-70-

153 9 6
                                    

THIRD PERSON POV

Nakaupo si Naiah sa isang bench habang hinihintay si Kreios na matapos sa kanyang klase.

Nakagawian na kasi ni Naiah na laging hintayin si Kreios at lagi siyang hinahatid na pauwi nito para lamang masiguro na safe makakauwi ang dalaga.

"Naiah!" tawag ng isang kaklase nito kaya napalingon si Naiah.

"May kailangan ka, Andree?" tanong ni Naiah sa kaklase.

"Pinapatawag ka ni Mr. Sayson sa faculty." sagot naman ng kaklase sa kanya.

"Bakit daw?" tanong naman ni Naiah habang nagtataka.

"Hindi ko alam eh. Punatahan mo nalang." kibit-balikat na sagot ng kaklase.

"Sige. Thank you." wika ni Naiah at saka tumayo na.

Habang naglalakad si Naiah ay napansin naman niyang nagvibrate ang cellphone sa bulsa niya kaya kinuha nya at tiningnan. Si Kreios pala iyon at nagtatanong kung nasaan siya. Nireplyan naman agad ito ng dalaga na papunta syang faculty dahil pinapatawag siya ni Mr. Sayson, ang prof nila sa major subject niya.

Habang busy si Naiah sa kanyang cellphone ay hindi nya napansin ang isang babae kaya nabangga niya ito. Medyo malakas pa ang pagkakabangga nila kaya napahawak siya sa braso niya at nalaglag pa ang cellphone niya sa sahig. Pinulot naman ito ng babae saka nakangiting binigay sa kanya.

"Sorry. Hindi kita napansin. Nagmamadali rin kasi ako eh. Here's your phone by the way, hindi naman nasira." wika ng babae habang nakangiti pa rin ito ng malaki sa kanya.

"Ah, okay lang. Sorry rin hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Thank you." sagot naman ni Naiah at nag-aalinlangang ngumiti.

Ngumiti lamang ang babae sa kanya saka nagpaalam na aalis na. Tumango naman si Naiah at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hawak-hawak pa rin ni Naiah ang kanyang braso dahilsa hindi malamang dahilan na kumikirot ito dahil sa pagkabangga.

Napatigil naman si Naiah sa kanyang paglalakad saka napahawak sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay nahihilo sya at gumagalaw ang paligid, nagdadalawa na rin ang paningin niya. Hindi alam kung anong nangyayari sa kanya. Hanggang sa nawalan sya ng malay. Pero bago pa man sya tuluyang matumba sa sahig ay may sumalo na sa kanya at agad siyang kinarga papunta sa isang lugar.

--

NAIAH'S POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at sa lakas ng hangin na tumatama sa balat ko. Tumatakip rin ang buhok ko sa aking mga mukha. Aayusin ko sana ang buhok ko nang mapansin kong nakatali ang mga kamay ko sa likod ko pati ang mga paa ko. Saka ko rin napansin na may panyong nakatali sa bibig ko.

Napalibot naman ang paningin ko at napagtanto ko na nasa isang rooftop pala kami kaya pala sobrang hangin.

Sinubukan ko namang maupo mula sa pagkakahiga pero bago ko pa man magawa ay may sumipa na saakin dahilan para matumba ulit ako.

Agad kong hinanap ang gumawa noon saakin at nakita ko siyang nakangisi saakin. Si Guinevere Marie Echavez.

"Alam mo, bilib rin ako sa'yo eh. Ang talino para malaman ang lahat ng tungkol saakin. Si Guinevere ba nagsabi sa'yo? She hacked my app and alam kong sa'yo sya nanghingi ng tulong dahil locked and conversation box mo at hindi ko mabuksan. Nanghingi siya ng tulong sa'yo diba? Too bad, you're late. At ngayon? Too bad you're late too. Naunahan na naman kita." wika niya saka tumawa na parang demonyo.

"Pero alam mo, kung hindi ka lang pakialamera ay wala ka sana dyan sa kinalalagyan mo." dagdag niya pa saka itinaas ang baril niya at inikot-ikot ito sa daliri niya.

Case Of GUINEVERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon