang gabi, nang dahil sa isang lalaking may masamang balak sa akin. But I was so lucky that night because he was there, and he saved me. He was my knight and shining armor.

End of Flashbacks
.....

"Hindi ka na naman ba gagawa ng assignment mo?" tanong ko kay King na walang ginawa kundi manood ng TV pagkatapos naming maghapunan. Nasa sala lang kami at abala ako sa pagsusulat ng assignments.

Wala kaming katulong sa bahay. Hindi rin naman kasi ganun kalakihan ang bahay namin though napaka organised ng mga gamit.At isa pa dalawa lang naman kami. Kayang kaya ko na ang lahat ng gawaing bahay.

"Gawin mo nalang din yung para sa akin baby" wika niya habang kinakagat ang mansanas na hawak niya.

"Talaga lang bang makapal ang mukha mo?" tinaasan ko siya ng kilay at sinamaan pa ng tingin. Puro talaga asa. Ang tamad.

"Asawa naman kita kaya please babymahal" sumulyap siya sa akin at ngumisi ng pagkalapad lapad.

"Asa ka " gigil kong sagot.Ipinagpagpatuloy ko ang aking ginagawa at hindi na siya muling sinulyapan.

Nagulat nalang ako ng biglang nagring ang cellphone niya. Dali dali naman niya itong sinagot at sumandal sa couch.

"Yes whose there?Oh it's you. How are you beautiful.... You want to meet me now?... Hahaha really.... I really loved too... Yes I'm coming... Where are you by the way?.... Okay 10 minutes and I'll be there" and he hung up. Napangiwi ako sa naging usapan nila.
Ang bilis niya sa lahat ng bagay kapag babae na ang napag uusapan.

"Seryoso ka?" I crossed my arms and look at him frowning.

"Yes meybaby" tumayo siya at nag unat unat pa.

Casanova's Wife 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon