Chapter ten

179 5 1
                                    

Ang akma sanang pagkilos ni Maddie buhat sa mahigpit na pagkakayakap kay Daniela upang bumangon ay napigil nito.
    "Where are you going?" Anas nito sa hindi dumidilat na mga mata. Ang akala niya ay tulog na ito? Ngunit hindi pa pala, kapwa ba sila nagpapakiramdam?
    Walang sandali itong hindi nagsusumiksik sa kanyang bisig. Bawat pagkilos niya ay tila mahigpit itong nakabantay na para bang ano mang sandali ay maglalaho siya, at masarap ang dulot niyon sa pakiramdam niya.
    "You're cold.." tugon niya sa kabila ng panginginig ng hubad na katawan nito. Babangon sana siya upang i adjust ang temperatura ng aircon. Pero lalo lamang itong nagsusumiksik sa dibdib niya.
    "You're bodies giving me warmth." While twisting her lips.
    Tinutukso na naman siya ng labi nito.
    Hanggang kailan ba niya kayang tagalan ang damdaming nag-uumapaw para sa dalagang ito?
    "Maddie.."
    "Babe?"
    "You cut your hair, why?"
    "Nothing." Tugon niya, sa kaswal na paraan.
    "Nothing?" Napapantastikahang ulit nito kasabay ang pagdilat ng mga mata. "Ilang taon mo'ng iningatan ang buhok na iyon diba?"
    Naglabas siya ng isang ngiti para dito, paano ba niya sasabihin rito na kaya siya nagpahaba ng buhok ay dahil sa naalala na niya noon ang malaking paghanga nito kay Tom Cruise sa pelikulang 'Interview with a vampire.' Ilang ulit nitong paulit-ulit na kinukuwento sa harap ng pamilya ang napanood na pelikula, habang kinikilig.
    Kung sasabihin ba niya rito na ang unang pinagselosan niya ay ang pinaka-gwapong hollywood actor na si Tom Cruise ay hindi ba siya pagtatawanan nito?
    "It's makes me more handsome, perhaps." Dahilan niya, totoo naman. Minana niya ang magandang buhok sa inang si Maru. Saka ito mahigpit na ikinulong sa mga bisig. "Let's go to some nice place, Babe. Kahit sa hotel na lang tayo magpalipas ng umaga." Hinahaplos niya ang malamig na balat nito sa likod. "Ihahatid kita sa mansion afterward."
    Hindi ba ito nahihirapang pagkasyahin ang mga sarili nila sa opisinang iyon? Hindi niya pipiliing gawing hide out ang opisina niyang iyon kung hindi lang dahil sa may pagkakataon siyang makasama ang dalaga.
    "I know you can afford that, Maddie. But I prefer to stay here—here in your arms." Umiingos nitong sabi. "Kasalanan mo 'to, bakit kasi nandito ka nang hagilapin kita!"
    Ikinakunot noo niya iyon.
    "What do you mean by that?"
    She rolled her own eyes, knowing na may iritasyon sa tanong niya.
    "Hinanap kita sa villa ninyo, pero hindi ka pa raw nauwi. So I came to your municipality office, ang sabi ni Parsa wala ka. I have no other choice, nagbaka-sakali ako na naririto ka. And I saw your bodyguards in vip basement."
    "Ang then?" Naliliwaliw siya sa pagtataray nito.
    "I got here!"
    "You locked my door, Ela." Paalala niya rito, ilang babae na nga ba ang nagtangkang pumasok sa kanyang opisna at nagbalak na maakit siya sa tuwing ila-locked ng mga ito ang pinto ng silid. Pero nauuwi iyon sa pagtaboy niya, maliban lamang sa ginawa ni Daniela. "It's a trick to have a man."
    "And you take advantage."
    "Silly."
   
    Hinawakan ni Daniela ang mukha ni Maddie. Nakaunan ang kanyang ulo sa braso nito habang ang katawan niya at nakasiksik sa mainit nitong katawan.
    "Maddie.." anas niya sa nakapikit na binata.
    "Hmm.."
    "Let's talk about us."
    Tumiim ang mukha ni Maddie. Pagkatapos ay huminga nang malalim at muling lumambot ang mukha. "I will marry you as soon as we stepped out of this office.. that soon because I'm desperate. Even if I have to choke the words 'I do' out of your mouth. At wala kang sasabihing kontra  roon because I will not listen. At sa pagkakataong ito'y hindi ko hihingin ang pag-sang ayon mo. Kahit hindi ka pa pumayag na pakasal tayo'y ako pa rin ang masusunod. I'm marrying you come hell or high water."
    She was staring at him wide-eyed. Unable to grasp all the things he was saying. Her heart went over drive.
    "Pero ang sabi ng daddy, sinabi mo'ng hindi na matutuloy ang kasal natin?"
    "It's tricked you about tito Darel." Ang sabi nito na siya namang kinasalubong ng kanyang mga kilay. "I called him just to say na mare-remove ang date ng kasal natin, due to my recovery. At marami din'g nakabinbin na trabahong naka-pending dahil sa absences ko."
    Pinanlakihan lalo niya ito ng mga mata. Kung ganon ay pinagkaisahan pala siya ng mga ito.
    "You!" Bulalas niya.
    "Actually, I really shocked when Lonrenzo told that statement. I wondering to rode it. Baka sakaling sayo magmula ang pagtutol. But I failed, then you came here. Ang akala ko mawawalan na ako ng pag-asa." Hinawakan ni Maddie ang mukha niya. "My sun shines and sets on you, Daniela Lopez. I got scared when I soon realized na hindi na bilang kapatid ang pagtinging iniuukol ko sa iyo. Because I couldn't stay with you longer without wanting to touch you.. to kiss you.. to hold you in my arms. Totoong nagselos ako noong naabutan ko kayo ni Silva sa condo niya, nawalan ako ng kontrol sa sarili ko nang gabing iyon sa villa. Pero hindi ko pinagsisihan iyon, babe. I never once told  you that I'm sorry about it. It was the most wonderful moment of my life. I love you, Daniela. I can't imagine needing someone so much. Yet as the days passed by, I need you more and more——" nahinto ito sa sinasabi nang makita siyang ngumingiti.
    Ngiting unti-unting nauwi sa pagtawa sa iritasyon ni Maddie.
    "Damn it, Ela, what are you laughing at?"
    Hindi niya magawang mapigil ito, she couldn't help smiling.
    "Will you stop laughing!" Nagagalit nitong singhal. Naguguluhan sa inasal niya.
    Happiness radiated from her face as she raised her eyes to his. "Kailan mo nalamang mahal mo na pala ako? Ilang taon na ako?"
    "It doesn't matter when!" Galit pa rin nitong sabi. "For the life of me, I don't know why are you laughing. I have never imagined myself being laughed at when I declared my undying love to a woman."
    Lumapad ang ngiti niya at gusto niyang matawa uli kung hindi lang talaga ito tuluyang mapipikon.
    "Sa dinami-rami ng mga girlfriends mo, Maddie, you're such an idiot," her eyes sparkled. Nag uumapaw ang galak sa puso. Hindi makapaniwalang sa nakalipas na trahedyang kinasangkutan ay posible ang ganitong kaligayahan. "You've known me since a child, you've known me to have a crushes to you.. and because of my stupidness nabulagan ako kay Nikko, dahil siya ang kauna-unahan kong naging boyfriend."
    "I have taken care of you and patiently waited for you, I was still waiting to patiently wait for you, but the idea came to me. Isa pa kinukulit na ako nina papa at mama. Bilisan ko na raw at gusto na nilang makita ang magiging apo nila." Kumindat pa ang binata sa kanya.
    "Fools, aren't we?" She whispered lovingly. "I love you Maddie, and kiss me.. bayaran mong lahat ang sama ng loob ko sa nakalipas oras dahil sa date mo kanina! And I want it now!"
    Unti-unting, sumilay ang ngiti sa mga labi nito.. and then burst out laughing.
    "She's my cousin, Babe. My fathers side."
    "Oh!" Ungol niya ng hampasin ito sa braso.
    Wala nang maari pang hilingin ngayon si Daniela kung hindi ang magiging kaligayahan nila sa piling ng isa't-isa.
   
    Isang magandang ngiti ang naging palitan ni Darel at Wenjie sa harap ng altar kung saan ikinakasal ang kanilang mga anak, na si Willem Maddie Montevista at Daniela Lopez.
    Alam marahil ng dalawang magkaibigan na hindi sa kanilang samahan magtatapos ang lahat, dahil nadugtungan iyon ng kanilang mga anak na magbubuklod lalo sa samahan at tibay ng kanilang pamilya.
   

End

"So I'm into you.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon