Chapter 1

4 0 0
                                    




Warning: There are scenes related to suicide and depression, that may trigger the audience. Please read with caution, and reach out to institutions should you feel the need to do so.


EMMY

Inilagay ko ang baon kong maliliit na birthday candles sa taas ng slice ng cake.

Red Velvet Cheesecake. My favorite.

Ang swerte ko naman yata at nakahanap ako ng café na mayroong ganitong flavor. Tumingin muna ako sa paligid ng café at inilibot ang mata sa mga taong naroroon. Wala nang masyadong customer kasi lagpas lunch time na, at nagsitapos nang kumain ang ibang turista dito sa La Union. 

Maganda ang ambiance sa café na ito. Open ang space kaya maaliwalas at medyo mahangin. Very laidback and tropical ang theme na sakto para sa lugar sa tabing dagat. Inikot ko muna uli ang aking tingin para makasigurado na walang makakapansin sa akin. 

Mukha akong tanga, seriously. Para akong ewan na nagsisindi ng sariling cake in public, but oh well. Hahayaan ko na. Huli na naman 'to. Sana talaga huli na.

Ipinikit ko ang aking mga mata upang mag-isip ng wish. Ano nga ba? Ano pa bang pwede kong hingin? May mangyayari ba talaga? Sa ilang taon akong nag-wwish sa mga birthday candles, shooting stars, at nalaglag na pilkmata, parang wala namang natupad maski isa. 

Pinilit ko pang isipin kong ano ang pwede kong hilingin. Importante dapat to kasi huli na. Wala ng kasunod. Last na.

Blanko.  My mind is blank as fuck. Wala akong maisip. Wala. Parang wala na kong gusto. Wala na kong pangarap na gusto pang matupad. Iminulat ko na lang ang aking mga mata at hinipan ang kandila sa cake.

"Happy birthday Emmy." sambit ko sa sarili ko, bago tanggilin ang candles at kainin ang cake. Dumating ang isang waiter para iabot ang inorder ko na iced latté. Inilapag niya ang baso sa harapan ko at napansin ang cake at gamit na kandila.

"Nako, ma'am! birthday mo pala! Sana kami na po ang kumanta para sa inyo. Teka po tawagin ko mga kasama-" masayang bati ng waiter sa akin. Bigla akong nag-panic habang iniisip ang pwedeng mangyari. Ayaw na ayaw ko ng atensyon. Ewan ko ba, pero ayoko ng tinitignan ako ng mga tao habang nasa akin lang ang focus nila. Baka kung ano pang mapansin at sabihin nila sa akin. Samahan mo pa ng akwardness kapag kinakantahan ka. Sobrang weird kaya ng feeling kapag kinakantahan ka ng "happy birthday". Wala lang, nakatayo ka lang tapos mukhang kang tanga habang ang saya-saya nilang kumakanta. Kinilabutan ako sa pwedeng mangyari at biglang pinigilan si kuya.

"Hala kuya 'wag na po! Okay lang! Nung isang linggo pa po talaga, ngayon lang ako nagka-time magbakasyon at kumain ng cake!" pagpapalusot ko sa waiter. Mukhang hindi niya naman pinaniwalaan ang kasinungalingan ko, pero hindi niya na ito pinansin. Ngumiti nalang siya at binati ako ng happy birthday bago tuluyang umalis pabalik ng kitchen. 

Patuloy nalang akong kumain ng tahimik habang ineenjoy ang malamig na hangin galing sa dagat. Matapos kong kumain ay niligpit ko na ang gamit ko, at nag-iwan ng bayad at tip sa table bago tawagin ang waiter.

Minarapat kong maglakad papunta sa may dagat dala ang malaking woven rattan bag na may lamang mat, wallet, libro, phone, at sunnies para makatambay ako sa may beach. Tama lang naman ang dami ng tao dito Elyu ngayon. Karamihan ay mga bata at halos kasing-edaran ko na nagbabakasyon kasama ang mga barkada nila. 

Actually, matagal-tagal ko nang gustong pumunta rito. Parang tamang balance kasi siya ng chill at masaya. Parang pwede akong magpahinga pero pwede ring magpakasaya. Naiinggit nga ako kapag may nakikita akong school mates o mga kakilala na nagpupunta dito. Parang ang saya-saya nila base sa mga posts and IG stories nila. Ibang klase rin kasi ata yung bonding experience and night life dito e. 

Fool Me TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon