CHAPTER 8: It Hurts

22 3 0
                                    

Shane Gomez's POV

Sunday.....

Walang magawa sa bahay ng may biglang.....

*bzzz-bzzz*
Si Aldrin..

-------------------------
From: Aldrin Perez

Shane..punta tayo sa mall ngayon,sunduin na lang kita sa bahay niyo.
-------------------------
To:Aldrin Perez

Ah..eh bakit mo naisipang mag-punta sa mall??
-------------------------
From:Aldrin Perez

Wala lang....di na kasi tayo nakakapasyal at tsaka miss ko na ang katakawan ng besfriend ko..
-------------------------
To:Aldrin Perez

Wow ha!!...matakaw ba talaga ang tingin mo sakin..
-------------------------
From:Aldrin Perez

Tumigil ka na nga dyan...pupunta na ko dyan kaya mag-ayos ka na..
-------------------------
To:Aldrin Perez

Sige na nga..abangan na lang kita..

-------------------------

Biglaan yun ahh...

So..naghilamos ako at nagtooth brush..syempre naligo at nagbihis..

Bumaba na ako ng kwarto ko..

"Oh..san ang lakad mo ngayon nhak??" ani ni mama

"Baka makikipag-kita sa jowa niya!??" pang-aasar ni ate

"Hindi ah...pupunta lang daw po kami sa mall sabi ni Aldrin"

*beep-beep*

Yan na ata sila

"Tao po!.."

"Nhak..ayan na si Aldrin oh.."

Pinag-buksan ni mama si Aldrin..

"Goodmorning tita,goodmorning Shiela,and goodmorning Shane." bati niya

Sya nga pala..si Shiela ay ang ate ko..

Kumuha na ako ng isang pandesal at nagpaalam na kila mama..

"Sige na anak..mag-ingat kayo ha.."

Lumabas na kami ng bahay...at sumakay sa kotse nila Aldrin

Si Kuya Jacob ang nagda-drive..ang driver nila Aldrin at syang nanliligaw sa ate ko..

Tahimik kami ng ilang minuto ng binasag ni Aldrin ang katahimikan..

"Uhmm..Shane diba bestfriend mo si Erika?"

"Oo..bakit??

"Ang bait pala talaga niya.." sabi niya ng may ngiti sa labi

Wag mong sabihing may gusto ka kay Erika ha..masakit..

"Uhmm..Shane..may sasabihin ako sayo,may..."

"Andito na tayo!!" pambasag ni kuya Jacob

Di na natuloy ung sinabi ni Aldrin...baka may gusto siya sakin..ay timang ang assuming ko..o baka naman may gusto siya kay Erika...

Bahala na si Batman...hayssss

Bumaba na kami at pumasok sa mall..

Naglibot-libot kami..nag-kwentuhan at nag-tawanan..

Pumunta kami sa cake shop..

Hinanap ko yung favorite chocolate cake ko..yung single lang..

Ouch..SINGLE..

"Hayunnn!!" nakita ko na..kumuha ako ng 5 chocolate cakes..

Nagpunta na kami sa counter..

"Teka lang po...di ko mahanap yung wallet ko.."

Hayss, ngayun pa nawala ang wallet ko...

"Miss,eto na po ung bayad sa 5 chocolate cakes."

"Hala..wag na Aldrin nakakahiya naman...lagi mo nalang akong nililibre."

"Sus..maliit na bagay atsaka abutin pa tayo ng madaling araw sa kakahanap ng wallet mo." nakangiting sabi niya..

Nag-abala ka pa...pinapakilig mo ko eh..

"Salamat Aldrin ha..lagi ka nandyan..

Sana nga lagi kang nandyan..

"Wait lang Shane ha..magcr lang ako." pag-papaalam niya

"Oh..sige." sagot ko

"psst..miss,jowa mo yon??" tanong nung cashier

"Ay..hindi po miss,bestfriend ko po yun.."

Bakit?? mukha ba kaming mag-jowa..

"Ayy..sayang bagay pa naman kayo..mukha kasi kayong mag-jowa.."

"Talaga ba miss??" curios lang ako..HAHAHAHA

"Shane,tara na."

"Tara na."

Tumango ako at nginitian ang cashier..

Sana nga tayo na lang..

Naglakad na kami palabas ng cake shop at pauwi na kami gawa ng magga-gabi na..

"Uhmm..Shane,tanda mo yung kanina??..may sasabihin sana ako sayo.." sabi ni Aldrin

"Oo..ano nga ba yung gusto mong sabihin??" tanong ko sakanya

Ano kaya yun??

"Uhmm..Ah-eh..Shane,may...."

Gumuho ang mundo ko..bakit??..ang tagal kong umasa tapos yan lang sasabihin mo?? ay..oo nga pala...ako ung tanga dito,ako nga pala yung umaasa sakanya atska wala siyang alam na gusto ko siya..lintik na buhay toh..pwede bang sumuko nalang??

Aldrin..masakit,di mo lang ramdam..



I LET MY BESTFRIENDS (On Going)Where stories live. Discover now