Chapter 24

2.4K 58 3
                                    

Chapter 24

Steffy's POV

Nagulat ako dahil pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni King na agad ang nakita ko. Wala na rin si Maxine at Lorea sa silid.Ayon pa sa kanya ay nagbilin ang mga ito sa kanya na mauuna na silang mag-agahan.

Lumabas na lamang ito sa silid namin nang masigurong gising na ako at nagpaalam upang mag-ayos ng sarili.Babalikan na lamang daw niya ako.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay nagdesisyon na akong lumabas upang mag-agahan.Gutom na rin ako.
Last day na nga pala namin ngayon sa resort kung kaya siguro maagang bumangon ang dalawa.
Hindi ko na rin nakita si Poline na pumasok sa aming silid mula pa kagabi.Alalang-alala sina Maxine sa akin maging si Gng. Lopez ay hindi rin magkandaugaga kagabi habang tinatanong kung maayos na ako. Nakakahiya na ang mga nangyayari sa akin.

Bago ako buksan ang pinto ay nagbuntong hininga ako upang ilabas ang sama ng loob sa mga nangyari kahapon.
Pero paglabas ko ng pinto ay nagulat akong makita si King na kasalukuyang nakasandal sa pader at tila hinihintay ako.

Napatingin siya agad sa akin sabay ayos ng tayo.
Napaiwas ako dahil wala itong balak alisin ang mga titig niya sa akin.

"K-kanina ka pa ba diyan?" naiilang kong tanong. Isinara ko ang pinto at sinugurong nakalock iyon.

"Hindi naman" tipid na sagot niya.
"Tara na gutom na ako" saka niya hinigit ang kamay ko pababa at tumungo sa dining area.

Pagpasok namin,napayuko ako dahil lahat ng atensyon ay nasa amin. Binati at kinumusta ako ng ilan sa mga iyon.

Maging si Ginang Lopez, ay sinalubong ako upang kumustahin muli. Pagkatapos niya akong kausapin ay hinayaan na niya kami at binilinan.
Kumaway sina Maxine at Lorea sa amin kaya dumiretso kami kung saan ang pwesto nila.

"Steffy,kumusta ka naman? Sabi ko na nga ba, masama talaga ugali ng isang--" napatigil si Max ng makita si King sa likod ko habang naghihintay na makaupo ako.

"Ay sorry" pagtatakip niya ng kanyang bibig.

"Umupo kana, ikukuha na kita ng makakain" sabi sa akin ni King. Tumango lang ako ng may pagdadalawang-isip.

"Kya is diz comeback na ba? " impit na tili ni Lorea.
Napangiti ako sa reaksyon niya.

"True.Alam mo bagay na bagay talaga kayo Steffy." si Maxine habang iwinawagayway ang kutsarang hawak niya.

"At oo nga pala,hindi ka na namin hinintay dahil kasama mo naman ang asawa mo" si Max. Ayon pa sa kanya, buong gabing nasa tabi ko lang si King at binabantayan ako.
Hindi ko naman alam dahil hapong hapo ako kagabi dahil siguro sa mga nangyari kahapon.

"LABS!" natigilan sa pagkukuwento si Maxine at sabay kaming napalingon sa direksyon ng pinto. Nakangiting kumakaway sa amin habang papalapit sa kinaroroonan namin.

"Phen" nakangiti kong bati.

"Kumusta ka? May masakit ba sayo?" sunod-sunod niyang tanong sabay upo sa tabi ko.

"Wow concern na concern naman 'yan Phen?" kantyaw ni Lorea.

"Sad to say wala ka ng pag-asa pa pinsan" si Maxine. Inirapan ko lang ang dalawa. Nagmamalasakit lang si Phen sa akin at para sa akin walang malisya iyon.

"W-wala naman, pero salamat Phen" wika ko. Nagkunwari na lamang akong hindi narinig ang mga sinasabi ng dalawa.

"Wala iyon basta ikaw labs. Teka saan na ba iyong Poline?" tanong niya habang iniikot ang mga mata sa buong dining area.

"Kagabi pa umalis" si Maxine ang sumagot. "Sa clinic pa lamang si Steffy ay umalis na ito ng hindi nagsasabi o nagpapaalam. Siguro ay nahihiya sa ginawa niya sayo at lalo kay King. Nasalubong ko na lamang na dala dala nito ang mga gamit niya. Hindi ko naman kasi maiisip na ganoon pala ang ugali ng isang iyon" paliwanag ni Max.

Casanova's Wife 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon