Chapter 8: Chef And Dishwasher

970 22 0
                                    

Chapter 8: Chef and Dishwasher

Thinking about many projects makes me wanna explode. Its Monday morning at balik ulit sa klase, first subject palang namin ngayon at project agad ang pinag uusapan.

Ang gandang pambungad ng araw

"Psst pareng Jess balita ko nag practice daw ang basketball varsity team noong sabado" pabulong na Tanong ni Augustine sa akin

"Oo" mababa kong sagot.

Naalala ko naman ang ka dramahan ni bakla. Tsk iwan ko isang yun, kung ano-ano nalang ang pinag sasabi para talagang sinaniban ng yukai

"Nanood ka?" Tanong ni Ariel

"Yeah" I lazily answered giving them a hint that I'm not interested in talking about it.

"Sinong nanalo?" Hayys bakit di pa ako nasanay? Mga chismosang tomboy pala tong nga kaibigan ko

"Tie lang" sagot ko

Nung araw na yun nag tie lang ang grupo nila bakla at Rushed, di na kasi pumasok pa ulit sa third at fourth quarter si bakla. Well gustuhin niya man di parin pwede dahil utos yun ng coach nila.

Atsaka napapansin ko din na medyo wala siya sa mood Nung araw na yun hanggang pag uwi namin!

Iwan ko sa isang yun. Binalik niya naman ang susi sa akin at ako ang nag drive pa uwi habang siya ay tahimik lang sa tabi ko, hanggang ngayon nga ay di pa rin ako masyadong pinapansin.

Ah why am I thinking about him anyway tsk mapupuno lang ng bad vibes tong utak ko.

"Parehong magaling?" Tanong ni Augustine

Tumango lang ako at nanahimik nalang
Natahimik nalang din naman sila at di na muling nag salita pa. Buti naman dahil wala akong gana na sagotin ang mga Tanong nila.

Natapos ang araw namin na puro discussion at project lang ang pinag uusapan, next week na kasi ang intramurals ng university namin at ngayong araw nalang yung last meet namin sa mga professor namin dahil bukas at sa susunod na araw ay mag papractice na ang athlete at ang mga players.

Well kaming mag babarkada? Siguro gagawin nalang namin ang project namin by group naman yun at kami lang ang pipili kung sino ang kagrupo namin kaya kaming tatlo ang mag kasama. Wala naman kaming sinalihan na sports and also. We're not into sports so might as well stay in the house and finish the effing project.

Di kami mag kasabay na umuwi ni bakla dahil nauna na akong umuwi atsaka busy din naman siya sa practice nila kaya nauna nalang din ako, at isa pa di ko naman obligasyon na hintayin siya. Ano ako driver?

Tsk tsk

Pag karating ko sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto at natulog.

It's already 7:30pm when I wake up nag unat unat ako at nag tanggal ng muta Bago bumaba, I'm still yawning while stepping down on the stairs.

Tahimik parin ang bahay, wala pang bakas ni bakla.

Hindi pa ba nakauwi yun? Grabe naman ata yung practice nila over time?

Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV unang bumungad sa akin ay ang balita na mag kakaroon daw ng ulan ngayon signal number 5, joke may signal pala ang ulan?

Never mind.

Malakas daw ang ulan ngayon dahil sa isang low pressure na kakapasok lang sa PAR, di ko nalang pinansin yun.

Buti nga kung umulan para maraming tubig, puro init nalang kasi eh natutuyo na ang mga lupa.

Inilipat ko sa ibang chanel ang TV I want something funny ngayon. Gusto kong malibang ngayon.

I Married A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon