Chapter two

135 1 0
                                    

MASAKIT ang ulo at namimigat na pakiramdam ang siyang nadarama ni Daniela ng magising kinaumagahan. Pasado alas diyes na ng umaga.
    Ang huling natatandaan niya ay ginigising siya nang tauhan ni Maddie dahil nasa mansiyon na ang kanilang sinasakyan.
    Hindi iyon ang kotseng kinalululanan niya noong isakay siya ni Maddie, wala na rin roon ang binata. Nang tanungin niya ang tauhan nito, sinabing may emergency meeting ang amo.
    Pumupungas na bumangon si Daniela sa sariling kama at wala sa sariling bumaba upang maghanap ng malamig na malamig na maiinum sa ref ng kusina. Hindi alintana ang sariling kaayusan na naka loose shirt na ang laylayan niyon ay umaabot lang sa puno ng pang ilalim na bikini ang suot. Wala rin siyang brassiere.
    Kampante naman kasi siyang ang mga kasambahay na babae lang ang kasama sa mansiyon. Ang daddy niya paniguradong nasa opisina na at ang mommy niya ay nasa restaurant na pinamamahalaan nito. Habang ang mga kapatid niyang mga nakatatandang lalaki ay may kanya-kanya ng  mga pamilya at tahanan.
    Nakaramdam ng kaginhawaan si Daniela ng masayaran ng malamig na tubig ang kanyang lalamunan. Pakiramdam niya ay nabubuhayan siyang muli buhat sa binibiyak na ulong hang-over. Hindi na niya uulitin pa ang ginawang pag-inum kasama ang dalawang bruha niyang kaibigan. Minalas pa siya at si Maddie ang siyang nabungaran sa pustahang naganap. Naiiling na lamang siya sa katarantadahang nagawa at napapaisip kung naibalik na ba ni Jinxi ang belt nito.
    "Daniela!"
    Ang galit na tinig ng kanyang ama na siyang nagpatigil sa kanya buhat sa pagkakalagok sa basong nagpapawis mula sa malamig na tubig na isinalin.
    Ganon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng matanaw ang lalaking kasama ng ama.
    Iniisip pa lamang niya ito ay nasa harapan na niya ngayon! Si Maddie, buong buo ang mga matang nakatitig sa kanyang kabuonan na para bang nais matawa o mainis. Pero ang pinili nito ay ang matawa.
    Doon lamang niya napagtanto ang sariling kaayusan.
    "W-what the——ohh my God!" Hindi alintana kung malagpasan lang ang mga ito, ang mahalaga sa kanya ay ang makabalik sa sariling kwarto. Nabangga pa nga niya ang balikat nito sa mabilis na pagtakbo.
    "Shit!" Tuptop ang dibdib na hinihingal sa mabilis na pagtakbo ng mapasandal sa likod ng pintuan ng sariling silid. "What the fuck his doing in here!" Bulong niya sa sarili.
    "Aaaaaayyyyy!!!.." tili niya sa inis habang nagpa-padyak at nayayamot na ginulo ang sariling buhok. Sinipat ang sarili sa full length mirror at nanlulumong napalabi. Nagkalat sa ibabang gilid ng mga mata niya ang kulay itim na eye liner at maskara. Ang lisptick niya ay luminya sa pagkakabahid ng pahirin niya ng palad mula sa pagkakatulog. Nagsabog-sabog din ang buhok niyang wala sa tamang pagkakaayos. Sabayan pa ng kakapiranggot na telang suot niya. Nasisiguro niyang kokota sa pang-aasar sa kanya ngayon ang lalaki.
   
   
    Nang katukin si Daniela ng kasambahay sa sariling silid ay tapos na siyang maligo at mag-ayos ng sarili. Ipinatatawag siya ng kanyang daddy at nag-aantay ito na harapin sila.
    Kaya naman naabutan na niyang nagkakape ang ama kasama si Maddie sa veranda ng hardin.
    Pinandilatan pa niya ng mata ang binata ng ngumiti ito sa kanyang pagdating. Ang ngiti nitong laging nakahanda para asarin siya.
    "Willem is here, Daniela." Tukoy nito sa binatang gustong batiin niya. Walang bago, laging gusto ng ama ang kapormalan ng lalaking kaharap nito.
    A prominent business tycoon and mayor. Nag-iisang anak ng Tita Maru at tito Wenjie niya. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman todo suporta ang mga ito sa isa't isa, kahit pa sa mga anak ng bawat isa.
    "Hello, kuya Maddie." Ang pilit na ngiting pinakawalan niya.
    Naiisip niyang kaya naririto ang lalaki ay upang magsumbong sa nangyari kagabi. Gustong gusto nitong lagi siyang pinapagalitan ng ama at ginigipit.
    "Hi yourself, Ela." Sumimsim ito ng kape sa tasa.
    Inukupa niya ang silya sa pagitan ng dalawang lalaki.
    "Nagkita daw kayo ni Willem kagabi, Daniela?"
    Hindi siya nagkamali, nakapagsumbong na nga ito. "And he asking his limited edition belt?"
    Napahinto sa gagawing pagsalin ng pagkain si Daniela sa kanyang pinggan at napadako ang tingin sa nakangiting si Willem. Kung wala lamang roon ang daddy niya baka sinabunutan na niya ang nakalugay nitong mahabang buhok. Ang sakit para sa mga mata niyang may magandang mahabang hibla ito ng buhok na samantalang siya na babae ay hindi man lamang pinagpala na makapagpahaba ng gaya ng haba ng buhok nito. Papaano kasi naiinip siya sa pagpapahaba ng buhok. At kapag naiisipang pumunta sa parlor pinagugupitan niya iyon.
    "Paano na punta sayo ang belt ni Willem?" Ang tanong pa ng ama.
    Pero wala naman sa kanya ang belt nito at naiwan sa dalawa niyang kaibigan.
    "She's on troubled with her pants, Tito.  Natanggal ang botones and glad we meet in the restaurant. Kaya pinahiram ko sa kanya ang belt ko." Sabat nito.
    "I see." Ani Darel.
    Kailangan niyang makontak si Jinxi para maibalik na sa lalaking ito ang kanyang sinturon.
    "S'ya nga pala Daniela, hindi ba ang pamilya ng boyfriend mong si Nikko ang may-ari ng Silva builders construction resources?"
    "Yes, dad." Tugon niya sa pagitan ng pag-nguya ng pagkain.
    "Sila ang may hawak ng project para sa pinagagawang relocation ni Papa, tito Darel." Wika ni Willem.
    "Well it's good to hear that." Ang nakangiting tugon ni Darel.
    "Not as well tito." Sandaling sumulyap ito sa kanya bago seryosong bumaling sa ama. "May leak of issue kasi na nakarating kay Papa na may nagaganap na sabotage sa mga equipment and founds ng project."
    "Hindi ba dapat pa imbistigahan ninyo muna?" Ang siya namang  pagsabat niya sa hindi nagustuhang pagbibintang nito patungkol sa side ng kanyang nobyo.
    "Were on process, Ela." Tugon nito at tumayo na. "Siya nga pala, bakante ang posisyon ng sekretarya ko. Gusto mo bang mag-apply?"
    "No, thanks." Tumaas ang sulok ng labi niya.
    Bakit naman siya mag-aapply bilang sekretarya nito? Para lang gawin siyang punching bag sa pang-aasar.
    "Hindi nga ba ay dapat?" Pag sang-ayon naman ni Darel dito. "Tutal ay ayaw mo namang magtrabaho sa kompanya ko? Sayang lang ang tinapos mo'ng business management."
    Pinatirik niya ang mga mata para sa ama. Hindi niya gugustuhing magtrabaho malapit sa mga mata ng amang nakabantay lagi sa kanya. Hindi niya magagawa ang mga gusto niya ng may kalayaan.
    "Remember, one month na cut ang allowance mo, pati na rin ang kotse mo ay confiscated ko."
    Napasinghap siya ng maalala ang bagong kotse. Hindi pa siya nagsasawa gamitin iyon, at nag eenjoy pa siya dalhin kung saan-saan ang sasakyan.
    "But if you accept the offer of Willem, baka kahit papaano yung kotse mo lang ang ibalik ko."
    Biglang nabuhayan ang kanyang dugo sa narinig, nagkasilip siya ng liwanag.
    "Kelan ba ako magsisimula?" Baling niya kay Maddie na salubong ang mga kilay, at siya ring nabura ng makita ang pagningning sa kanyang mga mata.
    "You can go with me now, para naman ma-i-details sayo ng assistant ko ang ilang trabaho." Sinipat nito ang suot na relo.
    "Then let's go." Mabilis siyang nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. "Dad, where's my key?" Lahad niya ng kamay.
    Naiiling na napangiti ang ama. "You can go to Willem's car, bukas ko na ipagagamit sayo ang hummer, ipa-pa car wash ko pa iyon."
    "And I can't take you out, with that dress." Ang tukoy ni Willem sa suot niyang maong short at t-shirt. "At least you can wear a semi-formal suits. Hindi magandang makita ng mga constituents ko na may kasama akong secretary na parang kung saan ko lang dinampot."
   
    ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Willem, habang sinusulyapan sa tinted na salaming dingding ang dalagang nakikipagkwentuhan sa linya ng cellphone nito.
    May trenta minutos na yata itong nakatayo sa labas ng kanyang opisina at masayang nalilibang sa kausap sa linya.
    Hindi niya gustong alukin ito sa trabaho, dahil alam na niyang iyon ang mangyayari, ano nga bang mapapala niya sa richkid na gaya nito?
    Kung hindi lang dahil sa ama nito na nais pabantayan ang anak para huwag mabuyo sa boyfriend nitong alam niyang may hindi magandang background. Bukod pa roon ang lihim na pagtutol ni Darel sa nobyo ng dalaga.
    Nang mapansin niyang tapos na ito sa pakikipag-usap at akmang pabalik na sa kanyang opisina ay saka niya ibinaling ang mga mata sa laptop sa kanyang mesa.
    "Kuya Maddie.."
    Hindi niya napigilan ang sariling mapangiwi sa narinig na paraan ng pagtawag nito sa kanya.
    Alam naman niyang mas matanda siya rito at nalalapit kay Harrem ang edad, pero naiilang siya sa tuwing tinatawag siya nitong kuya. Kailangan pa niya itong laging inisin para lang mawala ang terms na iyon. Ewan ba naman niya kung bakit ganoon nalamang ang tutol ng kalooban niya sa tuwing naririnig dito ang pang-unang ginagamit sa pangalan niya. Pero sa isang banda, eto lamang ang taong gumagamit sa kanya sa pangalawang pangalan.
    "Anong oras ba ang out mo?" Dugtong nito sa pag angat ng kanyang mukha at siyang pagtapat nito sa kanyang mesa.
    "It's depend on my schedule." Ang tipid niyang sagot at pakunwaring ibinalik ang atensiyon sa monitor ng laptop.
    "Gagabihin ba?"
    "Why are you asking?"
    Eto na naman ang mga labi nitong parating pinipilipit sa tuwing nagpa-pop-up ng nguso.
    "Babawi kasi si Nikko sa akin. We will having a dinner date."
    So, ang boyfriend nito ang siyang kausap sa linya ng ganoong kahabang oras.
    "Tapos mo na ba ang pinagagawa sayo ni Parsa?" Ang assistant niya ang tinutukoy sa huli.
    "Hindi pa, pero kaya naman niya iyon kahit hindi ko na siya tulungan."
    Ngayon niya napagtanto kung bakit ganoon ang reklamo ni Miguel sa tuwing kasama nito ang bunsong kapatid. No wonder to having a baby sitter. Kaya siguro hindi na siya binigyan ng Mama at Papa niya ng kapatid dahil ganito kahirap ang magpigil na masakal ang kapatid.
    Bigyan sana siya ng maykapal ng mahabang pasensiya para sa dalagang ito.
    "Nga pala Kuya Maddie, yung belt mo ihahatid nalang ni Jinxi sa mansiyon. Bukas dadalhin ko rito sayo pagpasok ko."
    To hell that belt!. Wala naman siyang pakialam kung makabalik pa iyon sa kanya o hindi. Ang tanging rason lang naman niya kaya siya pumunta sa mansiyon ng mga ito, upang tiyaking nakauwi ng ligtas ang dalaga at walang naging galos.
    Ang akma sana niyang pagtayo mula sa swivel na kinauupuan ay napigil ng matanaw mula sa salaming dingding ang taong patungo sa loob ng kanyang opisina.
    Ang katinuan ng kanyang isip biglang nabalutan ng pagkataranta. Saka napabaling ang tingin kay Daniela na abala sa paglalaro sa sariling makukulay na kuko nito.
    "Babe, I.." hindi na niya tinapos ang mga sasabihin para rito ng abutin kaagad ang mga kamay nito at walang pakundangan kung mahawi man ang mga kagamitan niya sa ibabaw ng mesa. Alam niyang may bahagi ng katawan nito ang siyang tumama sa kanto ng mesa, pero marahil sa pagkagulat hindi nito ininda.
    Sa kandungan kaagad niya  ibinagsak ang dalagang halatang nagulat at bago ito makakilos at makapagsalita. Mabilis pa sa kidlat na tinabingan niya ang bibig nito gamit ang kanyang mga labi.
   
    Ramdam ni Daniela ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib habang ang mga mata niya ay nanlalaki sa pagkakatitig sa binatang nakahinang ang labi sa kanya. Ang kaliwang kamay nito ay nakatuon sa kanyang baywang at mahigpit na nakapulupot habang ang kanang kamay naman ay nakasakop kaliwang pisngi niya upang alalayang maangkin ang kanyang labi.
    Ang katawan niya'y tila napaparalisa sa pagkakaupo sa kandungan nito. Ang mga mata nila ay tila nag-uusap sa pagkakatitig. Bago pa tuluyang maipikit ni Daniela ang mga mata sa masarap na dulot ng halik nito, at natatangay sa kalalimang pagkalunod, ay isang malakas na pagtili ang siyang bumulabog sa loob ng silid.
    Ang gagawin sana niyang pagkawala sa bisig ng binata ay lalong napahigpit sa pagkabig nito.
    "How dare you Willem!" Ang tumitiling sigaw ng babaeng nagpalinga sa kanya.
    Doon lamang niya napagtanto ang mga kagamitan sa mesa nito na wala sa ayos at ang ilan ay naglaglagan na sa carpet.
    "I'm sorry Jessica, I have a new girlfriend."
    Nakaawang ang bibig na napaangat siya ng mukha sa binatang nakatitig sa babaeng kapapasok lang.
    "You jerk!" Ang mangiyak ngiyak nitong saad at buong katawan siyang pinasadahan nito ng tingin. "Ipinagpalit mo ako sa isang babaeng mukhang tomboy!" Idinampot nito ang isang censored mouse na nakakalat sa sahig dulot marahil ng ginawang paghila sa kanya ni Maddie ay tumalsik iyon. Saka ibinato sa dereksiyon niya.
    Kung hindi lang naging maagap si Willem na salagin iyon, marahil sana sa mukha niya lalanding ang lumilipad na bagay. 'Ang bruhang yun! Nilait na ako, sasaktan pa ako!' Bulong niya sa sarili na biglang nagulat ng pangkuin siya nito paangat at ilapag paupo sa swivel chair nitong tinayuan. Madilim ang mukha na humakabang palapit sa babaing nagulat at binakasan ng takot sa nakitang awra ng binata.
    "I'll never intend myself to hurt a woman.." ani Willem na mariing hinawakan sa kanang braso ang babaing napipihan. "You can leave now!" Kaladkad itong inihatid ng binata palabas ng pinto ng silid at halos ibalya ng itulak palayo saka pabagsak na isinara ang babasaging pinto.
    Tikom ang bibig na nasundan niya ng tingin ang binatang papalapit at bago pa makalapit sa kanyang kinauupuan ay saglit na dinampot ang telepono ng intercom.
    "Bring me a first aid kit." Utos nito sa linya at saka ibinaba at bumaling sa kanya. Tumingkayad ng pagkakaupo sa harapan niya at akmang hahawakan sana ang binti niya. Kung hindi lang siya maagap na nakakilos para maiatras ang gulong ng swivel chair na kinauupuan para makaiwas.
    "You have a wound." Wika ni Willem.
    Pero ang pagkakakunot ng noo nito ang siyang nagpabahala sa kanya. Hindi siya sanay na nakikitang ganoon ang reaksiyon ng mukha nito nakakapanibago para sa kanya.
    "Let me check it!" Utos nito at muling sinubukang lumapit sa kanya. Pero pinili niyang umiwas at tumayo.
    "It's okay, hindi mo kailangang ma bothered." Pilit na ngiti ang pinakawalan niya na noon lamang na pansin ang maliit na tila hiwa sa kanyang tuhod.
    Natitiyak niyang nadali iyon sa kung saang bagay na matalim buhat sa ginawang paghila sa kanya ng binata, matawid lang ang pagitan na mesa kanina.
    "I'm sorry about that." Tumayo ito at sumadal sa gilid ng mesa habang sinusundan siya ng tingin sa pagkakalipat niya sa sofa set ng opisina nito.
    "She's one of your girlfriends, huh?" Ang pilit na pagbabalik niya sa kaswal na tinig, kahit ang totoo'y hindi pa siya nakakabawi sa naiwang bakas ng halik nito sa kanyang labi.
    "Not at all.." namulsa ito. "They always here to seduce me."
    Hindi niya napigilan paarkohin ang mga kilay.
    "So kaya pala nagre-resigned ang mga secretary mo, just because you were using their to prevent your flirtation."
    "Ohh.." ang nakangiting usal nito. "You were the first one." Sinalubong niya ang titig nitong laging ibinibigay sa kanya sa tuwing nagkikita sila. "And you are the one I've tasted a sweet kiss, Babe."
    Nagbabadya ang mga hakbang nito sa paglapit sa kanya. At nakakaramdam siya ng hindi magandang kasunod sa gagawin nito.
   

"So I'm into you.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon