Chapter 7

55 2 3
                                    

Wendy's P.O.V

Pag balik ko sa upuan namen hindi ko na nakita si seul kung saan iniwan ko sya.

Saan naman kaya nag punta yun? Kanina kase may eksena atang naganap dito sa cafeteria eh ako wala naman akong balak makichismis.

Narinig ko naman bulong bulongan ng ibang istudyante sa paligid. Halatang chismosa't chismoso.

"Kawawa naman si seul"
"Buti lang sakanya yun noh"
"Oi pero ang yummy ng abs ah"
"Oo nga ghorl kita mo den?"
"Syempre gaga"

Ahhh si seul pala pinaguusapan nila-- Wait ano?! Depungal?!

"Huh? Ano nangyare kay seul?!?" Medyo napasigaw kong tanong sa babae at mga kasama nya. Aish dapat hindi ko na hinayaan si seul mag isa.

"Ah kase kanina binuhusan sya ni irene ng juice tapos hinila na den sya, dun sila papunta" Tumakbo na ako papunta kung saang dereksyon tinuro ni ate. Hinayaan ko na lang pagkain namin dun.

Saan sila nagpunta?? Sa room?? Isip wendy. Mag isip ka kung saan nya pwedeng dalin si seul. Cr?!? Argh powtek kailangan ko bilisan.

Pagka-dating ko dun pumasok agad ako sa loob at tinanong kung si seul ba ang nasa mga cubicle.

"Wentot? huhu" Narinig kong umiiyak na tawag saken ni seulgi. Shet.

Binuksan naman nya ang cubicle at naawa ako sa nakita ko. F*ck irene ano ginawa mo sa kaibigan ko?!

Ayos naman nya yung suot nya. Mukhang bago, pero yung itsura nya par.

Sinabi ko sakanyang mag ayos muna sya at wag na umiyak. Haysss.

Nung okey na itsura nya lumabas na kame ng Cr at sa kamalas malasan nga naman oh.

"Ahm hey Seulgi" Malamig kong tinignan si irene sa mga mata nya at inilayo si seul sakanya.

"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Titignan ko lang naman sana kung ayos lang sya, Pero mukhang ayos lang sya kaya sige bye" tsk akala mo talaga.

Napailing na lang ako sa inasta nya. Peke. Humingi ako ng tawad kay seul na dapat 'di ko na sya iniwan mag-isa dun.

"Okey lang wentot, 'Di mo naman kasalanan" Nakangiti nyang sabi saken. Alam kong nasasaktan pa din sya sa nangyare.

I'm sorry seulgi...


𝐈𝐭 𝐡𝐮𝐫𝐭𝐬 𝐛𝐮𝐭 𝐈 𝐬𝐦𝐢𝐥𝐞┃𝓢𝓮𝓾𝓵𝓡𝓮𝓷𝓮°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon