PROLOGUE

10 0 0
                                    

UNO

It was dark, and cold, and silent, and I don't know which one of the three stood out the most. Hanggang tuhod ko na ang tubig dagat. Ang lamig-lamig, nanginginig na yung buong katawan ko pero hindi ako makaalis. I can't move. Biglang lumakas ang hangin at umingay yung hampas ng alon sa dagat. Palakas ng palakas, pero hindi ako ginagalaw sa kung saan ako nakatayo. Mas lumakas pa ang tunog ng mga alon, at nangiginig pa rin sa lamig ang katawan ko.

"Why am I here?" nagtatakang bulong ko sa sarili ko habang pilit pinapakilos ang katawan ko. My feet are still stuck on the sand. Sinusubukan kong pumiglas nang may makita akong isang babae na nakapwesto rin sa gitna ng dagat.

"Miss!" sumigaw ako para makuha ang kanyang atensyon. Mukhang hindi niya ko narinig at hindi ako pinansin. Dahan-dahan siyang naglakad nang mas palapit sa dagat. Tinutulak papalapit at hinihila papalayo ng malakas na alon ang kanyang katawan. "Miss! Stop! Baka matangay ka!" ilang beses akong sumigaw para matawag ang kanyang atensyon at pabalikin siya pero patuloy pa rin ang pag-usog niya papunta sa malalim.

Mas lalo akong nagpumilit pumiglas para habulin siya, ngunit hindi pa rin ako makagalaw. Kahit anong subok kong lumapit sakanya, hindi ko magawa.

"Stop! Stop! Miss stop! Please!" desperado kong sigaw kahit alam kong hindi naman niya maririnig. Nakalubog na hanggang dibdib ang kanyang katawan habang mas tinatangay pa ng alon palalim.

"No no no, please! No! Stop!" patuloy akong nagwawala para pigilan siya habang pinipilit ang sarili kong habulin siya. Bigla siyang napalingon. Madalim ang paligid ngunit malinaw kong nakikita ang mukha niya. "No! Please don't. Please." pagmamakaawa ko sakanya. Patuloy siyang tumingin ng malalim sa akin habang sinusubukan kong pigilan siya. Malungkot niya kong tinignan habang umiiling. "I'm sorry." bulong niya bago ako talikuran at patuloy ang pag-usog sa dagat.

Pumalo ang isang malakas na alon at-


Tumunog ng malakas ang alarm sa aking cellphone para senyasan ang aking pagising bago ko ito i-off.

Putangina. What was that? Ayun na naman. Tumingin at nag-scroll ako sa aking phone bago ako bumangon sa kama. Isang missed call galing kay mommy, isang text galing kay Gio, ilang notifications galing sa kung sino-sino, at isang message galing kay +639276554***. Si Claire daw siya from last night, nag-t"thank you for the fun time". Chinarge ko muna ang phone ko bago ako dumiretso sa CR para maligo.

Naka-bathrobe na ko at nagpapatuyo ng buhok sa labas ng CR nang may mag-doorbell sa pinto. Tinignan ko ang intercom at nakitang may delivery boy na may dalang isang malaking box. Nagtataka akong lumapit papuntang pintuan at pinagbuksan ang lalaki sa labas.

"For Mr. Juan Anton Tuazon po?" masayang bati ni kuya.

"Yes po, it's me."

"Good morning sir! Pre-ordered cake delivery po for you. Papirma nalang ito sir." sambit ni kuya habang may iniabot na resibo at ballpen sa akin.

Nawala ang pagtataka ko at tumingin sa kalendaryo sa may kusina. June 30. Kaya pala. Ngayon pala 'yun. Kinuha ko ang resibong iniabot niya at pinirmahan ang mga kailangan.

"Sir, last pre-paid order niyo na po yan. Mag-pplace pa po ba kayo ng order for next year?" tanong niya habang inaabangan akong matapos pumirma. Napatigil ako saglit, at napaisip kung para saan pa. Iniabot ko sa kanya ang resibo at ballpen. "Hindi na." Hindi na talaga, tama na.

Binigyan ko ng tip ang delivery boy at pinasalamatan bago siya umalis. Iniwan ko sa table ang box ng cake bago tuluyang nagbihis at nagayos para sa trabaho. Nagsuot lang ako ng white button down, charcoal grey suit, at black leather shoes bago ayusin ang aking buhok. Sinuot ko na rin ang signature watch na regalo ni dad bago kunin ang aking bag at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang susi mula sa lalagyan sa may foyer nang makita ko uli ang box ng cake. Pinagisipan ko muna kung ano ang gagawin ko doon, nang hindi namalayang nilapag ko na pala muna ang gamit ko at lumapit sa kitchen counter para buksan ang cake nang may pagpigil. Red Velvet Cheesecake, of course. 

Hindi na ko nagulat sa laman ng box at sa flavor ng cake. Pang-limang taon na rin ito na nakatanggap ako nito. Matagal kong tinignan ang cake bago kinuha ang tatlong maliit na kandilang naka-tape sa karton. Nilagay ko ito sa gitna ng cake at sinindihan gamit ang lighter sa aking bulsa. Natawa na lamang ako kasi siguradong mukha akong tanga. It's not even my birthday. Matagal kong tinignan ang mga nakasinding kandila sa cake bago ito hipan.

Last na, huli na 'to tapos tama na.

Inilagay ko ang box ng cake sa ref bago kunin ang gamit ko at tuluyang umalis ng condo.

Fool Me TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon