Chapter 20: First meet with First love

30 0 1
                                    

Aldrin Perez's POV

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon ni Erika, at mukhang galit siya sa'kin.

Napagtanto ko na tama nga si Zach

Napaka-walang kwenta kong kaibigan..

Hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging mind set ko kanina.

Sorry Shane...

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan

"Erika.." tawag ko

"Bakit mo naman ginawa yon??" mabilis niyang tanong

Huminga siya ng malalim at tumingin na lamang sa kanyang harapan

"Bakit ako ang inuna mo? Wala akong kailangan, si Shane. Si Shane ang may kailangan" nananatili parin sa unahan ang paningin Niya

Bumagsak lang ang balikat ko at nakaramdam ng lungkot.

"Pag may nangyaring masama kay Shane, hindi kita mapapatawad. Bestfriend mo yon at bestfriend ko din yon. Bestfriend natin si Shane!! Pero di ka manlang nag-alala!!"

Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil nakakaramdam ako ng hiya.

"Alam mo, hindi ka deserving maging bestfriend ni Shane eh. Sorry ha, pero wala kang kwenta"

Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya ang huling salita

Wala nga ako kwenta...

"May problema si Shane at inaasahan niyang IKAW! ang mag-cocomfort sa kanya. Ikaw Aldrin! Ikaw!" pasigaw niyang sabi

"Parang ako pa yung nagmukhang masama kanina eh, parang ako pa yung hadlang. Para ako pa yung sumisira sa pagkakaibigan niyo ni Shane!"

Sa hindi ko inaasahan ay biglang pumatak ang luha ko pababa sa aking mukha. Sobrang sakit ng mga narinig kong salita ngayon na deserve ko naman talaga. Kasi wala naman talaga akong kwenta.

"Erika, I'm sorry-" paghingi ko ng tawad kaso hindi ko iyon natapos nang bigla niyang buksan ang pinto ng kotse ko at akmang lalabas

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siyang lumabas. Pero nagpupumiglas siya, hindi ko siya hinayaang makawala.

"Erika.."

"Bibitawan mo ko o bibitawan mo ko??" galit niya pagpapapili

"Erika, please..."

"Sabi ko bitawan mo ko, kapag hindi mo pa ko binitawan. Hindi na kita ituturing na kaibigan, babalewalain nalang kita" nagtitimpi niyang sabi

Dahil sa sinabi niya ay binitawan ko na siya.

Tuluyan na siyang lumabas ng kotse at naglakad palayo. Naiwan akong mag-isa sa kotse habang sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari.

Ang tanga tanga mo Aldrin!! Lahat sila galit sayo kasi tanga ka!!

Napaiyak nalang ako mag-isa sa loob ng sasakyan. Hinampas ko ang manibela ng kotse ko at nagsisisigaw. Sa sobrang katangahan ko, pati bestfriend ko napabayaan ko. Dahil sakin, kasi nga walang kwenta ako.

Inistart ko na ang koste ko at nagsimulang paandarin ito. Lumuluha ako at tahimik na nagda-drive. May nakita akong bagong bar at di na ko nagdalawang isip na pumasok don. Pinark ko saglit ang kotse ko bago pumasok sa loob ng bar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I LET MY BESTFRIENDS (On Going)Where stories live. Discover now