Roses from the Heart
Gino
"Gino!"
Mariing akong napapikit nang marinig ko ang sigaw na iyon. Hindi na kailangan lumingon. Dahil alam kong si Angel iyon. Malapit na maging ringtone ang pagtawag ni Angel sa pangalan ko. Alam na rin kaagad ng mga kasamahan ko na boses n'ya iyon. Ang masaklap tuwing sisigaw si Angel ng pangalan ko ay iniiwan agad ako ng dalawang kasamahan ko.
Ilang sandali pa akong naglakad at nahabol n'ya na naman ako. Minsan napapagod na akong magalit at magreklamo dahil napaka-persistent ni Angel. Minsan parang ako pa ang napapasama kahit wala naman akong ginagawang masama.
"Gino, natuto ako gumawa ng bento box kahapon. Pinagbaon kita!" Napahawak ako sa maliit na bag na nilapat n'ya sa dibdib ko. Hindi ko naman gustong nagtatapon ng pagkain kaya hinawakan koi to baka malaglag.
"Nilagyan ko rin ng coffee iyan, sana magenjoy ka." Parehas kaming napatigil sa paglalakad nang makarating kami sa Practical Arts building kung nasaan ang TVE na subject naming. Entrepreneurship sa akin at Food Technology kay Angel. Bakit ko alam? Kasi dinadalhan niya ako lagi ng niluluto nila. Nakakantyawan na ako sa class room dahil sa kanya. Pero dahil sanay naman ako na hindi nakikialam sa paligid ko ay parang wala lang sa akin.
Hindi ko namalayang ilang segund na kaming natitigan ngunit ang ngiti ni Angel ay hindi pa rin napapawi. Noong una ay nakaramdam ako ng inggit dahil parang araw-araw ay may dahilan itong ngumiti.
"Galingan mo ngayong araw! Sige mauuna na ako!" Nauna naman itong nagpaalam sa akin. Medyo natapakan ang pride ko roon dahil dapat ako ang nauna.
Napailing akong humakbang papasok sa building, hindi ko rin maintindihan bakit kinuha ko ang lunch pack na ibinigay n'ya. Nawawala na yata ako sa katinuan.
***
Sino'ng mag-aakala na makakapag-asawa pala si Andrei. Kasama ko ngayon si Caldrin dito sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ni Andrei. Naiintindihan kong nakapag-asawa na si Caldrin dahil nabuntis nito ang girlfriend n'ya noong college pero si Andrei na hindi pa rin nababawasan ang pagiging babaero ay nakakapagtaka.
"Buti nakarating kayo," nang namataan kami ni Andrei sa aming puwesto ay sinalubong kami nito habang abot tenga ang ngiti.
"Syempre, aba eh iuuwi ko 'yung ulo ng litson," pabirong saad naman ni Caldrin. I can say that my friend here has changed. Pamilyadong tao na kasi at minsan ay humihingi sa akin ng tulong. Hindi naman kasi stable ang work n'ya sa isang insurance company at tatlo pa man din ang anak nito ngayon.
Si Andrei naman ay balita ko, mayaman ang babaing papakasalan n'ya. Kilala ko ang Family Company ng in-laws nito, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako imbitado bukod sa ginawa akong sponsor ni Andrei.
"Kailangan mag-inuman tayo sa susunod 'yung tayong tatlo lang," suhestyon naman ni Andrei. Tignan mo nga naman at hindi pa naitatali parang gusto nang kumawala.
Nagpaalam sa amin si Andrei dahil magsisimula na ang ceremony. Hindi gaano karami ang bisita, palagay ko ay mga relatives lang at mga kaibigan ang nandito. Engrande ang kasal, the venue is expensive. There are white roses everywhere. I liked that part because it means purity. Puti ang at berde ang motif ng kasal.
Nang dumating ang bride ay nakapatay lahat ng ilaw at nakatutok sa kanya ang spotlight, when I glanced at Andrei he was crying. I'm in no position to tell if that's real or not since I don't have much experience in love. But as a man, Andrei's tears are filled with joy and love to that woman. I may have felt that before.
BINABASA MO ANG
Way Back To His Heart (Enticed Series 3)
Romansa'Young Dumb and Broke' sabi nga sa kanta. Sabi nila ang Relasyon, It takes risk. Angel entered into a relationship at a very young age. She was just Freshmen Highschool when she started having a Crush to Gino Delos Santos. Bukod sa Matalino, Gwapo a...