Chapter Eight

92 1 0
                                    

WALANG HUMPAY sa pag-agos ang mga luha ni Daniela habang nasa labas ng OR ng ospital na pinagdalhan kay Maddie.
    "He will be alright hija," ang nag-aalala ring ina nito na si Maru. "I know my son is brave enough."
    "It's my fault tita." Paninisi niya sa sarili, "dapat ay nakinig ako sa kanya, hindi sana mangyayari ito ngayon."
    Naroroon ang limang magkakaibigan na halos sabay-sabay na napasugod. Habang isinasalaysay ng anak ni Lucas na si Lorenzo ang pangyayaring naganap sa pagkakabaril kay Maddie.
    "Ang mabuti pa ay ikuha mo ng isang silid dito sa ospital si Daniela, Harrem." Ang utos ni Darel sa anak. "She needs a rest, and proper check-up for somehow medication."
    "I'll stay here, dad!" Ang matigas niyang tutol.
    Gusto niyang matiyak ang kaligtasan ng binatang inooperahan sa loob ng operating room at sa paglabas ng doctor na siyang in charge dito na ibabalitang tagumpay ang pagsalba sa buhay ng binata.
    "You should listen to your dad, hija." Ang payo ni Kayrie sa anak. "Isa pa ay babalitaan ka naman namin kung anong magiging lagay ni Maddie."
    "Mom, I can't forgive myself if something happens to maddie." Ang lumuhang pahayag niya. Nais na niyang maghisterikal sa pag-aalala para dito.
    "I know how you feel, Daniela." Ang sambit ni Maru. "Babalitaan ka kaagad namin kapag natapos ang resulta ng operasyon."
    "Please, tita." Pagsang-ayon niya at nagpahinuhod sa pag-akbay ng nakatatandang kapatid upang maidala siya sa isa sa mga pribadong silid doon at matignan ang pansariling epekto ng natamong traumatikong nangyari.
    Kung hindi pa siya nilapatan ng suwerong pampatulog ay nungkang titigil siya sa pag-iyak.
    Tumagal ng halos limang oras ang isinagawang operasyon kay Maddie bago natapos. Out of danger na ang binata, ngunit na nanatili iyong unstable dahil kailangan nilang mag-antay ng twenty four hours kung magigising ito. Apat ang naging tama nito at ang isa ay malapit sa puso nito na nagkarng severe internal bleeding na siyang pinakadelikado sa naging operasyon. Ayon rin sa espesyalista nito, kung hindi magigising ang binata sa bente kwatrong oras na palugit, nasa pamilya ang disiyon kong ipagpapatuloy ang life support nito o puputulin na. Fifty fifty ang chances ng buhay ni Maddie.
    At iyon ang nagpalala sa pagdurusa ni Daniela.
    Nailipat na sa ICU (Intensive Care Unit) si Maddie, at hindi hinayaan ni Daniela ang sarili na iwan ito roon. Kailangan niyang manatili sa tabi nito para makita siya ng binata sa unang pagmulat ng mga mata nito. Hindi na siya umuwi pa ng mansiyon, sa ospital na iyon na siya nagmagdamag, ipinagdadala lamang siya ng mga kagamitang kailangan sa pansarili. Buo ang pasya niyang huwag umalis sa tabi ni Maddie. Gusto niyang sa paggising nito ay ipaaalam niyang pumapayag na siyang makasal rito. Nakahanda rin siyang manatili sa tabi nito habang buhay at mahalin ito ng buong puso.
    "Ohh please Maddie, open your eyes.." anas niya sa gumagaralgal na tinig may walong oras pa na natitira para sa ultimatum ng doktor. Pero binabalot na ang buong katawan niya ng takot sa walang pagbabago ng indikasyon ng katawan nito. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa, ngayon pa na napupuno ang kanyang isipan ng mga plano na makasama ang binata.
    Nanunuyo ang mga labi niya na hinahalik-halikan ang kamay ng binata habang marahang pinipisil iyon na para bang pinipilit na gisingin.
    "Wake up, handsome." Ang malamyos niyang saad pagkatapos ay tumayo buhat sa silyang kinauupuan at lumipat sa gilid ng kamang kinahihigaan nito. Buong pagsuyong hinaplos ang maputlang mukha ni Maddie habang nakakabit rito ang makinaryang nagsu-supply ng paghinga.
    Hindi na naman niya napigilan ang sarili na muling mapaiyak. Nahahabag siya sa pagkakaratay nito.
    Kung maari na siya na lamang ang nasa sitwasyon nito ay pipiliin niya.
    Nasa ganoong sitwasyon siya ng maramdam ang biglang pagkibot ng daliri nito, hawak ang palad ay ginagap niya iyon. Hanggang sa unti-unti niyang nakita ang pag-galaw ng mga mata nitong nakapikit.
    "Maddie!" Bulalas niya at napasulyap sa ina nitong noon ay naalimpungatan buhat sa sofang kinapapahingahan. "Tita, si Maddie!" May bakas na kagalakan sa kanyang tinig ng tinawag ang ginang. Mabilis iyong lumapit at magkasabay na nanlakihan ang mga mata nila ng tuluyang magmulat ang mga mata ng binata.
    "Tatawagin ko lang ang doktor, Daniela." Ang mabilis na paalam ni Maru.
    "Oh my God, you're finally awake, Maddie!"
    Nagsalubong ang mga mata nila, matagal na nakatitig bago muling nagbukas ang pinto ng silid at pumasok ang humahangos na nurse at doktor.
    "Lumabas muna kayo para matignan ni dok ang pasyente." Anang nurse na marahan siyang hinila paalis sa tabi ni Maddie.

"So I'm into you.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon