"Sasagutin ko na ba, Ken?", tanong sa'kin ni Krisha habang nakatutok pa rin siya sa cellphone niya.
"Ikaw bahala, ano ba kasi 'yan?", nagtataka na'ko, tanong ng tanong kasi tapos hindi naman sinasabi kung ano.
"RPW nga, Ken. Sasagutin ko ba?"
"Anong RPW 'yan?", baliw na ata 'to.
"Roleplay World, Ken. May nanliligaw sa'kin, ilang araw na. Tinatanong ako kung pwede ko na ba raw siya maging Boyfriend", pagpapaliwanag niya sa'kin.
"Ikaw bahala, pero pag ikaw na fall dyan-", pinutol niya yung sasabihin ko sana.
"Hindi 'yan saka laro lang 'to. Roleplay nga diba?", pagsisigurado niya sa'kin.
"Okay, ikaw na bahala, buhay mo 'yan. Pero baka masaktan ka lang", napabuga nalang ako ng hangin. Ke kulit na bata.
Sinagot niya nga 'yon. Napapansin ko nga na palagi siyang nakangiti dahil dun.
Nagdaan ang Ilang araw tuwing binibisita ko si Krisha sa bahay nila halos 'di na niya ako pinapansin na Bestfriend niya. Nakatutok lang siya palagi sa cellphone niya. Kung magsasalita man siya saglit niya lang bibitawan 'yon. Palagi na rin siyang nakangiti ngayon. Hindi tulad noon, kahit na umagang-umaga nakabusangot yung mukha. Bumalik na yung dating Krisha.
Isang buwan na ang lumipas. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakaniya. Hindi ko na siya nabibisita sa bahay nila kasi busy ako sa school. Marami akong ginagawa.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pauwi. Pinuntahan ko si Krisha sa silid nila pero wala siya kaya nauna akong umuwi.
"Ken!"
Nilingon ko yung tumawag ng pangalan ko. Si Krisha.
"Bakit?", tinitigan ko siya.
"Sabay tayo", ang weird. Ba't ang tamlay niya ngayon?
"May problema ba?", umiling siya.
"Pwede mo namang sabihin sa'kin kung meron", sabi ko sakaniya.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "K-Ken", nauutal niyang saad.
Inangat niya yung ulo niya para tingnan ako. "K-Ken s-sana nakinig nalang ako sayo", umiiyak siya habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
"S-Sana hindi ko nalang s-siya sinagot"
"Shhh, tahan na. Andito naman ako", niyakap ko rin siya at hinalikan sa noo.
"Sa susunod kasi 'wag ka nang maniwala sa mga ganun. It's RPW, Krisha. Lahat 'yon laro. Lahat 'yon hindi totoo, pati yung nararamdaman niya sayo. It's fake, fake feelings.", tumango siya at inayos ang mukha niya.
Hinalikan ko ulit siya sa noo at hinatid na pauwi sa bahay nila.
- - -
» sorry for the errors.
BINABASA MO ANG
Poems and One Shots
RandomPLAGIARISM IS A CRIME The poems and one shot stories came from my cute mind. I know that my poems and stories aren't that good enough. So, please do not steal it. By the way, enjoy reading guys^^