Chapter nine

129 3 0
                                    

"WHAT NOW?" Si Darel, may hawak na dalawang baso at isang bote ng scotch.
    Inilapag nito iyon sa mesa kung saan malapit sila sa pool at natatanaw ang nag-gagandang halaman sa paligid.
    "Kailangan mo ng karamay?" Sinalinan nito ang dalawang baso bago inilapag sa harap niya ang isang baso na may laman ng alak.
    "Maybe you need that." Sabi pa ng ama niya.
    Hindi siya manginginom, at talagang ayaw niya ng lasa ng alak, pero buhat yata ng bumalik si Kelly. Hindi na niya mapigilan ang tumikim niyon.
    "Alam kong mahirap maintindihan ang mga babae, Dad. Pero hindi ko akalaing masisira ang ulo ko sa babaing iyon. And Lord! I love her!"
    Inisang lagok lamang niya ang laman ng basong isinalin ng ama.
    "Baka naman talagang hindi niya kayang i-give up ang pagkakaibigan ninyo."
    "What do you mean?"
    "Well sa nakikita ko, mula sa pagkabata ninyo kayong dalawa lamang ang nagkakaintindahan at may sariling mundo. Hindi namin pinupuna iyon dahil nakikita naming masaya kayo pareho sa isa't-isa." Sumimsim si Darel ng alak sa sariling baso. "Hindi kaya may mali ka sa pakahulugan mo sa kanya ng pag-ibig?"
    Inis na hinablot ni Harrem ang bote ng scotch at halos mangalahati sa laman ng baso ang kanyang isinalin.
    "I don't know, dad." At dere-deretsong ininom. "Sa tuwing isinisiksik ko ang sarili ko sa kanya, mas lalo lamang siyang nagpupumiglas na makalayo sa akin."
    Natawa bigla si Darel sa anak. Pagkatapos ay napalitan iyon nang seryosong anyo. "Five years, Harrem. Five years kang nawalay sa akin noon, hindi kita nakita kung papaano ipinagbuntis ng mommy mo, isinilang at kung papaano unang bumigkas, gumapang at hanggang sa naglakad. And I'm so proud of you for being a good son and a man now." Nakangiti ito habang tinatanaw ang may kadilimang paligid. "Lumaki ka na may sariling paninindigan, hindi ka umaasa sa ano mang meron ako. Nagsikap ka ng para sayo at nakamit mo ang magandang propesyon mo ngayon. Pero sa lahat ng iyon, isa lang ang hindi ko malilimutan mo'ng idinulog sa akin. Iyon ang unang pagkakataon na humingi ka ng tulong sa akin, pero hindi para sa sarili mo." Lumipad ang mga mata nito sa kanya. "It's about to her."
    Natatandaan niya iyon.
    "Somewhere between two lovers.." sambit niya ng maalala ang binitiwang huling kataga ng ama noong magkausap sila sa linya. Alam niyang pangangantiyaw iyon, pero hindi niya alam ang pakihulugan na tinutukoy ng ama.
    Tumayo si Darel habang tumatango ng nakangiti. "Pakiramdam ko hindi ako naging kompletong ama para sayo, because you wouldn't need me for so long. Pero sana sa pagkakataong ito, masabi kong nagpaka-ama ako sa problema mo ngayon." May kung anong bagay itong idinukot sa bulsa ng suot nitong corporate suit. Isa iyong puting sobre. Inilapag nito iyon sa mesa.
    "Propose to marry her, malay mo ang bagay na iyon lang ang inaantay niya mula sa iyo."
    "Kasal na siya, Dad." Ang malungkot niyang tugon habang tinititigan ang papel na nasa mesa.
    "Use that thing, Harrem." Tukoy nito sa inilapag. "Makakatulong iyan para sayo, at iyan lang ang magagawa ko para sa kaligayahan mo." Akma itong tumalikod upang sana ay iwan siya nang wari ba'y may naalala. "Siya nga pala, nagpa-set ako ng appointment kay Mrs. Tejada you should come to her jewellery shop. Magaganda at de-klasiko ang mga gawa nilang alahas." Saka ito tuluyang naglaho sa kanyang paningin.
    Dinampot niya ang papel na inilahad ng ama.
    Saglit na binuklat ang mga dokumento bago muling ibinalik sa pagkakatiklop.
    Sumungaw ang mga ngiti sa labi niya.
    "Thanks, dad!" bulong niya sa sarili at nagmamadaling tumayo na para bang may naalala.
    Si Darel na nakangiting nagtungo sa silid nilang mag-asawa ay agad na hinanap ng mga mata si Kayrie. Naabutan niya iyong nakatayo sa gilid ng batong barandilya ng malaking balkon. Kung saan matatanaw ang puwesto nila ni Harrem kani-kanina lang.
    "Ayokong danasin ni Harrem ang limang taong pangungulila ko sa inyo noon, sweetheart." Ang malambing niyang bulong sa magandang asawa. Hinayaan nito na pumaloob sa mainit niyang yakap, saka malamyos na dinampian ng mga halik ang batok ng nakatalikod na asawa.
    "Habang tumatagal, mas lalo kitang minamahal.. Sweetheart."
    "At ganoon din ako sa iyo, Darel." Ang nakangiting tugon ni Kayrie.
   
   
    Ang planong pagpapahuli ni Kelly sa almusalan ay naging hudyat para mapansin ni Kayrie.
    O sinadya talaga nitong sabayan siya.
    "You were staring at it as if something is haunting you." Anang ginang habang naglalagay ng  pagkain sa pinggan. "Napaka-obvious ng anyo mo."
    Pakiramdam niya ay pumipintig ang ulo niya sa nararamdamang tensiyon. Nangungulomata siya at wala pa ring maayos na tulog.
    "Harrem has one type of obsessive compulsive disorder, Kelly. Iyong semmetry and orderliness. Baka napapansin mo iyon kapag nakakasama mo siya."
    Nahinto siya sa gagawing pagsubo sa kutsarang may laman na pagkain. At nag-angat ng paningin upang salubungin ang mga mata ng ginang.
    Ngayon lang kasi niya naranasan na nakipag-usap ito sa kanya ng ganon patungkol sa anak.
    "A type of OCD wherein they have this compulsion and need to have everything lined up symmetrically. Kailangang ang obsessive fear ni Harrem ay masiguro and everything feels just right to prevent discomfort or sometimes to prevent harm occurring. Iyon bang ayaw niya ng nakakakita ng tabinggi. Distracted siya kapag may nakikitang kahit anong tabingi o wala sa lugar. Lalong ayaw niya ng disorganized," paliwanag ni Kayrie. "Tuwing umuuwi kayo ay lagi ka niyang isinusumbong sa akin. Palagi mo raw pinuputol at pinupudpod ang mga crayons niya at nilulukot ang mga pahina ng libro niya. He didn't like that. Makalat ka raw katabi. Ayaw niya ng makalat at disorganized. Maarteng bata." Kayrie joked.
    Mas naging malinaw sa kanya ang mga kakaibang kilos ni Harrem. Hindi lang miminsang nahuhuli niya itong pinapantay o inaayos ang anumang bagay na tabingi sa paningin nito. Katulad na lang ng blusa niya o ang tasa nito sa platito. Ang kutsara at tinidor.
    Bakit ba hindi niya agad nahulaan iyon? Gayong mula pagkabata ay mag best friend sila.
    Kunsabagay noong bata pa sila hindi naman niya alam na OCD ang tawag doon. Ang alam lang niya perpekto si Harrem. Maimis at over neatly.
    "Naririyan ang naiinis siya sa iyo at ayaw ka niyang katabi. Hindi lilipas ang araw na hindi niya binabanggit ang pangalan mo. How ironic to say OCD is a disorder then in fact he wants everything in order. He was very organized, still is. Even you are eighteen, he knows that you're the one he'll marry someday. He loves you when his heart was young and loves you still when it was broken."
    Hindi na namalayan ni Kelly ang unti-unting pagtulo ng kanyang luha. Hindi na niya alam kung aling bahagi ng puso niya ang masakit na naging dahilan ng pagluha niya. Ang bagay na pagsisinungaling niya kay Harrem o ang bagay na buong buhay ni Harrem ay minamahal siya. Now her feelings were confused. Ang akala niya ay obsession lamang nito ang pag-sasaayos ng gusot niya na siyang totoo naman, pero ang hindi niya katiyakan sa sarili ay kung kaya ba niyang pakibagayan ang pagiging perpekto nito at hindi siya magdudulot ng ano mang kasiraan nito sa buhay.
    "Alam kong mahal ka ni Harrem. kelly. Hindi bilang kaibigan. Higit pa roon. He never had girlfriend. Flings maybe. He's a man, and single. Maraming nagnanais na mabingwit ang anak ko. Pero lagi niyang sinasabi na nag-aalala siya sayo, at mas kailangan mo siya. I knew I had to do something, at hindi ko nga lang alam kung paano sisimulan.."
    Humugot ito ng isang malalim na paghinga. "As you said, ina rin ako kagaya mo. At gagawin mo rin ang bagay na ikabubuti para sa anak mo."
    Tama ito, at marahil nakikita nito ang epektong ginagawa niya sa anak nito. Pero kahit sa sariling ina niya ay hindi siya malapit. Masyado kasi siyang nahumaling sa tabi ni Harrem noon at ito ang parating sandalan niya sa maliit o malaki mang bagay.
   
   
    ISANG UNGOL ang pinakawalan ni Kelly, at sa balintataw ng kanyang panaginip, may nararamdaman siyang dumadama sa kanyang katawan.
    Hinahalikan siya ni Harrem. Hindi lang mga halik kundi dinadama nito ang kanyang balat—sa bawat bahagi ng katawan niyang nadadaan ng kamay nito, ay ang mga labi naman nito ang  nag-iiwan ng marka sa mga paghalik.
    Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balikat patungo sa leeg..
    She could feel his fingers feathering her naked spine..
    Naked. Yes.
    Sa panaginip niya, wala siyang damit. At hinihiling niya na ang sensuwal na panaginip na iyon ay huwag ng matapos pa.
    Hindi pa siya nananaginip kahit kailan nang ganito.
    Tila may daloy ng kuryenteng gumagapang sa mga binti niya subalit parang walang lakas ang mga iyon? Tila ba siya tinatangay ng malaking alon sa dagat. Nilulunod siya ng nagmamadali at mantinding pangangailangang hindi niya kayang ipaliwanag.
    Halos lunurin siya ng sensasyong lumulukod sa kanya. Narinig niya ang pag-ungol nito.
    Had she hurt him?
    Parang ayaw na niyang magising pa.
    "Sweetheart.." bulong nito, "tell me to stop. Oh, god, this isn't right. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.."
    Hindi niya maunawaan ang sinasabi nito. Bakit siya hinihilingan ni Harrem na pahintuin ito sa ginagawa? Gayong desperada na rin siyang kailanganin ito. Umaasang mas higit pa roon ang ipadama sa kanya ng lalaki.
    She was on fire.
    At hindi niya kakayanin kung hihinto ito sa ginagawang paghalik sa kanyang leeg, patungo sa balikat at sa magkabilaang dibdib. Pababa pa sa.. sa kanyang tiyan.
    "Please.. please. Do anything you want but don't stop, Rem, please.." she beg him to go on.
    "You're so deliciously in way, sweetheart.." anas nito habang patuloy na gumagapang ang mga halik pababa. "Didn't.. Ju.. Julian satisfied you in bed?"
    "No other man can touch my body, Rem.. oh.. it's.. it's just.. only you.." ang maramdaming tugon niya.
    Ang mga katagang iyon ang nagbigay daan upang pag-ibayuhin nito ang siyang ginagawa.
    She knew her eyes were closed. Ni hindi niya matandaang nagmulat siya ng mga mata sa panaginip niya. But she visualized him moving on top of her.
    Sa ganoong paraan siya nakatulog ng mahimbing.
    Ala-siete nang magising siya kinabukasan. Ganoon na lamang ang pagtataka niya sa nakahubad na katawan sa ilalim ng makapal na kumot. Nilinga niya ang higaan. Wala roon ang kanyang anak na si Marco. Ang tanging naroroon ay ang kanyang kasuotan na suot kagabi bago natulog.
    Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang papaniwalain ang sarili na panaginip lamang ang nangyari ng gabing iyon, pero kailangan niyang makatiyak. Mabilis na dinampot niya ang saplot at pinatungan lamang iyon ng roba saka nagmamadaling lumabas ng silid.
    Naulingan niya si Daniela na kalalabas lang sa pinto ng sarili din nitong kuwarto.
    "May problema ba, ate Kelly?" Ang nagtatakang tanong nito sa kanya na para bang kapansin-pansin ang kilos niya.
    "Si Marco?" Sa halip naitanong niya.
    "Kagabi ay naglalaro sila ni Kuya Harrem, pero ibinigay niya iyon kay tita Cassandra."
    "Si Harrem, nasaan siya?" Awtomatikong kumilos siya kaagad sa tapat mismo ng pinto ng silid nito upang matuklasan na walang tao roon at malinis ang silid.
    "Maagang pumasok si kuya, sa ospital. Ate." Nakasunod pa rin ang dalagita sa kanya. Para bang nauunawaan ang ikinikilos niya. "Pero nagbilin siya kay mommy na uuwi din siya kaagad, may aasikasuhin lang daw sila ni kuya Gael sa laboratory. Hindi ba't diyan sa silid mo natulog si kuya kagabi?"
    Natuptop niya bigla ang noo. Oh, no! May mali na naman siyang nagawa. Bakit nga ba siya nagpadala sa tukso nang inaakala niyang panaginip?
   
    "Well congratulations!" Ang natatawang sabi ni Gael kay Harrem ng magkasunod silang lumabas sa sariling opisina.
    Nagkibit siya ng balikat pagkatapos hugutin sa bulsa ng doctors gown ang cellphone.
    "Ano bang mas maganda, white or red roses?" Tanong niya sa kaibigang naiiling habang itinatapat sa tainga ang hawak na telepono.
    "Harrem!"
    Kagya't na napalingon siya sa kilalang tinig na iyon.
    "Tita Cassandra.." sambit niya na kaagad ibinaba ang cellphone. Kasama nito ang asawa na Dave habang inaakay.
    "Ang tito Dave mo kasi, inaatake ng alta-pression, habang nasa daan kami. Patungo na nga sana kami sa opisina'y naisipan naming dumaan na rito." Ang hindi mapakali sa pag-aalalang wika ni Cassandra. "Maayos naman siya kanina, kung hindi lang tumawag ang kaibigan mong si Kelly, ang batang iyon talaga. Sakit sa ulo namin mag-asawa."
    Kumunot kaagad ang kanyang noo na napasulyap sa kaibigan na napatingin rin sa kanya.
    "Bakit ho ba?" Naitanong niya habang sumesenyas sa isang nurse na kailangan nilang mag-asiste ng pasyente. At iyon nga ang mag-asawang napasugod.
    "Aba't ora-orada ba namang nagpa-patransfer ng pera sa account niya at ang sabi ay aalis sila ng apo ko patungong Australia! Kung hindi ba naman——" naputol ang ilan pang sasabihin ni Cassandra ng mabilis itong bumaling sa kasamang doktor.
    "Ikaw na muna ang bahala sa kanila." At walang lingong likod na tinakbo ang pasilyo ng ospital patungo sa pabukas ng elevator.
    "Ang kabataan talaga ngayon!" Ang naiiling na sabi ni Cassandra.
    "Ano ho bang nararamdaman ninyo, sir?" Baling ni Gael kay Dave na noon ay napatayo na mula sa pagkakaupo.
    "Palagay ko'y wala naman talaga akong sakit, hijo." Sinabayan nito iyon ng pagtapik-tapik sa balikat ni Gael.
    Nagtatakang napakamot naman sa ulo ang doktor.
    "Hindi na ako magtataka kung saan nagmana ang anak mo, Mrs. Cassandra Cortez." Ang naiiling na sabi ni Dave sa asawa.
    "Halika na nga, at sa opisina ni Darel tayo magtungo." Isiniksik nito ang katawan kay Dave upang masuyo namang hapitin iyon ng asawa.
    Bago nilingon ang doktor na noon ay nanonood lang.
    "Pagpasensiyahan mo na kami sa abalang ginawa namin, ha.."

Between two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon