-71-

138 7 6
                                    

NAIAH'S POV

Napadilat ang mga mata ko ng may dumagan saakin.

Sumalubong saakin ang mukha ni Kreios na nahihirapan pero nginitian pa rin ako.

No, no, no....

Why did you took the bullet for me, Kreios? Why???

"Kreios?!" sigaw ko sa kanya.

"Naiah...." mahinang sambit niya saka hinawakan ang pisngi at pinahid ang luha ko.

"No... No... No!!!!" hindi makapaniwalang sigaw ni Guinevere.

"Hindi!!!" nagwawalang sigaw ni Guinevere.

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumakbo at pumunta sa dulo ng rooftop saka dumungaw sa ibaba.

"NO!!! Guinevere huwag mong gagawin yan!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi Naiah! Hindi!" sigaw niya saakin.

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Baliw?!  Baliw!!!" sigaw niya saka tumawa na naman.

"Hindi..... Hindi!" sigaw na naman niya habang umiiyak.

Baliw nga.

"Wala na ang lahat saakin! Ang app ko! Lahat! Pati tiwala ng tao! Kakamuhian na nila ako! Malalaman na nila na ako ang pumatay kay Guinevere! At binaril ko pa si Kreios! Hindi pwede!" galit na sigaw niya saka itinutok ulit ang baril sa ulo niya.

"Huwag Guinevere! Don't do that! May nagmamahal pa rin sa'yo! Papatawarin ka pa rin ng mga tao!" sigaw ko.

Bigla naman niyang itinutok ang baril saakin. Kahit nahihirapan si Kreios dahil sa tama niya sa tagiliran ay pilit pa rin niyang hinaharang ang sarili saakin.

"Liar!! Walang magpapatawad saakin! I'd rather die!!!" umiiyak na sigaw niya.

"Siguro magiging masaya si Guinevere ngayon kapag pinatay ko ang sarili ko." sambit nya at mula sa pag-iyak ay tumatawa na naman.

Nababaliw na talaga siya.

"Oh Gosh! Naiah! Kreios!"

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Quim, Wince at Lucky pati mga security guard ng school.

"Miss.. Ibaba mo ang baril mo!" mahinahon na wika ng isang guard habang nasa kamay ang ere.

"Huwag kayong lalapit!" sigaw ni Guinevere saka ibinaling ang baril sa ulo niya.

"Guinevere! Huwag mong gagawin iyan! Hindi pagpapakamatay ang sagot para matakasan mo ang pagkakamali mo!" sigaw ko sa kanya.

"No. I deserve to die, Naiah." mahinahong wika niya.

"No! Hindi yan totoo! Don't do that Guinevere! Please!" pakiusap ko sa kanya.

"I'm sorry." wika niya at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi bago nya paputukin ang baril sa ulo niya at dahilan para malaglag siya sa building.

"NO!!!!!" sigaw ko.

Agad naman na napatakbo ang mga guards sa kinaroroonan ni Guinevere para sana masalo pa sya pero huli na ang lahat.

Agad naman napatakbo si Quim at Lucky saamin saka tinanggal ang mga tali sa katawan ko.

"Kreios! Kumapit ka please!" alog ko sa kanya.

Napadilat naman siya sa napangiti saakin.

"I will Naiah. I'll live for you." mahinang sambit niya saka napapikit ulit.

"Gosh! Kreios!" sigaw ni Quim.

"Kreios! Bro! Dadalhin ka na namin sa hospital! Kumapit ka,  please!" sigaw ni Wince saka tinulungan siya ng guards na buhatin si Kreios.

Napakapit nalang ako kay Lucky habang umiiyak.

"Everything is going to be fine, Naiah. Manalig ka lang." wika ni Lucky habang hinihimas ang braso ko.

Agad kaming bumaba sa building. Pagkalabas pa namin ay kita namin na ang daming estudyanteng nakiusisa sa nangyari kay Guinevere.

May mga pulis na rin na rumesponde dahil natawagan na pala agad ni Wince dahil inuotos daw agad iyon Kreios sa kanya.

Agad naman kaming sumakay sa isang patrol na hindi na kami naghintay pa ng ambulansya para pumunta sa hospital.

Mahigpit akong nakahawak sa kamay ni Kreios at lihim na nagdadasal.

Kumapit ka Kreios. Huwag kang bibitaw saakin. Please....

--

Case Of GUINEVERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon