Chapter 3

63 4 0
                                    

Joy's P.O.V

Parang alam ko na ang susunod na mangyayare ah. Kilala ko yang si irene tsk may binabalak yan kay seul.

Kung ano man ang balak nyang gawin sana naman hindi masama dahil ayoko na masaktan pa ang kaibigan ko. Bilang kaibigan nadadama ko den yung saket ng bawat iyak ni seul saaken.

Nahihirapan ako para sakanya, Buti nga nakakaya nya pa, Masyadong inosente si seulgi para sa mundong toh na puno ng mapang husgang mga tao.

Sya yung tipo ng tao na sa sobrang saya nya akala mo wala syang iniindang mga problema pero once na mag-isa na lang yan, iiyak nanaman nya yung saket na nararamdaman nya.

Wala naman syang ginagawang masama sa mga tao pero grabe sila kung maka saket eh, palibhasa 'di nila maramdaman yung nararamdaman ng kaibigan ko.

Yung tipong nasasaktan na sya pinipilit nya magpakatatag tapos ako pa dadamayan nya pag malungkot ako. Kaya nangako ako sa sarili kong 'di ako papayag na saktan pa sya ng iba.

Hindi ko sya iiwan.

Don't get me wrong, I'm not attracted to her romantically ah. She's just so pure to be this hurt.

Natutuwa ako pag nakikita ko syang may mga totoong ngiti.

"Woy joy iniisip mo nanaman crush mo ah hihi" Napatingin naman ako sakanya nang nagsalita sya.

Nginitian ko lang sya at umiling haha. Baliw ikaw iniisip ko.

"Alam mo seul, mabuti pa umuwi na lang tayo" Paano kase itong si itlog nagaya pang manood muna ng volleyball eh uwian na.

Sino ba kase pinapanood nito dito? ang boring naman eh.

Nanliit yung mga magaganda kong mata ng mahagip nito si irene. Ah so naglalaro din pala sya ah? hmmm mabuti pa nga ata talagang umuwi na kame.

inaya ko na syang umuwi kaso ang itlog na toh ayaw pa talaga tsk. Pag ikaw naano nanaman babatukan talaga kita. Char labeo.

"Wait lang joy saglet na lang talaga" Pag tapos nyang sabihin yan saken na may pa kamay kamay epek pa eh nanood na lang ulet.

akala mo talaga ma-

*Pak!!*

shet?!?!

"P*ta seulitlog ayos ka lang?!" Sinamaan ko ng tingin yung mga naglalaro. Mga deputa bulag ba sila!?!

Tsk wala talagang hihingi ng pasensya sakanila ah?! nakatama na nga sila eh. Nakita ko naman nagpipigil lang ng tawa yung iba. Wag sana kayo makahinga letche.

"Ano walang hihingi ng pasensya sainyo?!" Sigaw ko sa mga letcheng nakatingin lang samen. Mga bobo na bingi pa.

"Hoi kapre maka arte ka akala mo mamamatay yang kasama mo" Taena nito attitude to the max?!

"Hoi ka den Nuno sa punso wala kang alam!" Taray ko pabalik sakanya. Tsk paano na lang pag bumalik ang saket nito?! letche.

"Hindi ako nuno! Tsaka wala akong alam kase wala akong pake" Pag ako nanggigil bababain ko si irene na yan potaena.

"Joy wag mo na patulan, Tara na uwi na tayo" Nakayukong sabi ni seul habang hinihila yung laylayan ng uniform ko.

Inirapan ko na lang si irene at hinila na si seul palabas ng gym. Sabi ko na man na umuwi na kame eh.

Napatingin na lang ako kay seul na nasa likod ko. Alam kong masaket yung pagkaka-tama ng bola sa ulo nya, Ang lakas ng tunog rinig na rinig.

Ano ba talaga ang balak mo sa best friend ko bae joohyun?

Bumuntong hininga na lang ako at patuloy sa pag lalakad papuntang parking lot. Sabay kase kame ni seul nauwi dadaanan naman namen den bahay nila kaya naisipan kong sabay na lang sya saken.

baka maano pa sya sa daan kung maglalakad lang sya.

𝐈𝐭 𝐡𝐮𝐫𝐭𝐬 𝐛𝐮𝐭 𝐈 𝐬𝐦𝐢𝐥𝐞┃𝓢𝓮𝓾𝓵𝓡𝓮𝓷𝓮°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon