Bakit? Bakit malayo ka?
Hindi maabot ng mismong mga kamay ko.
Bakit kasi malayo?
Pwede namang malapit diba?Miss na kita,
Gusto nang makita ka.
Gustong-gusto nang halikan at mayakap ka,
At mabanggit mismo sa harapan mo ang salitang 'Mahal kita'.Nag-aalala kung baka napano ka na.
Nalulungkot kasi sobrang miss na miss ka na.
Minsan nga umiiyak kasi gusto ka nang makasama.
Pwede ba? Dito ka nalang upang makasama naman kita.Naiinggit ako sa iba,
Sila, nakikita at nahahawakan ka.
Paano naman ako na hanggang litrato mo?
Na hanggang sa tawag lang sa telepono.Alam ko balang araw makikita rin kita.
Hihintayin ko ang araw na 'yon.
Sa araw na 'yon nandyan ka na.
Hawak na kita at nilalambing ka na.— — —
» sorry for the errors.
BINABASA MO ANG
Poems and One Shots
RandomPLAGIARISM IS A CRIME The poems and one shot stories came from my cute mind. I know that my poems and stories aren't that good enough. So, please do not steal it. By the way, enjoy reading guys^^