DBB 17: Time and Fallen Leaves

147 4 0
                                    

Chapter 17: Time and Fallen Leaves

~Baekhyun’s POV~

“You do not have much schedule, though your concert is coming near to its date. So I advise for all of you to not slack around and keep on practicing. Understood?” wika ni Gramps.

Lahat kami tumango at sabay sabay na sumagot sa kanya ng “Opo.”

 

“Okay, you are dismissed.” Wika niya at nagsitayuan na kami. Papalabas na ko ng kwarto ng biglang tawagin ni Gramps ang pangalan ko.

“Baekhyun.”

 

“Po?”

 

“Stay. Kailangan kitang kausapin.” Utos niya. Tinignan ko yung ibang members at pagtataka rin ang nakasulat sa kanilang mga mukha. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Patuloy silang lumabas at sinara ang pintuan.

“Ano pong gusto niyong sabihin?” tanong ko. Tinignan niya ako ng mabuti.

“Kamusta?” tanong rin niya.

“Okay lang naman po.” Medyo napatawa ako. Sino ba naman kasing magtatanong sayo nun ng may poker face?

“No, ang ibig kong sabihin… Kamusta ka?”

 

I looked at him incredulously.

“Okay nga lang p---“

 

“Sigurado ka ba?”

 

“Syempre naman po. Wala naman po akong rason para malungkot diba? Lahat naman ng nangyayari ngayon ay ayon sa ikabubuti ko eh.“

“Pati ang pag-alis ni Angelou?”

Napatigil ako.

“Eh?” nanlaki ang mata ko. Bakit napunta kami dito sa usapan na to?

“Sigurado ka bang hindi ka naaapektuhan sa pag-alis ni Angelou?” tanong niya ulit.

Napaismid ako.

“Gramps, sa lahat ng taong kilala ko, ikaw ang taong alam na alam ang sagot diyan. Bakit mo ba natanong?” Sambit ko. Tinignan niya ako ng walang emosyon at tumayo siya bigla.

“Wala lang. Baka sakaling sabihin mo lang naman sakin ng maayos.” Nagkibit balikat siya at umupo sa upuan niya. “Nagbakasakali lang.”

Dating Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon