Chapter six

115 1 0
                                    

ISANG mumunting halik ang ibinigay ni Willem kay Daniela sa labi habang nahihimbing ito sa pagtulog sa sofa. Kinumutan lamang niya ng suit coat ang kahubadan ng dalaga. Napagod marahil ito sa ginawa nilang mundo.
    Naiiling siya para sa sarili dahil sa nais pa sana niyang magpatuloy sa katawan nito, ngunit alam niyang nakaabot na ito sa limitasyon at kailangan ng sapat na pahinga. He would never tired about Daniela. Noon pa man hindi niya maikakaila sa sariling pinagpapantasyahan niya ang dalaga. Totoong maraming nagdaang babae sa kanyang buhay, pero kahit isa sa mga 'yon ay hindi niya pinag-interesang ikama man lang. Only his body knows were it belongs. At si Daniela lamang ang nakapagbibigay sa kanya ng ganong eratikong damdamin.
    Hindi lang alam ng dalaga kung anong kaligayahan ang naidulot nito sa kanya ng malaman niyang siya ang nakauna rito. Noon pa man ay gusto na niya itong suyuin at ligawan. Lamang nauunahan siya ng pagiging torpe, kaya naman nauuwi sa pang-aasar ang dapat sanang pagsuyo na gagawin. Na susupla kasi siya nito.
    At isiping palikero siya'y nababara na sa gagawing unang hakbang ng panliligaw. Hindi naman kaila sa kapatid nitong si Miguel ang damdamin niya para sa dalaga. Kung tutuusin tumutulong pa ito noon sa kanya kung paano makikita ang dalaga at makasama. Ilan rin sa manliligaw nito noon ang kanilang hinaharang ni Miguel, tigilan lang ang dalaga.
    Pero ng maging abala siya sa kampanyahan, saglit na nawala sa kanyang kaisipan si Daniela at itinuon ang pansin sa trabaho. Doon na lamang niya napagtanto na may nobyo na ito.
    Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan ng mapansing kumilos ang dalaga para tumagilid sa pagkakahiga. Lumilis ang jaket niyang itinabing rito at nahantad ang isang dibdib.
    "You're teasing me.." anas niya ng ayusin ang balot nito sa katawan.
    Nahihimbing pa rin ito na tila bata habang napapanguso. Marahil na nanaginip.
    "Nikko, please.." saad nito sa nakapikit na mga mata habang nag-aangat ng kamay na maagap niyang nahawakan.
    Napatiim bagang napahugot siya ng malalim na hininga. Kapag naalala niya ang lalaking iyon, hindi niya mapigilan ang sarili na pagpira-pirasuhin iyon habang pinapatay.
    Kung alam lang sana nito ang totoong pagkatao ng dating nobyo. Nasisiguro niyang mawawasak ang mundo nito sa unang pag-ibig, at ikadudurog ng puso niyang makita itong nasasaktan.
    Handa siyang magparaya kung nasisiguro niyang magiging maganda at maayos ang buhay nito sa piling ng lalaking iyon. Kahit pa ikabaon niya sa depresyon ang sarili, pero hindi siya papayag na sa ganong pamilya mapupunta si Daniela.
   
    Kung hindi pa nakaramdam ng panlalamig ang katawan ni Daniela ay nungkang magigising siyang namamaluktot sa sofa at halos ikalaglag pa niya iyon dahil sa makitid na espasyo.
    How was she wondering na nagkasya sila roon kanina ng kaniig?
    Tanging ingay lang ng bukas na aircon sa opisinang iyon ang kanyang naririnig. Wala roon si Maddie. Ngunit nakaagaw sa atensiyon niya ang bagong damit na nasa lamesita. Inihanda marahil nito ang pamalit niya.
    Napahugot siya ng isang malalim na buntong hininga. Iniwan lamang siya nito sa ganoong ayos, naiisip tuloy niya kung papaano na may ibang taong pumasok sa opisinang iyon at maabutan siya sa ganoong kaayusan.
    "That bastard!" Inis niyang sabi, at dinampot ang bestidang maayos na nakatiklop sa lamesita.
    Ang paborito niyang kulay kalimbahin. Nakatitiyak siyang sukat iyon sa katawan niya.
    Papaano ba nalalaman ni Maddie ang mga bagay na gusto niya?
    Hindi siya nagkamali ng sumukat sa hukab ng katawan niya ang bestidang umaabot sa lagpas tuhod niya ang haba ng laylayan. Sleeveless iyon kaya naman nahantad ang maputi at payat niyang braso.
    "Look fits you well." Anang bartonong tinig na nagmula sa pinto ng opisina.
    Si Maddie, nakangiti ang gwapong mukha nito habang tinititigan ang kanyang kabuonan.
    Nababasa niya sa anyo nito ang kakaibang titig.
    "Nasaan ang dati kong suot?" Tanong niya ng humakbang ito palapit sa kanya.
    "You don't need to wear it." Ani nito na yumakap mula sa kanyang likuran. Hinuli ng mga kamay nito ang kanyang palad at pinagsalikip ang kapwa mga daliri nila. "Mas maganda ka sa suot mo ngayon."
    Marahan siyang napapikit ng maramdaman ang mainit na labi nitong humahalik sa kanyang batok.
    "I booked to your favourite restaurant, let's have some dinner. Bago kita ihatid sa mansiyon." Inilapat nito ang baba sa kanyang balikat habang humihigpit ang mga kamay nitong nakapalibot sa baywang niya. Para itong kasintahan na naglalambing sa kanya. Pero hindi siya dapat mahulog sa karismang ibinibigay nito. Kailangan niyang manlaban bago muling malulong sa bisig nito at ipagkalulo ang sarili. Matutulad siya sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito. Sa oras na magsawa na ito, iiwanan siya sa sirkulong umiikot sa mundo nilang mayayaman. Pagkatapos ay ihahanap muli siya ng kanyang daddy ng bagong lalaking pakakasalan para sa ikalalago ng negosyo.
    "Puwede ba'ng ihatid mo na ako sa mansiyon, masama ang pakiramdam ko." Dahilan niya upang maiwasan ang mapanukso nitong pang-aakit. Hindi siya manhid, pero natutukso siyang muli sa pagkakadikit ng kanilang katawan, at bago pa siya tuluyang mahulog sa karisma nito? Kailangan na niyang dumistansiya.
    Kumilos ito upang iharap siya, nagsalubong ang kanilang mga mata. Kinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha bago siya nilapatan ng isang masuyong halik sa labi.
    "Kung ganon ay sa mansiyon ako maghahapunan, kasabay ka."
    Naipikit niya ng mariin ang mga mata. Hindi ba talaga siya tatantanan nito? Nakuha na nito ang mga gusto sa kanya. Wala na ba siyang kalayaan? Masyado na siyang nalulunod sa piling nito. Nagtataksil na ang kanyang puso sa mabilisang pagtibok niyon na tila talo pa niya ang aatakihin sa sakit sa puso.
    "Can you gave me space somehow?" Nakita niya kung papaano kumunot ang noo nito. "Nakuha mo na ang gusto mo, at makukulong ako sa piling mo oras na matuloy ang kasal na gusto mo, sinasakal mo na ako, Maddie."
    May nabanaag siyang lungkot sa mga mata nito na nagdaan bago napalitan ng isang ngiti.
    "Right." Bumitiw ito sa pagkakahapit sa kanyang katawan. Humakbang patungo sa executive table at dinampot ang intercom. "Ipahahatid kita sa driver ko at tauhan."
    Tumango siya, "yes please."
    Saglit nitong kinausap ang nasa linya, at sa pagbaba nito ng telepono ay siya namang pagkatok ng nasa kabilang pinto ang sumunod.
    Nang sinabi nito ang salitang 'come in,' ay saka iyon pumasok at kinausap upang bigyan ng instructions sa gagawing paghatid sa kanya.
    "Take care." Ang paalam ni Maddie sa kanya ng lapatan muli ng halik ang kanyang labi. Banayad at marahan ngunit pakiwari niya ay malamig na iyon kumpara sa naunang ginawad. "Tatawag ako sa mansiyon para alamin na naroroon ka."
    "You don't need that, sasabihin din sa iyo 'yon ng tauhan mo." Ang wika niya saka akmang tatatalikod, pero nahagip siya nitong muli sa baywang. At siniil ng halik sa labi.
    "I love you." Anas nito ng pakawalan ang kanyang labi.
    Gustong isipin ni Daniela na nabibingi lamang siya sa narinig, at nadadala ito sa kakaibang emosyon dahil sa nangyari kani-kanina lamang.
    Nang pakawalan siya nito ay isang tipid na ngiti lang ang kanyang pinakawalan bago tumalikod.
   
   
    MALALIM NA BUNTONG hininga ang pinakawalan ni Daniela habang lulan ng sasakyang pag-aari Maddie. Nakatanaw ang mata niya sa labas ng bintanang salamin, pero wala sa dinaraanang paligid ang kanyang atensiyon. Kung hindi sa paulit-ulit na pag echo ng salitang binitiwan sa kanya ni Maddie. Gusto niyang ipagkamaling na saad lamang iyon ng binata. Pero may bahagi ng kanyang pagkatao na nagsasabing totoo iyon.
    Ginugulo siya ng kaisipan habang nagdidikta ang kanyang puso sa pangalan nito.
    Nasa ganoon siyang pag-iisip ng mabulabog iyon ng pagtunog ng kanyang cellphone.
    Nasisiguro niyang si Maddie iyon, aalamin marahil ang lokasyon niya.
    Ngunit mali siya ng bumungad sa caller screen ang pangalan ni Nikko.
    Mabilis niyang sinagot iyon.
    "Oh Nikko, I've been calling you——."
    "Where are you, Love?" Ang putol nito sa hayag niya.
    "I'm on way to home, we need to talk personally. Ipakakasal ako ng daddy kay Maddie, you need to  do something that can escape me."
    "Yeah, your at Mr. Montevista car?"
    "Yes." Ang nagtatakang tugon niya. Papaanong nalaman nito ang kinalalagyan niya?
    "We're following you, just keep silent. Kasama mo ang tauhan niya."
    Napasulyap siyang bigla sa rearview mirror ng unahang sasakyan, at napansin kaagad niya ang pagsulyap ng dalawang tauhan ni Maddie sa unahan.
    "Listen carefully."
    "I'm on it." Sang-ayon niya.
    "We were going to block the car, lumabas ka kaagad paghinto ng sinasakyan mo."
    "Okay, copy."
    Nang putulin nito ang linya ay saka kinakabahang inilapat niya ang likod sa backrest ng upuan. Kailangan niyang paghandaan ang pagtakas. Sasama siya kay Nikko, magpapakalayo-layo sila.
    Handa siyang talakuran ang pamilya, para sa plano ng mga ito na ipakasal siya kay Maddie.
    Ang sumunod ay isang maingay na pagsadsad ng gulong sa preno ng sasakyan at bago pa siya tuluyang tumalsik, ay maagap na pagkapit sa unahang upuan ang kanyang ginawa upang huwag tumama ang katawan niya pahampas sa impact ng biglang pagtigil ng sinasakyan.
    May sasakyan mula sa likuran ang siyang nag overtake pagkatapos ay bumalandra ito sa daang tinatahak ng kanilang sinasakyan.
    Gaya ng sinabi ni Nikko mabilis niyang nahagip ang seradura ng sasakyan at mabilis na lumabas mula sa loob niyon. Nakasisilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mga mata, kasunod noon ang sunod-sunod pag-alingawngaw nang pagputok ng mga baril sa paligid.
    "Oh my God!" Hiyaw niya sa hintatakutang tinig.
    "Daniela!" Ang sigaw ni Nikko na palapit na sa kanyang tabi.
    "Let's get out of here!" Ang hintatakutang utos niya. Natatakot siyang mabaril ito ng mga bodyguards ni Maddie. Malinaw sa instructions nito kanina sa mga tauhanan ang bagay na iyon.
    "Get in my car," utos nito, at mula sa may bandang likudan ay napahugot ng isang forty five calibrated pistols.
    Nang subukan niya itong lingunin, nakita ng mga mata niya kung papaano pinaputukan ang tauhan ni Maddie na duguang humahabol sa kanya.
    "Nikko!" Hiyaw niya sa pagkagimbal.
    Bago pa nakakilos ang dalaga upang pigilan muli ang nobyo ay isang pagtakip sa kanyang ilong ng isang tela ang nagpahilo sa kanyang pang-amoy. Saka tuluyang nagdilim ang buong paligid.
   
    "Maddie!" Sigaw ng pumapalahaw na si Daniela habang pilit na hinahabol si Willem palabas ng malaking mansiyon ng Lopez.
    "Daniela, call him Kuya!" Ang utos ni Kayrie sa walong taong gulang na anak habang hinahabol ito sa paglapit sa noon ay pasakay na si Willem buhat sa kotseng sasakyan ng mga ito pauwi sa villa. Kada weekdays ay bumibisita ang mga ito sa mansiyon upang magkamustahan, kasama na rin ang barkadahan ng mga anak nila.
    "Go on, son." Utos ng inang si Maru sa anak. "She's really adores you."
    Napapakamot sa ulong sinalubong ni Willem si Daniela na nasa anim na taong gulang pa lamang, habang siya naman ay trese anyos.
    Kaagad itong nagpumilit na magpakarga sa kanya. Ipinulupot ang maliit na braso sa kanyang batok at ikinikiskis ang malambot na pisngi sa kanyang pisngi. Hindi lingid sa kanya na kinaguhiliwan siya ng bunsong Lopez.
    "Don't leave, Maddie." Ang humihikbing sabi nito.
    "We will back soon, little Ela." Pinapahid niya ang namumulang pisngi nito mula sa nabasang luha.
    "Then, why don't stay here? You can share to my bedroom."
    Pinigil niyang matawa sa sinaad nito.
    "Only married couples can share a bedroom, Babe."
    "How can we married couples?"
    Hindi niya napigilang mapasulyap sa ina nitong nakamasaid lang sa kanila upang humingi ng saklolo sa makulit na anak.
    "When you were in a right age, you will understand how, Daniela." Ani Kayrie na umaakmang aabutin ang anak ngunit matigas itong kumapit sa batok ni Willem upang huwag makuha.
    "Explain it, Maddie." Ang nakangusong utos nito sa kanya pagkatapos ay hinahaplos mumunting daliri nito ang kanyang mukha.
    "It is just like your mom and dad, their marry each other first."
    "Then you will marry me?" Ang inosenteng tanong nito na nagpatitig sa kanya sa maamong mukha. Ang mga labi nito ay namumulang nakausli, tila nang-aakit at naghahali na mahalikan. Kung wala lamang roon ang mga kasama ay baka ninakawan na niya ito ng halik kahit hindi naman dapat.
    Isang pagtikhim ang nagpalingon sa kanila ng bumungad ang ama nitong si Darel Lopez.
    "Mukhang hindi lang kami basta magiging magkaibigan ni Wenjie, Maru." Wika ni Darel.
    "Ikatutuwa ko kung ang mga anak natin ang magkakatuluyan." Sinabayan pa iyon ng pagtango-tango at pag-ngiti.
    "Sigurado ako'ng ganon din si Wilson." Ang pag sang-ayon ni Maru.
    "Wala akong tutol kung magkagustuhan sila." Si Kayrie na nagpaakbay sa asawang lumapit. "Kaya lamang, gusto ko ay maantay ni Willem sa tamang edad si Daniela."
    "Ang tita Kayrie, talaga." Ang nahihiyang sambit niya pagkatapos ay hinagod ang may kahabaang buhok ni Daniela. "Grow up fast, young lady."
    Inisang lagok lamang ni Maddie ang alak na laman ng kanyang baso, bago gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan. Nag sindi ng sigarilyong hinugot mula sa kaha at inumpisahang hithitin iyon. Kung maari lamang niya ibalik ang panahon noon na siya lamang ang nakikita ni Daniela, gagawin niya. Nagbago na ito ng mga gusto sa buhay, at hindi na niya maipipilit pa ang nakaraang nakalimutan nito dala ng pagkabata.
    "My little Ela, why I'm so into you?" Anas niya na agad napamulagat sa pagtunog ng kanyang cellphone na nasa ibabaw ng table. Kanina pa niya inaantay ang pagtawag ng kanyang tauhan, upang ibalitang ligtas na naihatid ang dalaga.
    Kaagad na dinampot iyon at sinagot ang caller sa linya. Unti-unting naggalawan ang muscles niya at sa isang iglap, nagkalat sa sahig ang piraso ng naibatong baso ng alak.
    "Fuck you, Silva. Siguraduhin mo'ng wala kang gagalawing masama kay Daniela, dahil ako mismo ang papatay sayo!" Naisuntok niya ang kamao sa ibabaw ng mesa. "Kahit ilang billion pa ang kailangan mo, ibibigay ko!"

"So I'm into you.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon