Chapter six

119 2 0
                                    

Harrem couldn't utter word, if his life depended on it. Naroroon pa rin ang kaba sa dibdib niya nang makita ang sariling ipinupulupot ang magkabilang bisig mula sa likod ng kaibigan patungo sa tiyan nito.
    "Harrem.."
    Narinig niya ang mahinang pagsinghap nito na bahagyang natigilan. Marahil dahil sa biglang pagyakap niya rito.
    "Sinabi ko na sayo'ng ako na ang gagawa niyan, hindi ba?" Sinadya niyang inilapit ang bibig sa punong tainga nito upang maamoy ang mabangong buhok nito na malamang ang shampoo rin niya ang ginamit nito kanina ng maligo.
    "K-kaya ko naman ito." Nauutal ito, at kasabay noon ang pag-puna niya sa nangangatal nitong kamay sa basong pinadadaanan sa tumutulong tubig mula sa gripo.
    Nais niyang isipin na dala iyon ng sensasyong ibinibigay niya rito.
    Nang sadyain nitong kumawala sa pagkakayakap niya upang salang-sangin ang malinis na baso at pinggan sa cupboard ay muling tumaas ang kamay niya patungo kay Kelly at hinapit niya ito pabalik sa kanya. Then he planted a soft kiss on her surprised lips. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.
    Kung namangha si Kelly sa ginawa niya ay dobleng pagkamangha ang naramdaman niya. The kiss was spontaneous. He hadn't planned it.
    Kung paanong hindi rin niya pinlanong yakapin ito kanina habang nakatalikod.
    What was wrong with him?
    Umabot na ba sa ganito ang pagnanais niya sa kaibigan?
    Lalo ng hindi niya inaasahan ang reaksiyon ng sariling katawan. It was just a simple kiss on her soft and moist lips. Pero tila kinokuryente siya ng libo-libong boltahe sa katawan.
    Worst, he'd felt his member hardening.
    Oh, god! Paano siya nakadarama ng sexual na pagnanasa sa isang matalik na kaibigan at kababata? Although there was time in his life that he had really thought of them together. As one. At ini-imagine na magkasama sila sa kama.
    Naputol ang daloy ng isip niya nang muli niyang marinig ang pagsinghap ni Kelly. Sa pagkakataong iyon ay alam niya kung bakit dahil bahagyang inilayo ni Kelly ang sarili mula sa ibabang bahagi ng katawan niya sa disimuladong paraan.
    She had felt his arousal!
    Guiltily, he stared into her startled eyes. Na sinamahan ng pagkalito. At napuna niya ang unti-unting paggapang ng pamumula sa mukha nito.
    "K-kell.. sweetheart.." anas niya. "Just this night, please.." hindi niya alam kung papaano iyon kusang lumabas sa kanyang bibig. Pero huli na para bawiin pa niya dahil ito na mismo ang tumingkayad upang abutin ang mga labi niya.
    "Oh, Kell..I love you," anas niya sa pagitan ng mga labi nilang magkahinang.
    "And I do, Rem..I love you too" ganting tugon nito na halos gusto niyang durugin sa katawan niya ang katawan nito buhat sa mahigpit na pagkakayakap.
    Tila may kung anong paru-parung naglalaro sa tiyan niya ng mga sandaling iyon.
    "Let's go upstairs." Wika niya na hindi inaalis ang bisig sa baywang nito at ang panaka-nakang pagdampi ng halik sa leeg, batok o kung saang parte ng katawan nito na maabot niya.
    HUSTONG NANIKIP ang dibdib ni Harrem sa mga ala-alang iyon noon sa pagitan nila ni Kelly. Yes, he was expecting that his confession to her was real. Pero nagkamali siya ng inaakala na pareho ang kanilang nararamdaman ng sandaling iyon, dahil pagmamahal lang bilang kaibigan ang katugon ng salitang kanyang inihayag. Kuyom ang mga kamao at tiim bagang napatitig siya sa madilim na kalangitan buhat sa balkon ng kanyang silid sa mansiyon. Isa lang ang laman ng kayang kaisipan ngayon, at sigurado siyang uusigin siya ng budhi sa magdamag at pagninilayan ang mga pagkakamali niyang nagawa noon sa matalik na kaibigan.
   
   
    "Simula't sapol nariyan ako sa tabi mo, tagalutas ng mga problema't gusot na pinapasok mo. Naroroon din ako noong panahong kailangan mo ng maga-gamit upang pagselosin ang dating boyfriend mo." Sandaling natigilan si Kelly sa sinabing iyon ni Harrem. Alaala iyon ng huling pag-tatalo nila ng kaibigan bago siya tuluyang sumama kay Julian patungong Australia.
    Kung hindi dahil sa mariing halik ni Harrem ay kumawala sana ang sigaw ni Kelly.
    "Sweetheart.. Kell.. I didn't expect this.. you're so.. so tight.."
    Her eyes flew open!
    Isang malakas na pagsinghap ang pinakawalan niya nang maramdaman ng pagkilos ni Harrem at ang patuluyang pag-angkin nito sa kanya.
    She bit her lip to keep her from screaming. The pain was tearing her apart as his rhythm became fast, almost frantic. At hindi niya kayang pigilan iyon, gaya ng kanyang nais sa mga panaginip.
    Ibinigay niya ng tuluyan ang sarili sa lalaking pinakamamahal niya.
    At tanging ang mga luha lamang niya ang makapagpapa-totoo sa nangyari sa kanila.
    Makalipas ang ilang sandali ay bumaba sa tabi niya si Harrem. Nararamdaman niya ang mga bisig nito na yumayakap sa kanya, dinadala siya patungo sa dibdib nito. Inihilig niya ang mukha sa pawisang dibdib nito.
    "Thank you, Kell.." He croaked. Na nagpa-angat sa kanya ng mukha rito.
    "Ang.. ang pagpayag ko sa ginawa mo'y kabayaran sa mga itinulong mo sa akin."
    Nagulat siya sa nakitang galit na gumuhit sa mga mata ni Harrem. Kahit kailan ay hindi pa ito nagalit sa kanya. Bahagya siyang napasinghap.
    "Huwag mong pababain ang namagitan sa atin, Kelly!"
    Nagyuko siya ng ulo. "I'm.. sorry."
    Hinawakan ni Harrem ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito upang hagkan.
    And moments later, really both drifted back to sleep.
    Kung ano ang ayos na kinatulugan nila ay ganoong ayos din ang nakagisnan ni Kelly habang  ginigising siya ng malalamyos na halik ni Harrem sa labi, sa pingi, sa noo, o kung saang parte ng kanyang mukha.
    "Good morning, sweetheart." Ang nakangiting bungad nito sa pagmulat ng kanyang mga mata.
    "What time is it?" Ang gagawin sanang pag-kusot niya sa mga mata ay napigil nito.
    "Past eight, at huwag mong kukusutin ang mata mo." Dinampian nito ng mga halik ang kamay niyang hinuli.
    "May pasok ka hindi ba?" Kaagad na tanong niya kasabay ang pagbangon kung hindi lang iyon naawat nito sa paghapit sa kanya pabalik sa hubad pa rin nitong katawan.
    "Late na ako, kaya pinasya ko ng hindi pumasok."
    "Oh, my, hindi ba't graduating ka na this next month?"
    Ngumiti ito. "Hindi naman makakaapekto sa grades ko kung sakaling mawala ako ng isang araw."
    Dahil may mataas kang IQ at mani-mani lang sayo ang mga aralin. Gusto niyang mapabuntong hininga sa naiisip dito.
    "Kung ganon ay ano ang gagawin mo ngayon?"
    Hindi niya inisip ang tanong na iyon bago naglabas ng isang pilyong ngiti ang binata.
    "Hindi na masama kung ikaw ang magiging almusal ko, sweetheart.." ang nagbabadya nitong tinig na siyang dahilan para kumawala siya mahigpit nitong pagkakayakap. Ngunit huli na siya para sa mabilis nitong pagkilos at pang-ibabawan siya.
    "Harrem.." awat niya ng pupugin ng halik ang kanyang leeg.
    "Kelly if you stopped me from making love to you now, I'll surely die."
    She would have smiled. Pero naroon ang intensidad sa mga mata nito na madugtungan pa ang nangyari sa kanila kagabi. He was kissing and touching her like there were no tomorrow. Sa earlobe niya, sa leeg, at pababa sa dibdib niya.
    Tumugon siya sa mga halik at ang mga kamay niya ay gumawa ng sariling paglalakbay sa katawan nito.
    "I want you so much, Kell.." bulong nito sa pagitan ng kanilang magkahinang na mga labi.
   
    Dalawang araw na nabakante sa pag-aaral si Harrem at animo, parang mag-asawa na bagong kasal ang naging pag-sasama nila Kelly at Harrem sa unit nito. Walang sandaling pinakakawalan siya ng binata sa mga bisig nito.
    Napupuno ang puso niya ng mga malalambing na salita ni Harrem. Nakalulunod para sa kanya at hindi na niya alam kung makaaahon pa ba siya sa apoy na nilikha nilang pareho.
    "I really don't know why you should need already clothes?" Ang pabirong sabi ni Harrem habang natatakam na tinititigan ang katawan niya sa suot na t-shirt na pag-aari nito. "Huhubarin ko rin naman iyan."
    Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Ano bang plano mo, ang ikulong ako rito sa condo mo?"
    "Brilliant!" Mulagat nito. "Para makasiguro ako na wala kang gagawin na iba, kundi ako."
    "Tse!" Kumilos siya upang itulak ito sa tapat ng pinto. "Go on, at ibili mo ako ng masusuot."
    Pero naging maagap ito bago niya pihitin ang knob ng pinto. Sandaling ikinulong siya sa mga bisig.
    "I hate to leave a second without you."
    "Ang OA mo." While she rolled her own eyes. "Dalawang araw ka nang hindi pumapasok, tapos bibili ka lang ng damit ko para makalabas ako at makapag-grocery tayo, nag-iinarte ka pa d'yan?"
    "Oh, right.." anito kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay. "Maybe you should give a kiss, before I leave?"
    "Ang dami mong seremonyas!" Pagdadabog niya rito na ikinatawa lalo ng gwapong mukha ni Harrem. He cupped her face and slowly drag facing her near. Pinigil niya ang hininga sa paglapat ng labi nito sa mga labi niya.
    "Your sweet, tasted like a honey." Bulong nito ng pakawalan ang labi niya. "Nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat pa ba kitang bilhan ng damit gayong mas komportable namang pareho tayong nakahubad."
    "Pervert!" Napipikong sabi niya.
    Tumawa ito ng malakas saka tuluyang lumabas na ng pinto.
    Puno ng ngiting tinitigan niya muna ang pintong nilabasan ng binata bago naiiling na humakbang pabalik sa salas.
    Pero wala pa ang limang minuto ng makarinig siya ng chime. Bumalik ba ito para asarin siya? Alam naman nito ang digital lock code, bakit kailangan pa siyang pahirapan para pagbuksan? Napag-isip isip na ba talaga nito na huwag siyang bilhan ng masusuot?
    Inis na pinatirik niya ang mga mata ng buksan ang pinto.
    "Ano na naman bang kalo——" kusang naputol ang kanyang sasabihin ng mali ang taong kanyang napagbuksan.
    "Hi." Anang magandang babae na nasa harapan niya. Tall, statuesque, composed and poised.
    Tama ba nababasa niya sa babaing kaharap niya ngayon?
    "H-hi." Alanganin niyang tugon.
    Pero ang nagpailang sa kanya ay ang pagsipat nito sa kanyang kabuonan lalo na sa suot niyang t-shit na pagmamay-ari ni Harrem.
    "You are Kelly, right?"
    "Yeah.. and you are?"
    "I'm Cielo, Cielo Yang. Girlfriend ng best friend mo na si Harrem Lopez."
    Kung may ilalaglag pa sana ang mga panga ni Kelly ay malamang na dadamputin niya iyon sa sahig.
    "Can I come in?"
    Huli na para pigilin pa niya ito dahil kinain na nito ang espasyo ng nakabukas na pinto.
    "His not here."
    "I know, nakita ko siya ng lumabas sa pinto at iniwan ka. Nagkubli lang ako sa pagitan ng fire exit."
    Hindi niya napigilang mag-angat ng kilay sa sinaad nito. Kung ganoon ay siya ang sadya nito.
    "I was wondering kung bakit two days nang hindi pumapasok si Harrem." Nag-labas ito ng isang tipid na ngiti. "Nandito ka pala, kaya absent minded siya sa mga activity, hindi naman kaila sa iyo ang nalalapit naming pagtatapos ngayon hindi ba?"
    Napalunok siya sa biglang pag-iba ng mga titig nito sa kanya, kalakip roon ang tila pangungutya. "Anong problema na naman ba ang hatid mo sa kanya? Hanggang kailan mo ba bubulabugin si Harrem? Hindi ba't mag-best friend kayo? Bakit parang sa nakikita ko ngayon, ikaw ang lumalabas na girlfriend niya at hindi ako?" Naglabas ito ng isang mapang-insultong tawa. "Best friend ka nga ba niya o ginagamit mo lang ang pagkakaibigan ninyo dahil ang totoo ay makasarili ka! May boyfriend ka hindi ba? Nasabi sa akin yon ni Harrem kapwa artista mo, pero dahil magaling kang magbalat kayo. Tinutuhog mo ang dalawang lalaki." Parang ugong iyon nang kampana sa kanyang pandinig na nakatutulig.
    Matagal ng nakaalis si Cielo sa harapan ni Kelly ay nananatili pa rin siya sa pagkatigalgal.
    Kung hindi pa niya naringgan ang biglang pagtunog ng telepono ay hindi pa siya makakakilos.
    Hinanap ng mga mata niya ang pinanggalingan ng ingay, upang mapag-tanto niyang ang sariling cellphone pala niya ang siyang tumutunog.

Between two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon