Nagising ako dahil sa malakas na tunog gawa ng aking telepono. Inabot ko yung telepono ko. Tinignan ko yung oras, mag aalas dos na pala ng umaga. Tinignan ko rin kung kanino galing yung napakadaming text na 'to, it's unknown. Baka nantitrip lang. Pinagpatuloy ko nalang ulit yung tulog ko.
[ Beep Beep! ]
Another annoying sound coming from my phone. Inabot ko ulit yung telepono ko.
From: Unknown Number
find me—Biglang tumayo yung mga balahibo sa kamay ko. Creepy. Sino namang tao ang mag tetext para lang hanapin siya ng ganto'ng oras. Hays, makatulog na nga ulit.
[ Time skip ]
Kakauwi ko lang galing trabaho. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung anong oras na. It's already 12:15 am. Nag overtime kasi ako sa work, that's why I got home late.
Nag ayos na ako ng sarili saka nagluto ng makakain. Sa kalagitnaan ng aking pagluluto tumunog yung telepono ko. Tinakpan ko muna yung niluluto ko saka pumunta sa kwarto ko.
Habang naglalakad ako ay tunog ng tunog pa rin yung telepono ko. Nang nasa kwarto ko na ako ay agad ko namang kinuha ang telepono ko. Ni mute ko muna saka tinignan ko saan galing ang mga text na 'yon.
From: Unknown Number
find me—Binasa ko yung isang text galing sa unknown number. Katulad lang din 'yon ng text niya sa'kin kaninang madaling araw, saka may 32 unread messages pa na parehas lang din naman ang mga sinasabi.
Nilagay ko sa study table yung telepono ko saka naglakad papunta sa pinto. Bigla ulit umilaw ang telepono ko. Kinuha ko ulit ito sa study table. May text ulit galing sa unknown number.
From: Unknown Number
I'm under your bed—Dahil dun kinabahan ako, saka ko naalala na sa ilalim ng kama ko nilagay yung katawan ng girlfriend ko.
— — —
» sorry for the errors.
BINABASA MO ANG
Poems and One Shots
RandomPLAGIARISM IS A CRIME The poems and one shot stories came from my cute mind. I know that my poems and stories aren't that good enough. So, please do not steal it. By the way, enjoy reading guys^^