22

31.1K 740 40
                                    


ANG stable boy ay nagulat pa nang makasalubong si Zandro na sadya silang hinahanap. Mabilis nitong hinatak ang renda upang huminto ang kabayo.

"Saan ka pupunta? Nasaan ang pinababantayan ko sa iyo?" Si Zandro na nagsasalubong ang mga kilay.

"Eh, S-senyor...k-kasi ho'y..." nauutal nitong hindi malaman ang sasabihin. Lumingon sa pinanggalingang gubat.

"Ano'ng kasi!" singhal ni Zandro na nairita. "Nasaan ang pinasusundan ko sa iyo? Nasaan si Jennifer?" Gumuhit na ang galit sa anyo ng binata na lalong nagpamutla sa mukha ng binatilyo.

Muli nitong nilingon ang pinanggalingan. "N-nasa b-batis po, senyor, at... at... ma-maliligo yata..."

"Maliligo!" Lalong nagdikit ang mga kilay ni Zandro. "Bakit mo ini... hindi bale na, umuwi ka na!" marahas nitong utos.

Sa nerbiyos ay hinapit ng latigo ng boy ang kabayo na kung sa ibang pagkakataon ay mapapagalitan ni Zandro at malamang na maalis sa trabaho. Hindi nito gustong ginagamitan ng latigo ang mga kabayo.

Pinatakbo ng binata si Firewind patungo sa batis. So, she has found his hideaway, huh! This witch of a woman had invaded his privacy to the hilt.

Si Jenny na naglalaro sa tubig at sumisisid sa ilalim na tila isda ay nagulat pa nang sa paglitaw niya'y nasa pampang si Zandro at nasa ibabaw pa rin ng malaking stallion. Naggagalawan ang muscles sa bagang sa galit sa kanya.

"Oh, hi!" kaswal niyang bati. Inalis sa mukha ang basang buhok and treaded on water. "Kanina ka pa ba diyan? Pinanood mo ba ang striptease ko? Did you find it very seductive?" Nakangiti pero nanunuya ang tinig niya.

"To tell you the truth, I don't know what to do with you at this moment!" Nagtagis ang mga ngipin nito sa pagpipigil na huwag talunin sa tubig ang dalaga at iahon and shake her to her senses. 


"Alam mong may tao akong pinasusubaybay sa iyo pero nagawa mong maghubad! Wala ka ba talagang..."

"I never asked to have a hidden chaperon, Zandro," mabilis niyang agap. "...na tila ako isang espiya sa isang crime movie. Ikaw ang may gusto niyon. Gusto kong maligo, ano ang gagawin ko?" she said in mock innocence.

"Sinadya mo!" hiyaw nito na nag-echo sa buong gubat. "Paano kung ang inutusan kong subaybayan ka ay hindi ang binatilyong iyon? Paano kung pinag-interesan ka ng isa sa mga tauhan ko sa kalokohan mo?" Nag-aalab ang mga mata nito sa galit. Sinadya ni Jenny ang maghubad sa paningin ng stable boy.

"Dalhin mo sa konsensiya mo kung ano man ang mangyari sa akin!" galit ding sagot ng dalaga.

"And are you that stupid to court danger because you want to rebel against me!"

"Kung sino man iyong magkamaling lumapit sa akin, then I would probably kill him dahil mabubunton sa kanya ang galit ko sa iyo!"

"Huwag mong ipagmalaki ang kakayahan mo, Jennifer! It never worked on me!"

"Oh, yes! Only because..." bigla siyang huminto sa pagsigaw. Hindi niya maituloy ang sinasabi.

Hindi niya aamining hindi niya maintindihan kung bakit walang silbi ang nalalaman niyang self-defense sa lalaking ito. When in truth, her knowledge of the martial arts could kill any man in one single move if she so desired. Na ang dahilan kaya hindi niya magamit nang lubusan ay may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing madidikit ang katawan niya rito. That her bones are melting like ice cream under the sun everytime he's close.

Tulad ngayon, bagaman malayo sa kanya si Zandro at nagagalit siya rito ay nag-iinit ang pakiramdam niya just by watching him. The stallion complemented his rider. Both man and beast are amazingly beautiful. Spanish mestizo ang features ng binata with dark skin.

Kristine 10 - Wild Heart (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon