Chapter 4

54 3 0
                                    


Seulgi's P.O.V

"Jusko apo anong nangyare sayo? Aba baket may pasa ka nanaman anak ginoo" Nag aalalang sabi ni lola pagpasok ko sa bahay. Ito ang ayoko yung sobrang nag aalala saaken si loley.

"Ah wag nyo na po ako intindihin loley ayos lang po ako" Nakangiti kong sabi para gumaan ang loob nya. Baka sya pa ang mapaano eh.

"Ah loley nga pala, Uminom na po ba kayong gamot nyo?" Pahabol kong tanong para malimutan na nya yung sugat ko.

"Apo tapos na kaya huwag ka nang mag alala sa sakin pa" Nakangiting tungun ni loley saken kaya napangti na den ako. Kahit anong sama saken ng mundo nagpapasalamat pa den ako na nabiyayaan nila ako ng mabaet na lola.

"Tara at gagamutin ko muna yang sugat sa noo mo, Ikaw bata ka talaga magiingat ka na sa susunod ah? Ano bang nangyare jan?" Hinila na ako ni loley papuntang sala namen. Swerte talaga ako sakanya kahit wala na akong mga magulang nandito pa den naman saaken si loley. Hinding-hindi ko sya papabayaan.

"Ah wala lang po loley nauntog lang hehe" Umupo na ako sa sofa habang si loley kinakal-kal yung first aid kit para ata hanapin yung band-aid.

Nung nahanap na nya nilagyan na muna nya ng betadine, Bawal lagyan ng alcohol kase masaket :<

Nagulat ako nung hawakan ni loley yung bote ng alcohol.

"Loley wag" Nakasimangot kong sabe. ayaaaaaaaw masaket.

Tinawanan lang ako ni loley at nilagyan na ng band-aid na may cotton balls.

"Sa susunod kase apo mag iingat ka na para 'di ka na masasaktan" Tumango na lang ako kay loley at nginitian sya. Ang sweet ng loley ko hihi.

"Maraming salamat loley ang swerte swerte ko talaga sainyo" Nakangiting niyakap ko sya.

"Hayaan nyo loley pag nagka trabaho na ako at nakapag ipon bibilan ko kayo ng mansyon tsaka madaming maids at guards para madami kayong bantay" Malawak ang mga ngiting nakaguhit sa mga labi ko habang nangangarap. Sana pag dumating ang mga oras na yun nasa tabi ko pa den si loley.

Nagusap muna kame sandale sa sala tsaka ko namen na pag pasyahan na magpahinga sa kanya kanya nameng kwarto. Hindi naman kalakihan ang bahay namen pero sakto lang saaming dalawa ito.

Kung iisipin ang malas malas kong tao dahil sa mga naranasan ko pero bumawi naman ako ng swerte ng nandito pa den sa tabi ko si loley. Ayoko syang mawala dahil sya na lang ang natitirang kamag-anak ko at mahal na mahal ko si loley.

Naiiyak na lang ako kapag naaalala ko ang mga magulang ko. Sobrang namimiss ko na sila pero syempre hindi ko kakalimutan na maging matatag dahil may mga tao pa ding umaalalay at nagmamahal sakin ng tunay.

Kakayanin naten itong lahat loley please antayin mo lang ako.

-----

"Good Morning loley" Nakangiting bati ko sakanya at humalik sa pisngi nya. Nginitian naman ako ni loley.

"Magandang umaga din sa iyo apo, Osya kumain na tayo baka malate ka pa sa klase mo" Habang kumakain kame eh naguusap naman kame ng onti lang kase nasa harap kame ng hapag kainan. Oi nag dasal kame bago kumain ah.

Nagpaalam na ako kay loley na papasok na ako ng school kase nandyan na sila joy sa labas eh baka naiinip na yun.

"Mag ingat ka apo ah" Paalala saken ni loley habang nakatayo pa den sya sa pinto namen nakatingi lang samen. Nag flying kiss naman ako kay loley

"Kayo den loleeeyyy ingat labeo!" Sigaw ko

"Babye na po lola luzifina" Kaway ni joy kay loley.

Umandar na ang sasakyan nila joy at tuluyan ng nawala sa paningin ko si loley. Masaya nanaman akong papasok sa skwelahan hihi.

"Angas mo tignan dyan seul HAHAHAH" Asar ni joy saken habag naka tingin sa noo kong may band-aid.

Sinimangutan ko lang sya, Ang aga naman nito mang asar hmph.

"Cute pa den naman ako diba?" nakasimangot kong tanong sakanya.

"Pacute ka pa dyan, Aga mo mag-sinungaling gaga" Seryosong naka tingin saken si joy.

Huh? 'di naman ako nagpapa-cute eh? natural na toh noh hindi ako sinungaleng.

Nandito na pala kame sa parking lot ng school. Ang bilis ah.

Lumabas na kame ng sasakyan nila joy tsaka dumiretcho sa hallway kung saan pinagtitinginan nanaman AKO ng mga istudyante. Oo ako lang hays.

Ewan ko kung ano nanaman ba ang issue nila saken or balak gawin ihahanda ko na lang sarili ko. Halos araw araw ba naman nila ako pag tripan nasanay na din ako.

"Yah Pabo!" Sigaw ng isang babae??

Dere-deretcho lang kame ng lakad ni joy. Pachill lang lakad ni hakdog ah good mood na sya?

"Hoi!" Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Ako nanaman?

"Hmm?" Nakayuko kung tanong. Ayoko mapahiya :<

"Tara na seulitlog" Hila saken ni joy.

Hinawakan naman ng isang babae yung isa pang kamay ko. Aray matatanggalan ako ng dalawang braso.

So bali yung kamay ko hila hila ni joy habang yung isa ko namang kamay hawak hawak naman ni miss.

Ano ba ginagawa nila?

Napatingin naman ako kay joy at sinenyasan syang nasasaktan ako.

Binitawan naman nya yung kamay ko at nilagay nya ako sa likuran nya. Baket ba ayaw binatawan nito yung kamay ko? Tsaka sino ba sya?

"Ano ba nano? male-late kame dahil sayo eh tsk" Kinukuha ni joy yung kamay kong hawak nung tinawag nyang nano HAHAHHA.

"Tse 'di ikaw ang kailangan ko kapre. Yang kasama mo" Sabi pa nito tsaka napatingin saken. Ang ganda nya.

"Baket ba? bitawan mo nga sya kung hindi ibabalik kita sa punso" Muntik na ako matawa sa sinabi ni joy hihi, Pero mukhang hindi natuwa yung babae. Yari.

Ngumisi naman si miss ganda at binitawan yung kamay ko. Ahhh ansaket din nun ah.

"Kilalanin mo kinakalaban mo Park Soo Young" Nagtitigan sila ni joy na parang ano mang oras lalapain na nila isa't-isa- ang baboy pakinggan ahm ano na lang, Magsusuntokan na sila.

"I know you Miss Bae Joo Hyun" Ngayon si joy naman ang nakangisi kay joohyun? Wait- Bae?!

Ka ano-ano nya yung may ari ng school?

"Ahm joy tara na late na tayo, Babye Miss JooHyun?" Pagkatapos ko magpaalam hinila ko na si joy papuntang classroom.

Baket? Ano kailangan nya saken? Baket ako Miss JooHyun?

-----

Ang haba ng chapter na toh kase sinisipag ako hihi

𝐈𝐭 𝐡𝐮𝐫𝐭𝐬 𝐛𝐮𝐭 𝐈 𝐬𝐦𝐢𝐥𝐞┃𝓢𝓮𝓾𝓵𝓡𝓮𝓷𝓮°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon