-9-

167 16 3
                                    

NAIAH'S POV

Sumandal ako sa upuan saka nag-unat. Medyo inaantok na rin ako kakatutok ko sa cellphone.

Tumayo naman ako saka lumapit sa mga shelves para humanap ng mababasa. Magbabasa na muna ako bago ipagpatuloy ang laro sa Ditzy app.

"Oo nga. Totoo nga. I failed in a case and there was consequences. Pinili ko ang ma-lock sa cr for 5 hours because it was easier than the other two. I find it silly at first pero totoo nga! I was locked in the cr dito sa school for strangely exactly 5 hours! Ang creepy talaga!"

I overheard a conversation sa kabilang shelf kaya napahinto ako at napasilip sa kanila.

"Ang creepy nga. Pero wala na bang sumunod na nangyari?" tanong naman ng kausap niya.

"Salamat sa Diyos at wala naman. Unsolved cases lang kasi hinahaunt ng husto."

"Eh bakit kaya ganon?"

"Sabi nila ay dahil possessed nga app ni Guinevere ay baka malaki galit nito sa hindi pagtapos ng case. I mean iyon naman talaga ang nangyari sa kanya hindi ba? Hindi pa siya natatagpuan tapos hindi rin ata tinapos ang case niya at inideklara lang na patay na nga siya. Kaya siguro nagmumulto sya sa app niya at unsolved cases ang target niya."

"Ay naku ang creepy talaga! Sana mai-close na agad ng taga IT Department ang case na iyan! Bakit pa kasi ni launch ito in the first place eh!"

"Wala naman kasing may alam na mangyayari ang lahat ng ito eh!"

And by that they already left. Ipinagsawalang bahala ko nalang saka tuluyang bumalik sa pwesto ko. Bigla namang dumating si Quim at Lucky saka naupo sa katapat ko.

Hindi ko na sila pinansin at nagbasa na ako sa librong kinuha ko.

"Gosh! Ang dami mong unread chats sa Ditzy App Naiah!" reklamo ni Quim saka tinapunan ko lang ng tingin. Sanay na ako dyan. Pakialamera talaga yan ng cellphone. Alam niya passcode ko eh.

"Pero wait. Diba sabi mo Lucky restricted kapag iba tumingin sa phone? Naopen ko naman app niya ah?" tanong ni Quim kaya napaangat ulit ang tingin ko sa kanya.

"Oo nga naoopen mo naman. Pero sa game hindi. Try mo open ang game niya diba puro white lang makikita mo." sagot naman ni Lucky na napahinto sa kung ano mang sinusulat niya.

"Hala oo nga! Ang creepy." bulalas naman ni Quim. Nasuway pa sya ng working student dito sa library dahil sa lakas ng boses niya.

Napailing nalang ako saka binalik na ulit ang tuon sa librong binabasa ko.

"May nagchat Naiah, replyan ko nga 'to." daldal ni Quim pero hindi ko na pinansin.

Bigla namang nagbell kaya naman napabuntong-hininga naman ako.

"May klase na ako." anunsyo ko sa kanila.

"Ows. Sad." komento ni Quim.

"Pakibalik nalang ako sa librong ito. Please." utos ko kay Quim saka binigay ang librong kinuha ko kanina.

"okay!" sagot naman niya saka binigay na rin cellphone ko saakin.

"Thanks. Una na ako sa inyo ah." paalam ko sa kanila.

"Okay, Naiah!" paalam ni Lucky saakin.

Habang naglalakad ay napatingin naman ako sa cellphone ko dahil panay ang vibrate. Iyon pala ay tadtad ng chat sa nireplyan ni Quim.

Hindi na ako nag-abala pang mag scroll up at sinabi ko nalang na chat ko siya mamaya dahil may klase na ako.

--

Case Of GUINEVERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon