Chapter 1

144 3 1
                                    

Seulgi's P.O.V

"Seuuuuuul" Hindi ko sya pinansen.

"Pabooooo"

Nilingon ko sya habang nakasimangot. Hmph di naman ako tanga eh.

"Ano?" Pag walang kwenta lang talaga sasabihin nya ihahagis ko sakanya tong bote ng tubig ko.

Para kaseng tanga tong si joy

"Enge pa nga akong nova" Nagpapacute nitong sabe. Tsk kala mo matatalo nya ako sa kakyeotan? excuse me hindi mangyayare yun HAHAHHAHA. Since birth cute na ako.

Binigay ko na lang sakanya baka kase pag umiyak pa yan dito ako pa may kasalanan, Madame pa namang may galet saken dito.

Pag ito talaga kasama mo mamamayat ka eh. Ang patay gutom masyado, yung tipong kakabili mo palang nauna na nyang buksan.

pero kahit ganyan yan ang sarap nyan kasama. Bilib nga ako sakanya kase hanggang ngayon nasa tabi ko pa den sya at hindi nya ako iniiwan.

Nandyan sya lagi pag kailangan ko sya. Kahit anong sabihin ng iba di nya ako iniwan. Sya pa nga nagtatanggol saken eh. Kaya love ko yan.

Tinignan ko na lang sya habang kinakain yung PAGKAIN KO. Napailing na lang ako.

Nilibot ko yung tingin ko, Dame pa deng tao tsaka ang haba pa den ng pila sa bilihan ng pagkain. Cafeteria talaga.

Unang tingin mo palang halata nang marameng istudyanteng walang disiplina at respeto dito eh. Madalasan yung may malalakeng pangalan at mayayaman pa ang ganun.

Ang yayabang at ignorante. Akala mo kung sino sila eh kung makaasta sila may ari ng schoo. Palibhasa may mga kapet kaya matatapang.

Mga nagagawa nga naman ng pera oh. Ewan ko ba kung baket hanggang ngayon dito pa den ako nag aaral samantalang madami naman ibang paaralan ang mas maayos pa dito.

Si joy nga lang ang nakakausap ko dito sa school. Wala kaseng gustong madamay sa kamalasang dala ko. Mas matino ang ibang istudyante kesa sa mga istudyante dito.

Siguro kase ayaw ko iwan tong si joy? Tsaka sayang pera noh.

Hindi naman ako nerd eh? pero ang daming may trip pag tripan ako. Wala naman akong laban kase may mga pera sila.

Mas mabuti nang wag umimik sa mga may subong kutsarang ginto sa bibig.

Natitiis ko naman hanggang kaya ko.

Pag mahirap ba talaga iba ang trato? Lagi na lang titingala sa mga may kaya?

Mga pilipino nga naman oh.

Hindi ko naman kayang patulan kase pag pinatulan ko may masasabe nanaman sila, kesyo walang modo at respeto.

kung sarili muna kaya nila ang husgahan nila bago ang iba? edi sana naitatama pa ang mga mali.

"Lalim naman ng iniisip mo seul?" Napabalik ako ng tingin sakanya. woah ubos na agad yung bigay ko? kakaiba ka sooyoung.

Ngumiti lang ako sakanya at inaya na sya na bumalik sa classroom. Ilang minuto na lang den eh next subject na kaya kailangan na talaga namen bumalik.

Hayaan mo joy makakabawi den ako sa mga tulong na nagawa mo para saken, Hindi man ngayon pero pangako ko sayo matutupad yung mga naipangako ko sayo.

Hindi kita makakalimutan kase ikaw lang naglakas loob manatili sa tabi ko habang ang mundo tinatalikuran na ako.

𝐈𝐭 𝐡𝐮𝐫𝐭𝐬 𝐛𝐮𝐭 𝐈 𝐬𝐦𝐢𝐥𝐞┃𝓢𝓮𝓾𝓵𝓡𝓮𝓷𝓮°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon