Chapter one

394 4 0
                                    

Pagkainip ang bumalatay sa gwapong mukha ni Harrem habang nakasandal ang kanyang likod sa pulang C190 Mercedes benz-AMG GT na binili niya noong makalawang linggo lang dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng kanyang ama na magpalit na ng bagong sasakyan.
    Hindi niya gusto ang sasakyang iyon, dahil bukod sa nakaagaw ng pansin sa mga mata, nagiging mapang-akit siya sa mga kababaihan na nagpapairita lamang sa kanya. Mas di hamak na nais pa rin niyang dalhin ang bmw na iniregalo sa kanya noon ni Kelly, hindi dahil sa nakasanayan na niya, kundi dahil para na sa kanya nag iiwan iyon ng maraming alaala para sa kanilang pagkakaibigan? Kung ganon nga ang matatawag niya sa relasyon nila noon.
    "Tito Harrem!" Sigaw ng tinig ng isang bata na
    nagpaangat sa kanyang mukha buhat sa matang natatakpan ng shade.
    Ang ngiting abot tainga at walang humpay na pagkaway ni Marco—ang siyang bumungad sa kanya buhat sa palabas na pribadong exit sa domestic airlines. Kasunod nito sa likuran ang inang si Kelly. Walang kupas, na nanatili pa ring maganda ang kaibigan niya sa kabila ng pagiging ina na nito. Hindi nagbago ang magandang kurba ng katawan na pinanatili marahil nito sa mentena ng pagkain at exercise.
    Inalis niya sa pagkakasalikop sa dibdib ang mga braso at napatuwid ng pagkakatayo. Kaswal na humakbang upang salubungin ang papalapit na mag-ina.
    Sigurado siyang pagod at may jetlag ang mga ito dahil sa mahabang paglipad mula Australia.
    Mabilis na nagpakarga kaagad sa kanya ang bata ng mapatapat siya sa mga ito. Habang ang isang kamay naman niya ay umaabot sa traveling bag na hinihila ni Kelly.
    "How's the flight, little bunny?" Tanong niya sa bata. Minsan gusto niyang isipin na kanya ang batang iyon kung hindi lang napatunayan nito na sa ibang lalaki iyon.
    "Naglikot ang batang iyan, nakakahiya sa mga flight attendants." Ang tumitirik na mga matang wika ni Kelly na nagpangiti sa kanya. Halos apat na taon niyang inaasam ang pag-uwi nito.
    "Ganon ka rin naman no'ng mga bata pa tayo." Paalala niya na siyang ikinatahimik nito.
    Pansin na niya noon pa nang mabuntis ito ay may malaking pagbabago, lalo na sa kanilang samahan. Tila may malamig na yelong pader sa pagitan nila. Iniisip na lamang niya na dala marahil iyon sa kinahaharap na sitwasyon nito.
    "Si Julian, susunod ba dito sa Pilipinas?" Tanong niya ng huminto sila sa tapat ng kanyang sasakyan.
    Ang tinutukoy niya ay ang ama ni Marco.
    "I don't know," tugon nito. Kasabay ang pag-iwas sa pagtama ng kanilang mga mata.
    Kaya ba ito biglang napauwi ng Pilipinas dahil may hindi magandang nangyari sa mga ito? Noong nakaraang araw lang sa overseas call, wala itong nababanggit patungkol sa karelasyon nito. Ang akala niya ay tumatakbo iyon sa maayos na pagsasama. Hindi rin nito nasabi ang gagawing pagbalik sa Pilipinas.
    Ilang ulit din siya sumasadya sa Australia para dalawin ito at ang bata para kamustahin. Nakikita naman niya ang magandang pagsasama ng mga ito.
    Ang totoo, hindi niya matanggap noong una na magka-kaanak na at magkakaroroon na ng sariling pamilya si Kelly. Nasanay na kasi siyang lagi silang magkasama at open sa isa't isa. Halos iumpog pa nga niya ang sariling ulo sa kada-dalangin na huwag ng panagutan ni Julian na kasintahan nito ang ipinagbubuntis ng kaibigan at siya na lamang ang aako ng dinadala nito.
    Pero wala siyang nagawa ng magdesisyon si Kelly na sumama kay Julian sa Australia upang doon manganak at manirahan. Actor ang lalaki at umiiwas sa malaking issue. Na kung tutuusin wala siyang nakikitang negative side kung sakaling pumutok ang issue sa relasyon nila ng kaibigan. Mas malaking pabor pa nga iyon na ikasisikat nito dahil madadala nito ang pangalan ng kompanya ng kanyang daddy, dahil Vice President ang tito Dave niya at ilang suite, condominiums, and luxurious hotel ang pag-aari ng tita Cassandra niya. Nais niyang manghimasok sa kinahaharap ng kaibigan pero ito ang nagtulak sa kanya upang iwasan ang issue at huwag na siyang dumagdag pa sa problema nito. Kung hindi pa nga niya narinig ang pag-uusap ng daddy niya at ng tito Dave niya kaninang umaga, wala siyang kamuwangan sa pag-uwi nito. May dalawang pasyente siyang naka schedule ngayon for surgery, ipinasa niya kaagad sa kapwa surgeons ang dapat na siya ang mag-oopera. Ang babaing ito, lagi siyang binibigyan ng tantrums.
       
       
    NAKATULOG na sa kandungan ni Kelly ang anak habang nasa biyahe sila patungo sa mansiyon ng Lopez. Doon siya tutuloy gaya ng kagustuhan ng mommy niya. Dahil kung magmamatigas siya, nasisiguro niyang hahalughugin ng mga ito ang buong Pilipinas para mahagilap ang tutuluyan niyang suite. Hindi niya inaasahan na si Harrem ang susundo ka kanila, kung hindi pa siya tumawag sa ina para ipaalam na nag stop over sila sa Hongkong malamang ikagugulat niya na makita ito.
    "May ibang babae ba si Julian?" Pagkaraan ay basag ni Harrem sa kanilang katahimikan.
    "His faithful." Tugon niya na hindi lumilingon sa katabi. Dinig pa niya ang pagbuga nito ng malalim na buntong hininga. Sa ikinikilos nito mula pa kanina, nababasa niya ang pag-aalala nito para sa kanya. His true friend, kilalang kilala siya mula sa kasuluksulukan ng pagkatao niya, at wala siyang kayang itago rito. Kaya nga pinili niyang tumakbo noon palayo.
    "Kell, you can tell me——."
    "Please Harrem, hayaan mo ako sa problema namin ni Julian." Putol niya sa pag-uulirat nito.
    Hindi niya gusto ang pag-uungkat ng binata. Kung may pagpipilian lamang siyang lugar na maaring takbuhan hindi niya pipiliing bumalik sa lugar na malapit sa paningin ni Harrem. Pero sa kinahaharap niya ngayon? Wala siyang makakapitan kung hindi ang sariling pamilya.
    Napaigtad siya ng maramdaman ang palad ni Harrem sa kanyang kaliwang kamay. Marahan nito iyong pinisil at dinala sa mga labi upang lapatan ng mumunting halik. Nagdudulot iyon ng init sa nanlalamig niyang katawan.
    "You know how much I love you, Kell." Anas nito kasabay ang malamyos na pagsulyap sa kanya sa kabila ng pagiging abala sa pagmamaneho.
    'Yeah, you love me as your best friend.' Bulong niya sa isip kasabay ang pagpikit ng mga mata. Pagod siya, hindi lang sa biyahe pati na rin sa pag-iisip sa kung anong gagawing plano para sa kinabukasan niya at ng anak na si Marco.
    Ayaw niyang pagsisihan ang ginawang kasinungalingan pero natatakot siya sa maaring maging resulta noon kung sakaling mabunyag ang katotohanan.
       
    "Binilhan kita ng paborito mong sandwich," ani Harrem at naupo sa tabi niya sa damuhan. Iniabot  sa kanya ang isang sandwich bag.
    Alam ng kaibigan ang mga paborito niya lalo na sa pagkain, na halos araw-araw ito ang bumibili para sa kanya tuwing breaktime.
    "Thanks, Rem." Iniabot ang sandwich, binuksan at inalis ang paper napkin na nakabalot doon. "Tuna egg sandwich." Nagsimula sa siyang kumagat.
    Classmate niya si Harrem mula grade one hanggang ngayong high school na sila.
    Sinulyapan ni Kelly si Harrem habang ngumunguya. Gwapo ito at laging tinitilian ng mga kababaihan sa St. Martin. Wala ni isa man sa kanilang mga magka-kaklase na babaing hindi pinag-uusapan ang kaibigan pagdating sa crush. Huwag ng sabihing matalino ito. Nasa Dean's list.
    Nagtataka lamang siya kung bakit napupunta ito sa section niya.
    Kaya sila nakakantiyawan na magkasintahan. Dahil mula sa pag-pasok hanggang sa pag-uwi ay parati na silang magkasama. Hindi naman niya pinapansin iyon dahil itinuturing nila ang isa't isa na matalik na magkaibigan. Ang importante kay Kelly ay masaya sila at natutulungan siya nito sa assignments niya.
    Sa kabila ng malapit sila ni Harrem ay malimit din silang mag-iringan nito. Hindi lilipas ang araw na hindi siya nito tinititigan nang masama o di kaya ay inaangilan. Lalo na kapag nanghihiram siya ng mga gamit dito.
    Hindi naman maramot si Harrem. Wala siyang hihiraming hindi nito pinahihiram. At kasalanan din naman niya kapag nagagalit ito. Sadya niyang hindi iniingatan ang mga gamit na hinihiram niya rito. Kung minsan pa nga iniinis niya pa ito sa pagbibigay ng mga pinaabot na love letter ng mga kamag-aral. Hindi rin naman niya maintindihan kung paano niya naging crush ang isang Harrem Lopez, na sapol sa kanilang pagkabata mga mukha na nila ang nakagisnan. Pero lihim na lihim ang bagay na iyon. Grade one pa lamang sila ay hugis-puso na ang itim ng mga mata niya kapag nakikita ito. Sa kabila ng nanlalagkit at nanlilimahid na silang magkaklase, pero ito ay maputing-maputi pa rin ang polo at walang kagusot-gusot kahit uwian na.
    At habang ang mga gamit niya sa school ay nakapangalat na sa sahig, ang mga gamit naman nito ay akala mo hindi nagagalaw o nagagamit.
    Napakaimis sa mga gamit ni Harrem. Nagkandaputol na lahat ng krayola niya pero ang kay Harrem ay buo pa rin at tila bagong bili pa rin ang box ng crayons kahit nakakapangalahati na sila ng school year. Hindi lang miminsang inaaway siya nito dahil sa nababali niya ang crayons nito tuwing nakikigamit siya.
    Pareho naman sila ng kagamitan tuwing pasukan, dahil magkasama silang namimili ng tita Kayrie niya ang mommy ni Harrem.
    Sinasadya lang talaga niya makigamit sa kagamitan nito. Kaya tuwing ibabalik niya ang mga libro o kahit anong hiniram niya rito ay palaging sumusungit ang mukha.
    Maraming beses niyang nakitang iniisa-isa nitong ibinabalik sa pagkakatuwid ang ilang pahina ng libro na natupi. Maging iyong kaliit-liitang nakatupi sa dulong kanto ng pahina. Natatawa lang siya at para sa kanya ay cute iyong naaasar niya ito. Kaya sinasadya niyang tupiin ang mga pahina ng libro hanggang sa sabihin nitong hindi na siya papahiramin.
    "Why can't you be prim and proper, Kell?" Untag nito sa malalim na iniisip niya. Pinagpagan nito ng sariling panyo ang crumbs ng sandwich na kinakain niya na nahuhulog sa blusa niya.
    Inirapan niya ito. Kinuha ang bottle water na binili rin nito, binuksan at uminum. Ibinaba na lang basta. Nagbuntong-hininga si Harrem at tinakpan iyon. "Nagka-crumbs lang ang blouse ko ay hindi na prim and proper?"
    "Not just that. High school na tayo pero para kang lalaki kung kumilos. Walang kahinhinan sa mga kilos."
    "Ewan!" Singhal niya. Pinahiran ng likod ng palad ang bibig. "Kung marami kang pintas sa akin di huwag mo na akong kaibiganin." Hamon niya though deep inside her heart, parang hindi niya kayang hindi na sila friends nito. Bahagi na ito ng buhay-estudyante at pamilya niya.
    "I wish I could," Harrem murmured which she failed to catch. Isa-isa na nitong ibinabalik sa bag ang mga gamit niya at pinakaaayos ang pagkakasalansan.
    Pantay pantay ang mga notebooks. Sanay na siya rito kaya hinahayaan nalang niya.
    Pero nang sumunod pang mga araw pagpasok nila magkasabay sa eskwela nagulat na lamang siya ng sa ibang silya naupo si Harrem. Sa tabi ni Lanie. Nalipat si Harrem two rows sa likuran niya. At ang katabi ni Lanie na si Melvin ay siyang pumalit sa puwesto na binakante ni Harrem. Hindi niya maamin sa sariling nagseselos siya kapag ikinakawit ni Lanie ang braso kay Harrem. Matangkad, maganda, at sexy si Lanie. Ito ang muse nila. At kandidata rin bilang Ms. High School. Ang lamang niya rito ay nasa honor roll siya. Pero kung ikukumpara sa grado kay Harrem valedictorian pa rin ito, perpekto ito sa lahat ng angulo. Hindi lang sa appearance kundi pati sa utak.
    Dalawang araw nagtagal ang hindi nila pagpapansinan nito, kahit nasa mansiyon ay tila estranghero at estranghera sila sa isa't isa. Pinili niyang magpahatid sa ama kaysa sumabay sa kotseng may driver ni Harrem na naghahatid sa pagpasok.
    Kapansin-pansin iyon sa loob ng mansiyon ngunit walang may gustong magtanong sa kanila kung ano ang dahilan ng kanilang hindi pagkikibuan at pag-iiwasan.

Between two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon